NGUNIT ang tatlong binatang ito, na puno ng pag-ibig at katapatan sa Panginoon ay nagsabi, “Oh, Hari, kahit na iligtas kami ng aming Panginoon o hindi, hindi kami yuyuko sa inyong imahe.”
Nagalit ng husto ang hari. Nagkulimlim ang kanyang mukha sa galit dahil napahiya siya. Kanyang inutusan ang kanyang mga tauhan, “Painitin ang apoy ng mas mainit sa ikapitong beses at itapon ang tatlong ito sa loob.”
Ngunit walang takot sa pag-ibig. Lumakad sila sa nagliliyab na pugon. May nararamdaman ba silang takot? Wala silang naramdaman. May naramdaman ba silang sindak? Wala silang naramdaman. At sila ay itinapon sa loob. Hindi kayo makatatagal ng tatlong minuto doon dahil ang init ay nasa 3,000-degree centigrade.
Ngunit matapos ang ilang sandali, ang hari ay nagsabi, “Buksan ang bintana ng pugon.” Tumingin siya sa loob at sa kanyang pagkagulat, apat katao ang nakita niya sa loob, sa halip na tatlo. Ang ikaapat ay may pagmumukha ng isang Anak ng Panginoon. Kaya, tumawag siya sa kanila, “Shadrach, Meschack, Abednego, buhay pa ba kayo?”
“Oh hari, buhay na buhay pa kami,” ang tugon ng tatlo.
Sinisira ng tunay na pag-ibig ang batas. Sinisira nito ang batas ng kalikasan. Ang apoy ay walang kapangyarihan sa tunay na pag-ibig ng Panginoon.
ANG PAG-IBIG NI DANIEL SA AMA AY TUMALIWAS SA BATAS NG KALIKASAN
Kagaya ito kay Daniel. Ang kanyang mga kaaway ay gumawa rin ng ganitong bagay. Kanilang nilansi siya. At nang hindi siya sumamba sa imahe ng hari, sila ay natuwa, sinasabing, “Wala ka nang pag-asa ngayon. Kakainin ka ng mga leon!” At siya ay tinapon sa lungga ng mga leon.
Kanilang tinapon si Daniel sa lungga ng mga leon na hindi napakain ng isang buwan. Kanilang tinapon siya doon upang gawing hapunan ng mga leon. Nakinig ang hari sa tinig ng isang katawang nilulustay ng mga gutom na leon, ngunit wala siyang marinig na anumang bagay, kaya siya ay tumawag, “Daniel, nariyan ka pa ba?”
At sumagot sa Daniel, “Huwag mag-alala, oh hari, nanatili akong buhay. Kasama ko ang mga leon. Pinadala sa akin ang anghel ng Panginoon at kanilang sinara ang bibig ng mga leon.”
Nais niyo bang subukan yan? Kaya maging lubos sa pag-ibig sa Dakilang Ama, na walang pagkamuhi, walang pagtatampo dahil kung kayo ay magiging kagaya ko, anumang impiyerno, anumang apoy, anumang leon na haharapin ninyo, hindi sila mananaig sa inyo.
Kapag ang pag-ibig ninyo sa Panginoon ay nilusob, doblehin ito. Kapag dinuble nila ang paglusob, gawin itong triple. Maging mapagbantay tayo sa ating pag-ibig sa Panginoon. Maging mapagbantay tayo sa ating pagsunod sa pagmamahal sa kapwa. Mapagbantay tayo. Tayo ay hindi natatakot.
Kapag kayo ay puno ng pag-ibig, hindi kayo natatakot na mamatay.
Sasabihin sa inyo, “Kukunin ko lahat ng maganda ninyong damit.”
“Yan lang ba ang kailangan mo? Narito, ibigay ko sa iyo. Ano pa ba?”
“Kukunin ko ang bahay mo.”
“Narito. May kailangan ka pa bang iba? Mayroon din akong beach resort, nais mo rin ba ito?”
ANG PINAKADAKILANG SANDATA SA MUNDONG ITO AY ANG PAG-IBIG
Ang pinakadakilang sandata sa mundong ito ay hindi ang atomic bomb. Hindi ang hydrogen bomb. Hindi ang intercontinental ballistic missiles. Ang mga iyon ay hindi mga dakilang sandata. Ang dakilang sandata ay ang sandata ng pag-ibig. Kaya ang Ama ay nagsabi, “Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16).”
Iyan ay pag-ibig. Ang pag-ibig ay masusundan ng mga pagpapala ng Dakilang Ama saanman kayo tutungo.
Matapos ang limang taon sa Tamayong, sa nagliliyab na pugon nang Kanya akong tinawag na maging Kanyang Hinirang na Anak, sinabi Niya sa akin, “Ipadadala ko ikaw sa buong mundo. Ikaw ang aking Pamantayan sa buong mundo. Bawat bansa sa sanlibutan ay susukatin sa pamamagitan ng pamantayan ng paghukom, ng kaligtasan, sa pamamagitan mo.”
Bawat bansa sa sanlibutan ay susukatin sa pamamagitan ng pamantayan at ang Anak ay ang Pamantayan ng Paghukom.
Alam ba ninyo kung paano kikilos ang Pamantayan ng Paghukom? Tingnan ninyo ako dahil ako ang pamantayan.
Tatanungin ko kayo, inibig ba ninyo ako? Hindi lahat ay nagmamahal sa akin. Kapag pumunta ako sa isang bansa at ang bansang iyan ay hindi ako iniibig, darating ang paghukom at ang Ama ay magsasabi sa kanila, “Pinadala ko ang aking Anak sa inyong bansa, ano ang ginawa ninyo sa kanya? Anuman ang ginawa ninyo sa kanya ay ginawa niyo rin sa akin.”
Ang aking Ama, si Jesus Christ, sa Espiritu ay magsasabi, “Ako ay nagutom, at hindi ninyo ako pinakain. Ako ay nauhaw, hindi ninyo ako pinainom. Ako’y isang estranghero, pinalayas ninyo ako. Hindi ninyo ako tinanggap. Ako ay nabilanggo at hindi ninyo ako binisita. Pinagpapala ko ang inyong bansa, ngunit hindi ninyo ito pinapahalagahan.
Pagkatapos ang mga taong ito ay magsasabi, “Ngunit Ama, hindi namin nakita ang mukha niyo doon.”
At pagkatapos ay tatawagin Niya ako, “Anak, aking Hinirang na Anak, pumarito ka.”
Pagkatapos ay makikita ninyo ako, “Ah! Ikaw! Puno ng masamang intensyon ang aming mga puso dahil sa panibugho at inggit namin sa iyo.”
At sasabihin ng Ama, ang ating Panginoong Hesukristo ay magsasabi, “Anong ginawa ninyo sa kanya ay siyang ginawa ninyo sa akin.” Iyan ang pamantayan.
Wala tayong magagawa tungkol dito dahil nang ako ay nasa Tamayong ng limang taon nang ako ay ginawa bilang Anak, ito ay natapos na.
Sinabi Niya, “Ipadadala ko ikaw sa mundo. Ikaw ang magiging pamantayan ng kaligtasan at paghukom. Makilala mo kung sino ang tunay na nagmamahal sa iyo. Kapag inibig nila kayo, makikilala mo kung sino sila. Ipadadala ko ikaw sa lahat ng mga lungsod sa mundo kungsaan ay naroroon ang aking mga anak. Hindi mo sila kilala, hindi ka nila kilala, ngunit kapag sila ay nakinig sa iyong boses, kanila itong susundin dahil nakikilala ng aking mga tupa ang aking boses.”
(Itutuloy)