Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
DATI, akala ko isa na akong mapagbigay ngunit nalaman ko na ako ay isang makasarili.
ANG MISTERYO NG PAGHIHIWALAY
Sinabi ko sa Ama, “Kinuha Niyo ang lahat mula sa akin, Ama. Kinuha Niyo ang koneksyon o ang pagkakaugnay ko sa aking pamilya, ito ay mabuti. Masakit ngunit ito ay mabuti. Kinuha Niyo sa akin ang kaugnayan ko sa aking mga kaibigan. Masakit ngunit ito ay mabuti. Ginagawa ko ang Iyong Kalooban. Kinuha Niyo ang aking ugnayan sa denominasyon na ang turing sa akin ay parang hari. Masakit ngunit ito ay mabuti. Kinuha Niyo sa akin ang kaugnayan sa mga materyal na bagay, kinuha Niyo ang aking motorsiklo. Masakit ngunit mabuti. Ngunit Ama, ano itong naririnig ko sa Inyo? Sinabi Niyo, “Sumunod sa akin at sa akin ka lamang sumunod.” Ano ang Inyong ibig sabihin Ama? Sinabi ng Ama, “Iwanan mo ang iyong kasintahan.” Sabi ko, “Ama, kunin niyo na ang lahat mula sa akin, huwag lang ang aking kasintahan.”
Makasarili pa rin ako ngunit nang nanalangin ako at napagtanto ko na pagkatapos ang 70 taon, magiging isang jadushka ako at ang a-king kasintahan ay magiging isang babushka at pagkatapos niyan, kami ay mamamatay. Haharapin ko ang aking Tagapaglikha at nabigo ko ang Kanyang alok sa akin na sumunod sa Kanya ng buong buhay ko. Ano ang isasagot ko sa Kanya?
Kung kaya, mabigat man ang aking puso ngunit may kasiyahan sa aking pag-iisip sa dedikasyon lumapit ako sa Ama at nagsabi, “Ama, ako’y ganap na para sa Inyo, katawan, kaluluwa, at espi-ritu, pag-iisip at puso. Gawin Niyo po ang anumang gawin Niyo sa akin. Ako’y sa Inyo.” Kaya walang naiwan sa akin itong lahat ay sa Ama na siyang nagmamay-ari sa akin ngayon. Ang Ama ang siyang nagmamay-ari sa akin ngayon. Maaari niya akong gamitin saan man Niya ako gustong gamitin. Maaari Niya akong ipadala sa saanmang lugar Niya gusto. Ako ay ganap na pagmamay-ari Niya. Wala na akong kaugnayan. Binigyan Niya ako ng mga gadgets. Ginagamit ko ang mga ito ngunit hindi ako nauugnay sa mga ito. Binigyan Niya ako ng Misteryo ng Paghihiwalay.
Binigyan Niya ako sa lahat ng bagay. Binigyan Niya ako ng jet. Binigyan Niya ako ng chopper. I-dodonate ko ang mga ito ng buong puso ko kung ito man ay kailangan. Gagawin ko ‘yan. Walang kaugnayan. Ang Ama ay nasa akin at kapag ang Ama ay nasa inyo, ang lahat ng bagay ay nasa inyo. Kapag sa pera, marami akong pera ngunit wala akong kaugnayan sa pera. Marami akong computer at cellphone, binubuksan ko lamang ang mga iyon upang tingnan ang mga e-mail at pagkatapos ay isasara ko na ang mga ito. Hindi ko sila tinitingnan buong araw at gabi at pagkatapos ay napabayaan ang aking ministeryo. Maging maingat kapag binigyan kayo ng Ama ng aso. Iwasang mapamahal sa aso higit sa pagmamahal sa Ama.
Anumang mga kaugnayan na meron kayo, kailangan ninyo itong maputol. Kaila-ngan meron kayong Misteryo ng Paghihiwalay sa loob ninyo. Magkaroon man kayo ng lahat ng mga bagay ngunit hindi kayo nauugnay sa anumang bagay. Nakaugnay lamang kayo sa Ama at sa Kanyang Kalooban.
