IYAN ang Kaharian. Ang Talinghaga ng Kaharian. Iyan ay nangyayari sa Kaharian ngayon. Kaya may mga tao na dating nandito. Sa mass baptism, nagkukunwari silang mga nagsisisi ngunit nang pagdating ng apoy, ang apoy ay maghahayag kung sino kayo. Ang mga kahoy, ang mga dayami, ang mga murang materyal, sunog lahat ‘yan. Ang maiiwan ang mga ginto.
Ang ginto ay hindi nawawala kapag dumaan ang apoy. Sa katotohanan, ang ginto ay lalong dumadalisay sa pagdaan ng apoy. Kaya saan man ako pupunta, makikita ninyo ang magnetismo ng mga anak na dumarating sa akin. Nakikita ninyo ang lahat ng mga anak, parang ako’y magnet na naaakit sila sa akin kahit hindi pa nila ako nakita. Bakit? Sila ang pag-aari ng Ama na niloko, nilinlang ni Satanas. Ngayon, narito na ang liwanag ng kanilang buhay. Aalisin sila sa pagkalinlang na ‘yan. Kaya akin ang buong sanlibutan ngayon. Ako ang may-ari ng sanlibutan ngayon.
Lucifer, kasama ng lahat ng iyong anak, na siyang nangingibabaw sa mundong ito sa lahat ng panahong ito, magkubli na kayo! Ang inyong oras ay tapos na. magkubli kayo Satanas at lahat ng iyong mga anak. Alis kayo lahat. Ito na ang simula ng pamumuno ng mga anak na lalaki at anak na babae ng Baong Mundo ng Bansang Kaharian, ng anak na lalaki at anak na babae ng Dakilang Ama.
ANG PANUNTUNAN NG PAGMAMAY-ARI
Nais kong ipaliwanag sa inyo ang “Panuntunan ng Pagmamay-ari.” Bakit nilikha Niya si Adan at Eba upang maging may-ari ng lumang mundo; at tayo sana ang nagmamay-ari nito. Ngunit dahil sa paglinlang, ang sangkatauhan ang nanatiling may-ari ngunit ang tunay na pagmamay-ari ay sa pamamagitan ng espiritu ni Satanas na si Lucifer ang demonyo (sa pamamagitan ng binhi ng ahas) na nasa kanilang loob. At kanyang pinayapa ang kanilang pagkagutom sa espiritu sa pamamagitan ng pagbabago sa Tunay na Panginoon sa pamamagitan ng relihiyon at denominasyon; kaya sila ay nalinlang. Sinabi ni Satanas, “ligtas kayo.” Akala ninyo kayo ay ligtas na ngunit hindi sa paglinlang. Dumating si Jesus Christ upang alisin ang paglinlang at sinabi Niya, “Hindi bawat nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian…kundi ang gumaganap ng Aking Kalooban.” Sila ay mangmang sa katuwiran ng Panginoon. Kanila itong pinalitan ng sarili nilang katuwiran dahil wala silang kaalaman. Sila ay tinawag na mapagkunwari dahil kanilang pinalitan ang Salita ng Panginoon ng mga turo ng tao. Sinabi Niya, “Walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin.”
Ang espirituwal na panuntunan ng pagmamay-ari ay may kinalaman sa pagkilala na ang lahat ng bagay ay tunay na pagmamay-ari ng Panginoon. Bilang Tagapaglikha ng lahat ng bagay, ang ating Dakilang Ama ay humahawak sa katibayan ng pagmamay-ari ng mundo at ng lahat ng tao nito.
