NAIS kong isaulo ninyo ang Lucas 6:38 “Mangagbigay kayo, at kayo’y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig….”
Dahil ito ay magpapala sa inyo sa pinansyal. Kahit na anak kayo ng Panginoon, kung hindi kayo susunod sa Kanyang alituntunin sa pinansyal, magigipit kayo sa pinansyal; hindi kayo pagpapalain. Lahat ng mga batas na ito ay naisulat na. Hindi na ito kailangan pang isulat sa papel ngunit sa ating mga puso at mga isip. Gawin natin itong ating espirituwal na DNA. Ang ibig sabihin ay likas na sa atin ang mga ito. Hindi na tayo magsisikap pang masunod ang mga ito dahil likas na sa atin ang mga ito. Ito ang inyong likas sa espirituwal. Kayo ay isinilang na sa espiritu ng pagsusunod.
ANG ESPIRITUWAL NA DNA NG DAKILANG AMA
Isinilang ba kayo muli sa espiritu? Isinilang muli, dahil kayo ay isinilang una sa laman. Ang pagiging isinilang una sa laman ay hindi ninyo ito mapagkatiwalaan dahil hindi ito makapagliligtas sa inyo. Ang pagsilang muli sa espiritu. Sino ang inyong Ama sa espiritu? Kayo ba ay naisilang sa Kanyang (Jesus Christ) espiritu? Ang Kanyang mga Salita ay espiritu at ang mga ito ay buhay. Kaya mayroon kayong Kanyang espirituwal na DNA. Mayroon ba kayong espirituwal na DNA? Iniibig niyo ba ang inyong kapwa? Iniibig niyo ba ang inyong kaaway? Gumawa ba kayo ng kabutihan sa mga taong napopoot sa inyo? Idinadalangin ba ninyo sila? Iniibig ba ninyo sila? Iyan lamang ay mga sampol na nangunguna sa mga Salita ng Panginoon o Kalooban ng Panginoon na kailangan ninyong sauluhin una sa lahat.
Ang dalawang kautusan na ito na ipangako ko sa inyo kungsaan lahat ng mga propeta at ang batas ay nauuwi. Tingnan ito…
Mateo 22: 36-40
b-36 Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?
b-37 At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo.
b-38 Ito ang dakila at pangunang utos.
b-39 At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
b-40 Sa dalawang utos na ito’y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
ANG KAHULUGAN NG LUMA AT BAGONG TIPAN
Iyan lahat ang kailangan ninyong isaulo. Kapag nasaulo ninyo at sinunod ninyo ang mga ito, nasaulo na ninyo ang buong Luma at Bagong Tipan. Dito nauuwi ang mga batas at mga propeta. Dahil kung inibig ninyo ang Panginoon ng buo ninyong puso, hindi ninyo baguhin ang Kanyang Salita, susundin ninyo ang mga ito. Dahil kung inibig ninyo ang kapwa, hindi kayo mag-iisip ng masama laban sa inyong kapwa. Inyo na itong natupad. Iyan ang kahulugan ng Luma at Bagong Tipan. Ang kahulugan ng Luma at Bagong Tipan, ito ay isinulat upang magdulot ng Anak na magiging pagkokopyahan, ang Modelo ng Salita. Iyan ay natupad sa huling mga araw.
Ako ang katuparan ng Luma at Bagong Tipan. Bakit? Iniibig ko ang Panginoon ng buong puso ko, ng buong kaluluwa ko, ng buong isip ko, ng buong espiritu ko. Iniibig ko ang kapwa gaya ng aking sarili. Kapag nakikita ko ang isang tao, lahat ng iniisip ko, “Ano ang mabuti para sa taong ito?” Una sa lahat kabutihan sa espiritu, nais ko kayong mailigtas. Sunod ang inyong kinabukasan.
Ang pinakamabuting kinabukasan na mayroon kayo ay ang pagiging isang Full-time Miracle Worker na kagaya ko. Iyan ang pinakamabuting trabaho sa mundo. Hindi kayo nagtatrabaho para sa isang tao. Kayo ay nagtatrabaho para sa Dakilang Ama. Ano man ang mabuti para sa inyo ay naihayag na sa anumang mabuti para sa akin. Anoman ang mabuti para sa akin, maaaring mabuti rin para sa inyo, hangga’t kayo ay humakbang paakyat sa ikatlong antas ng paglago, kungsaan maaari ko kayong pagkatiwalaan na maging anak na lalaki o anak na babae na kagaya ko; kungsaan ay maaari kayong pagkatiwalaan ng Ama sa pamamagitan ko sa Kanyang Rebolusyong Espirituwal na gawain ng Ama, kasama ng gawaing Rebolusyong Pinansyal ng Ama at ng Rebolusyon ng Kahusayan. Kung maaari ko kayong pagkatiwalaan niyan, maaari ninyong maangkin ang lahat ng bagay; ang Kaharian ay sasainyo. Mamanahin ninyo ang Kaharian kagaya ng namana ko ang Kaharian. Ang lahat ng bagay – espirituwal, materyal, pinansyal. Pangangasiwaan ninyo at pamamahalain ang lahat ng ito.
ANG PAGSULONG NG PANANAMPALATAYA
Mga Taga-Roma 1: 17 ay nagsasabi sa atin ng pagsulong ng pananampalataya.
“Sapagka’t dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni’t ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”
Ito ay mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya. Ngayon, Kanyang ginamit ang lahat ng pagsulong na ito. Ang mga taong tumawag sa Pangalan ng ating Dakilang Ama, ang ating Panginoong Jesus Christ, may buti na katotohanan sa kanila. Kagaya ng kapag kayo ay pumasok sa JMC, ito ay paaralan ng pagkatuto at kayo ay magsimula sa Beginner’s Class, pagkatapos ay uusad kayo sa Kinder, may isang butil lamang ng katotohanan maaaring magkaroon ang isang bata, kapag kayo ay bata, ‘yan lamang ay mayroon kayo. Ngunit kayo ay umuusad. Hindi kayo nananatiling bata. May mga antas o baytang na tinatawag natin –Grade 1, Grade 2, Grade 3.
Sa Kaharian, sa espirituwal na paglago ng espirituwal na pagkatuto, upang maging tunay na mamamayan at mga anak, anak na lalaki at anak ng babae ng Dakilang Ama, kayo ay magsimula sa pagsanggol. Ngunit kung titingnan ninyo ang butil ng katotohanan na nasa kanila, maliit lamang. Itinuturing ko itong elementarya. Naniniwala silang si Jesus Christ ay Tagapagligtas at iyan lamang ang mayroon sila…ngunit ang iba? Ang lahat ng mga pagtuturo ay kanilang inimbento para sa kanilang sarili, ang mga ito ay mga rituwal. Kung kayo ay naghuhukay ng ginto, ang mga ito ay mga lupa na inyong itinakip upang makahanap lamang ng isang katiting na ginto. Lahat ng mga rituwal at tradisyon na ito ay mga lupa. Wala itong halaga. Ang butil ng katotohanan na mayroon sa kanila ay naniniwala silang si Jesus Christ ang Tagapagligtas. Iyan lamang ang mayroon sila. Ang Holy Three? Iyan ay ang lupa, na inimbento ng tao. Iyan ay walang halaga. Ngunit kanila itong kinapital. Iyan ay pangpirata. Parang ginto kung pagmasdan ngunit hindi.
(ITUTULOY)