ANG ESPIRITU NG KAAMUAN
Ang Espiritu ng Kaamuan ay nangangahulugan, “Ang lahat ng bagay na meron ako ay hindi sa akin. Itong lahat ay pagmamay-ari ng Ama at gagawin ko ang naaayon sa Kalooban ng Ama na siyang nagmamay-ari ng lahat ng ito. Gagawin ko lamang ang naaayon sa Kalooban ng Ama. Hindi ko ito personal na gagawin ayon sa aking sariling kalooban. Itong lahat ay naaayon sa Kalooban ng Ama.” Iyan ang espiritu ng kasaganaan. Iyan ay pagtaob sa demonyo.
Ngayon, kung meron ka-yong ganyan ngayon, maaari kayong pagkakatiwalaan ng lahat ng bagay. Maaari kayong mapagkatiwalaan sa lahat ng pera at gagamitin lamang ninyo ang pera para sa Kalooban ng Ama. Hindi kayo nakaugnay dito, gagamitin lamang ninyo ito. Kaya kapag nauugnay kayo sa mga bagay gagamitin ninyo ang mga tao at ibigin ang mga bagay. Ngunit kapag hindi kayo nauugnay sa anumang bagay, gagamitin ninyo ang mga bagay at ibigin ang mga tao.
NASAAN ANG INYONG PUSO?
Ang susi ay ang pagbibigay. Naibigay niyo na ba ang lahat sa inyo para sa Dakilang Ama? Kapag kayo ay binigyan ng isang ministry, ibigay lahat sa Dakilang Ama. Kapag hindi ninyo ibinigay ang lahat kapag ginagawa ninyo ang isang mi-nisteryo para sa Kanya, naroroon kayo sa inyong katawan ngunit hindi kasama ang puso. Nararamdaman ko ang kalamigan ng inyong serbisyo. Walang pag-ibig doon dahil ang inyong puso ay hindi niyo kasama.
Nasaan ang inyong puso? Ang inyong puso ay nasa computer. Ang inyong puso ay nasa inyong cellphone. Ang inyong puso ay nasa inyong Facebook. Ano ang unang bagay na ginagawa ninyo kapag gumising kayo sa umaga? Buksan ang Bibliya, lumuhod, manalangin at magpasalamat sa Ama? Hindi, bubuksan ninyo ang inyong cellphone at tingnan kung ano ang nasa Facebook, na may caption, “Ito ako sa aking silid.” Kapag lagi kong nakikita ang inyong larawan sa Facebook, nagpapabatid lamang ito ng isang bagay sa akin, na hindi ninyo inibig ang Ama ng higit sa lahat; inibig ninyo ang inyong sarili. Palitan ang inyong priyoridad. Ang unang bagay na dapat gawin natin sa umaga ay, “Ama, ano ang Inyong Kalooban para sa akin?” Isulit ang inyong sarili. Suriin ang inyong sarili sa bawat araw. Isukat ang inyong sarili sa pamantayan ng paglilingkod at ang pag-ibig na meron kayo sa Kanya. Tunay ba na inibig ninyo Siya, o inibig ninyo ang iba pang mga bagay at nagkukunwari lamang ka-yong inibig Siya? Hindi kayo makapagtatago sa Ama. Kaya ang dalawang kautusan dito ay, ‘Ibigin ang Panginoon ng inyong buong puso, ng inyong buong pag-iisip, ng inyong buong lakas, ng inyong buong kaluluwa, ng inyong buong espiritu’ at ‘ibigin ang inyong kapwa kagaya ng inyong sarili.’
Marami akong mga taong nasa paligid ko na nagli-lingkod sa akin. Nakikilala ko ang mga naglilingkod sa akin na may katawan, may kaluluwa, may espiritu at may puso. Nakikilala ko rin ang naglilingkod sa akin na may katawan ngunit walang puso. Ang saging ay mas nakahihigit pa sa ibang tao dahil ang saging ay palaging may puso samantalang ang ibang tao ay walang puso. Huwag maglingkod sa Ama na hindi binigay ang inyong puso. Ang inyong puso ang siyang mahalaga. Alam ninyo ang kantang, ‘I left my heart in San Francisco?’ Tumungo siya sa Mississippi ngunit ang kanyang puso at isip ay nasa San Francisco dahil ang kanyang pag-ibig ay naroroon. Anuman ang mahalaga sa Ama ay hindi ang inyong katawan; ito ay ang inyong puso at ang inyong pag-ibig sa Kanya.
(Itutuloy)