NI: ANGEL PASTOR
Alam mo bang sa pamamagitan lang ng mata maaari ng malaman kung ano ang sakit mo? Alamin kung ang simpleng paglabo ng mata o pagkurap ba ay may ibang dahilan.
Ang malabong paningin ay maaari maging senyales ng diabetes, migraine, o headache.
Normal naman sa matanda ang mahirapan sa gabi or night blindness kung tawagin pero kung ikaw ay bata pa baka kulang ka na sa vitamin A tulad ng spinach at carrots.
Senyales naman ng problema sa liver ang pagkakaroon ng jaundice or paninilaw ng mata at balat dahil sa masamang diet, impeksyon at malubhang paggamit ng alcohol na nakakasira sa ating liver.
Samantala, ang drooping eyelids ay sintomas naman ng myasthenia gravis kung saan inaaatake mismo ng immune system at pinapahina nito ang muscles.
Ang madalas na pagkurap ng mata or eye twitches ay senyales naman ng problema sa nervous system lalo na kung nahihirapan ka magsalita maglakad at pumunta sa banyo.
Kung ikaw ay nakakaranas ng isa sa mga nabanggit, huwag nang ipagsawalang bahala pa bago mahuli ang lahat. Magpatingin at kumonsulta agad sa inyong mga doktor.