SIMULA ng sa pinakasimula, ang ministeryo ng Kaharian ay nakararanas na ng mga persekusyon at paninira mula sa mga hindi naniniwala at nag-aalinlangan. Datapuwa’t sa gitna ng paniniil, ang Kaharian ay nakaahon at mas lalo pang sumagana upang maging isa sa pinakamabilis na lumalagong kongregasyon sa mundo.
MGA PAGPAPALA KASAMA NG MGA PERSEKUSYON
Ang Dakilang Ama ay nangako nito sa Kanyang Salita.
Marcos 10: 28-30:
b- 28 Si Pedro ay nagpasimulang magsabi sa kaniya, Narito, iniwan namin ang lahat, at nagsisunod sa iyo.
b- 29 Sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nag-iwan ng bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ina, o ama, o mga anak, o mga lupa, dahil sa akin, at dahil sa evangelio,
b-30 Na hindi siya tatanggap ng tig-isang daan ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, at mga ina, at mga anak, at mga lupa, kalakip ng mga pag-uusig; at sa sanglibutang darating ay ng walang hanggang buhay.
Ang lahat ng mga pagpapala ay pinangako sa atin ng Ama, lalo na sa akin, bilang Hinirang na Anak, ay dumating na sa kaganapan. Ngunit hindi ito nangyari ng walang persekusyon dahil ang persekusyon ay kabilang sa ipinangako.
ANG LABANAN SA PAGITAN NG LAMAN AT ESPIRITU
Natutunan natin mula sa ating mga Mana ng Kapahayagan na may nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng kalooban ng tao at kalooban ng Panginoon. Ito rin ang labanan sa pagitan ng laman at espiritu na ating mababasa sa Taga-Galacia 5:17
b-17 Sapagka’t ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka’t ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.
Ito ang nagpapatuloy na labanan sa ngayon maging sa mga anak ng Ama na dumating sa Luma at Bagong Pangako na natupad ng Kanyang Anak.
Lahat ng mga sumunod sa akin ay nakararanas ng labanan na ito sa pagitan ng laman at espiritu; sa pagitan ng Kalooban ng Panginoon at kalooban ng tao. At ito ang labanan na ating haharapin hanggang tayong lahat ay makararating sa pagkakaisa ng pananampalataya at sa kaganapan ng lakad na ‘yan sa espirituwal na paglago at makaaabot sa antas kungsaan tayo ay akuin bilang mga anak na lalaki at anak na babae ng Dakilang Ama.
Sa prosesong ito, makararanas din kayo ng bautismo ng apoy. At dahil tayo ang katuparan ng Bagong Pangako na dinala sa atin ng Dakilang Ama, ang bautismo ng apoy na ito ay nangyayari sa bawat araw.
1 Taga-Corinto 3:10-13 ay nagsasabi sa atin:
b-10 Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni’t ingatan ng bawa’t tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.
b-11 Sapagka’t sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na ito’y si Cristo Jesus.
b-12 Datapuwa’t kung sinoma’y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami;
b-13 Ang gawa ng bawa’t isa ay mahahayag: sapagka’t ang araw ang magsasaysay, sapagka’t sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa’t isa kung ano yaon.
Hindi natin masusumpungan ang katuparan ng mga talatang ito sa denominasyon. Natutupad lamang ito dito sa Kaharian. Kaya sa Kaharian, hindi sapat sa inyo na tanggapin na si Jesus Christ ay Tagapagligtas. Hindi sapat sa inyo na mabautismuhan. Hindi sapat sa inyo na tanggapin sa inyong bibig na “mula ngayon hindi na ang aking kalooban ngunit ang Inyong Kalooban ang masusunod,” kayo ay susubukan sa pamamagitan ng apoy.
ANG PAGSUBOK SA PAMAMAGITAN NG APOY
Kapag kayo ay pumasok sa Kaharian at mangumpisal at magsisi at magsabi, “Ama, mula ngayon, hindi ang aking kalooban ngunit ang Inyong Kalooban ang masusunod,” kayo ay isinilang sa espiritu sa pagsunod sa Kalooban ng Ama.
Dito nagsisimula ang labanan. At dito rin nagsisimula ang apoy. Dahil ang Ama ay maglalagay sa atin sa lugar kungsaan, bilang mga anak na lalaki at anak na babae, tayo ay lalago hindi sa kahinaan, tayo ay lalago sa tibay. Kaya kailangan ang apoy para sa kadahilanang ito.
Ang apoy na bibisita sa atin ay hindi dapat pagkamalang likas na apoy, dahil hindi ito isang pisikal na labanan. Ito ay isang espirituwal na labanan. At kapag nararanasan ninyo ito dito sa Kaharian, mas malakas ang buhos ng apoy, mas lalo ninyong bantayan ang inyong kalayaan sa pagpili sa pagdesisyon sa pagsunod sa Kalooban ng Ama.
Ito ay nasa inyo kung kayo ay mananatili o kayo muli ay natukso, hindi sa pamamagitan ng mga saksi na dumating mula sa bahagi ng langit, ngunit sa mga saksi na dumating mula sa bahagi ng kadiliman. Sila ay paroroon upang saksihan at upang hikayatin kayo na lisanin ang paglalakbay na inumpisahan na ninyo sa inyong pagsunod sa Kalooban ng Ama. Si Satanas na si Lucifer ang demonyo ay paroroon at iaalok niya muli ang binhi ng serpente sa inyo. Ang mga anghel ng Dakilang Ama ay mga saksi rin, at sila ay paroroon din upang himukin kayong magpapatuloy.
Ngunit sa huli, nasa inyo pa rin ang kalayan sa pagpili.
Mga Taga-Roma 8: 35-39 ay nagsasabi sa atin:
b-35 Sino ang maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang pag-uusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?
Ito ang apoy na sinasabi ko, mga kalagayan na makapaghihiwalay sa inyo o makapaglalapit sa inyo sa Kanya. Kapag kayo ay nasusunog ng apoy, ito ay paghihiwalay. Kayo ay naging mga abo at kayo ay nawawala. Ang katanungan na itinanong sa atin ay ito: “Sino nag maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo?” At ang Salita ng Panginoon na naglalarawan sa anyo ng apoy na siyang bibisita sa inyo at mararanasan ng bawat isa na naisilang sa espiritu sa pagsunod sa Kalooban ng Ama.
Sino ang maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kapighatian, o ang kahapisan, ang pag-uusig, o ang kagutum, o ang kahubaran….
Ang kahubaran ay patungkol sa karukhaan…
Itutuloy…