Ngunit si Satanas ay dumating bago dumami ang tao at kanyang itinanim ang kanyang sariling binhi ng ahas. Kaya dumami ang tao na may binhi ng ahas –kayo ay pagmamay-ari ni Satanas na si Lucifer ang demonyo, nalalaman man ninyo ito o hindi. Kapag sinabi ko “pagmamay-ari,” una sa lahat, ito ay sangkatauhan; dahil kung walang sangkatauhan, walang mga gusali, walang mga kalsada. Hindi ako nagsasabi ng patungkol diyan. Nagsasalita ako patungkol sa sangkatauhan. Sino ang nagmamay-ari ng sangkatauhan? Sa paglikha dapat sana ang Ama. Ang demonyo ay dumating at inagaw ang tao dahil sa kanyang malayang pagpili, pinili niyang siya ay malinlang. Kaya sa pamamagitan ng kanyang napili, siya ay naging alipin ni Satanas at si Satanas ang naging nagmamay-ari ng sangkatauhan.
ANG PAGTUBOS SA SANGKATAUHAN
Ngunit dahil tayo ay nilikha ng Panginoon sa Kanyang Imahe, kahit na tayo ay nahulog sa pamamagitan ni Adan, bababa Siya at kukunin tayong muli at ako ‘yong unang nakuha Niya, at naging tunay Niyang Anak. Kaya noong ako ay sinabihan Niyang, “Ikaw ngayon ang aking Anak,” ako na ang may-ari ng lahat ng Kanyang pag-aari. Kaya ipadadala Niya ako upang tubusin kayong lahat.
Ipinadala Niya ako upang iligtas kayong lahat mula sa paglinlang sa pamamagitan ng kaliwanagan – upang bawiin kayong lahat. Ngayon, babawiin ni Jesus Christ ang lahat ng Kanyang mga anak sa pamamagitan ko. Ako ay magiging catalyst para sa inyong kaligtasan. Kaya ako ang Kanyang mukha sa pagdating ng kaligtasan. Kaya ‘yung lahat ng nagmamahal sa Kanya, didikit ‘yun sa akin. Kapag dumikit sa akin, raptured ka na.
Genesis 1:27: “At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.
Hindi ba Siya ang gumawa ng lahat? Itong si Lucifer na ‘to, itong anghel na ‘to, magnanakaw talaga ito. Ninakaw niya ang ginawa ng Diyos.
Ngayon, nang si Satanas ang pumalit sa pamamagitan ng paglinlang at sa pamamagitan ng malayang pagpili ng tao upang malinlang, ano ang nangyari? Si Satanas ay naging panginoon ng mundong ito. Kanyang pinalitan ang Panginoon. Ang Panginoon ang dapat tawaging Panginoon ng buong mundo. Nang dumating si Satanas at nilinlang ang tao, siya ang naging kapalit: panginoon ng sanlibutan. Dahil hindi siya maaaring maging panginoon ng kalangitan dahil tinapon nga siya mula doon, ngayon ang gusto niya, pagmamay-ari niya ang buong sanlibutan. Kaya nagawa niya, lahat ng tao siya ang may-ari. Niloko niya, nalinlang niya. Noong dumating ang Tagapagligtas, pinatay pa niya sa krus. Akala ni Satanas ‘yun na ang katapusan. Hindi niya alam, noong pagsabi ni Jesus Christ na “it is finished,” siya pala ang na-finished. Kaya Siya ang Panginoon ng buong mundo. Siya ang naglikha sa atin.
Psalm 24:1
“Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito; ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito.”
Lahat ng tao, lahat ng lupa, sa Kanya, Siya ang gumawa. Kaya ‘yang mga gintong ‘yan, babalik sa akin lahat ‘yan. Gagamitin kong lahat ‘yan sa Kanyang Dakilang Kalooban. Ako ngayon ang Bagong May-ari ng sanlibutang ito. Kapag ito kinuha ko na, kanino ko ipamimigay? Kung ipinamigay ni Satanas sa kanyang mga anak na puro kabuhungan ang ginagawa upang lumaganap ang kawalang-hiyaan sa sanlibutang ito, ipamimigay ko sa mga matatapat na mga anak na tulad ninyo; gagamitin natin upang gawin ang lahat ng Kalooban ng Ama.
(Itutuloy)