EYESHA ENDAR
SISIMULAN nang ipatupad sa Enero sa susunod na taon ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) ang pagkakaroon ng Gaming Employment License (GEL) Identification Card ng lahat ng mga foreign Philippine Offshore Gaming Operations o POGO workers.
Ayon kay Ang Probinsyano Party-List Rep. Ronnie Ong, Vice Chairman ng House Committee on Games and Amusement, makakatulong ang GEL ID’s para ma-monitor ng gobyerno ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga POGO workers.
Sinabi ni Ong na ang pagkakaroon ng GEL ID’s ay maiiwasan ang krimen na kinasasangkutan ng mga POGO workers tulad ng kidnapping.
Dagdag pa ni Ong, makakatulong din ang naturang hakbang sa tax mapping ng Bureau of Int’l revenue sa operasyon ng POGO.
Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit dalawandaan POGO service providers na may 100,000 foreign workers ang nag-ooperate sa Pilipinas.