Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
SA pasimula pa lamang ng pag-lilingkod ng Kaharian, tayo ay nakaranas na ng mga pag-uusig at pagaalipusta mula sa mga di-mananampalataya at sa mga may pagdududa. Gayunpaman, sa gitna ng pang-uusig, ang Kaharian ay nakalagpas at lumago hanggang naging isa sa pinakamalaking kongregasyon sa buong mundo.
Mga Pagpapalang kalakip ng pag-uusig
Ang Panginoong Ama ay nangako sa kanyang mga salita sa Marcos 10: 28-30;
v28 Si Pedro ay nagpasimulang magsabi sa kaniya, Narito, iniwan namin ang lahat, at nagsisunod sa iyo.
v29 Sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nag-iwan ng bahay, o mga kapatid na la-lake, o mga kapatid na babae, o ina, o ama, o mga anak, o mga lupa, dahil sa akin, at dahil sa evangelio,
v30 Na hindi siya tatanggap ng tig-isang daan ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, at mga ina, at mga anak, at mga lupa, kalakip ng mga pag-uusig; at sa sanglibutang dara-ting ay ng walang hanggang buhay.
Kaya ganun na lamang ang mga pagpapalang ipina-ngako ng Ama sa atin, lalo na sa akin, bilang Hinirang na Anak ay natupad, ngunit kalakip sa pangakong iyon ay ang pag-uusig.
Giyera ng laman kontra espiritu
Ating natutunan mula sa Manna ng Kapahayagan na mayroong giyerang nangyayari sa pagitan ng kalooban ng tao at kalooban ng Ama. Ito rin ang giyera ng laman kontra espiritu na ating binasa sa Galatians 5:17.
v-17 Sapagka’t ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka’t ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.
Nagpapatuloy ang labanang ito magpahanggang ngayon kahit sa mga anak ng Ama na pumasok sa Kaha-rian, sa katuparan ng luma at bagong tipan na matutupad sa Kanyang Anak. Sa lahat ng sumusunod sa akin at lahat ng nakararanas ng giyera ng laman at espiritu; sa pagitan ng kalooban ng Ama at kalooban ng tao, hanggang ang lahat ay tumuntong sa pagkakaisa sa pananampalataya at pagkasakdal tungo sa espiritwal na paglago at maabot ang antas kung saan maaari na tayong angkining mga anak na lalaki at babae ng Amang Makapangyarihan.
Sa prosesong ito, makakaranas ka rin ng bautismo ng apoy. At dahil tayo ang katuparan ng Bagong Tipan na dinala sa atin ng Makapangyarihang Ama, ang bautismo sa apoy ay nangyayari araw-araw ayon sa 1 Corinto 3: 10-13.
v10 Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni’t ingatan ng bawa’t tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.
v11 Sapagka’t sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na ito’y si Jesukristo.
v12 Datapuwa’t kung ang sinoma’y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami;
v13 Ang gawa ng bawa’t isa ay mahahayag: sapagka’t ang araw ang magsasaysay, sapagka’t sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa anumang gawa ng bawat isa kung ano yaon.
Ang katuparan ng mga talatang ito ay hindi natin nakikita sa denominasyon. Ito ay nangyayarari lamang sa loob ng Kaharian. Kaya sa Kahari-an, hindi sapat na tinangggap mo si Jesukristo bilang iyong Tagapagligtas. Hindi sapat na ikaw ay nabautismuhan. Hindi sapat na ikumpisal mo mula sa iyong bibig na mula ngayon ay hindi ang iyong kalooban ngunit ang Kanyang kalooban na ang masusunod, ikaw ay susubukan sa apoy.
Kapagsubukan sa apoy
Ang unang hakbang ay ang pagpapanganak sa tubig, paglilinis sa pamamagitan ng pagsisisi ng lahat ng iyong nakaraan sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan. Ikaw ay namatay na kasama Niya sa iyong sariling kalooban ng pagsunod ng sarili mong kalooban; ikaw ay magsisimula nang lumakad sa Kalooban ng Ama. Dito nagpapasimula ang giyera. Dito mag-uumpisa ang giyera sa apoy. Sapagkat ang Ama ay ilalagay tayo sa lugar na kung saan bilang mga anak na babae at anak na lalake, tayo ay lalago hindi sa kahinaan ngunit tayo ay lalago sa kalakasan. Kaya ang apoy ay naging mahalaga sa kadahilanang iyon.
Ang apoy na bibisita sa atin ay hindi dapat pagkalituhan sa natural na apoy. Ito ay giyera sa espiritu. At kapag ikaw ay nakararanas nito sa loob ng Kaharian, habang lumalakas ang apoy ay dapat mo ring gamitin sa tama ang iyong kalayaan sa pagpili sa pagpapasya.
Nasa sa iyo ang disisyon kung ikaw ba ay magpapatuloy o ikaw ba ay mahikayat na muli, hindi ng mga saksi ng langit kundi ng mga saksi ng kadiliman. Andiyan sila upang maging saksi at upang akitin kang muli, upang iwan mo ang napagsimulan mo nang paglalakbay sa pagsusunod sa Kalooban ng Ama. Si Lucifer na satanas at diyablo ay nandiriyan upang alukin kang muli ng binhi ng serpyente. Habang nandiriyan din naman naman ang mga anghel ng Makapangyarihang Ama upang hikayatin kang magpatuloy.
Ngunit sa huli, ang lahat ay nakasalalay sa iyong kala-yaan sa pagpili.
v-35 Sino ang maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo? Ang kapighatian….
Ito ang apoy na aking sinasabi, ang kapagsubukan na makapaghihiwalay o makapagpapalapit sa iyo sa Panginoon. Ikaw ay magi-ging abo at mawawala. Kaya ang tanong sa atin ay “Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo?” At ang salita ng Diyos ay nag-lalarawan ng apoy na bibisita at dadanasin ng sinuman sa atin na pinanganak na muli sa espiritu sa pagsusunod sa Kalooban ng Ama.
Sino ang maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo? Ang kapighatian, o ang kaha-pisan, o ang pag-uusig, o ang kagutom, o ang kahubaran?
(Itutuloy)