Ni: Rommel Placente
MAY bagong serye si Angelica Panganiban sa ABS-CBN 2, ang “Playhouse” na katambal nito si Zanjoe Marudo. Although, magkasama sila sa gag show na Banana Sundae, ito ang unang pagkakataon na nagsama at nagtambal sila sa isang serye. At puring-puri ni Angelica si Zanjoe bilang leading man.
ANGELICA PURING-PURI SI ZANJOE
“Magaan siyang katrabaho. Hindi naman siya nali-late sa set at magaling naman siyang artista,” sabi ni Angelica tungkol kay Zanjoe.
Ang “Playhouse” ay napapanood mula Lunes hanggang Biyernes bago ang “It’s Showtime.” Ito ang pumalit sa time slot na iniwan ng seryeng “Sana Dalawa Ang Puso” Mataas ang rating ng nasabing serye, na pinagbidahan ni Jodi Sta. Maria. Kaya aminado si Angelica na may pressure siyang nararamdaman, na sana raw ay tangkilikin din ng tao ang kanilang serye, na gaya ng pagtanggap sa “Sana Dalawa Ang Puso.”
MAY PRESSURE NA NARARAMDAMAN
“Siyempre may kaba kaming nararamdaman, may kaba talaga. Dahil alam naman nating lahat kung paanong sinuportahan si Mama Jodi sa oras niya, bago mag-Showtime. So, may kaba, may pressure, pero dahil nga pinaghirapan naman namin, at confident naman kami sa tinrabaho namin, mas hopeful kami, na positive way, na mas dun kami nagli-lead, na mas excited kami, na panonoorin ito ng mga tao,”
HINDI PA GANUN KAKILALA SI ZANJOE
Sampung taon nang magkakilala at magkaibigan sina Angelica at Zanjoe, so masasabi ba ni Angelica na basang-basa o kilalang-kilala niya na si Zanjoe?
“Hindi pa rin siguro ganun ka- basang-basa. Pero siyempre alam ko na kapag hindi niya gusto yung mga nangyari, yung sitwasyon, ayaw niya ‘yung lugar, hindi siya kumportable, sa mga ganun, siguro kilala na namin yung isa’t-isa.”
IE-ENTERTAIN ANG PANLILIGAW NI ZANJOE
Since single siya ngayon, at single rin si Zanjoe, kung sakaling ligawan siya ni Zanjoe,ie-entertain ba niya ang panliligaw nito?
“Kung sakali? Diyos ko naman grabe, parang ang choosy ko naman.”
“Oo naman ie-entertain ko siya kung gugustuhin niya ako, kung na-pretty-han na siya sa akin.”
MALAMBING AT MAASIKASO SI ZANJOE
Ano yung mga katangian ni Zanjoe na masasabi niyang boyfriend material ito?
“Ang awkward, eh. Kasi nakita ko siya sa lahat ng mga naging girlfriends niya, kaibigan ko yung mga ex niya kaya alam ko siya bilang isang boyfriend.”
“Siguro masasabi ko na malambing siya, maasikaso. Talagang hindi ko naman siya nakitaan na parang nag-cheat siya sa naging partner niya.”
HINDI NILIGAWAN ULIT NI CARLO
Samantala, may ginawang pelikula si Angelica with her ex boyfriend Carlo Aquino, ang “Exes Baggage” Ang akala ng marami, lalo na ng mga tagahanga ng dalawa, ay magkakabalikan sila, dahil lagi silang nagkikita noong ginagawa pa lang nila ang nasabing pelikula. Pero walang balikang nangyari.
“Hindi naman kasi siya nanligaw ulit sa akin,eh,” natatawang sabi ni Angelica.
“Siguro mas gusto niyang maging friends na lang kami, di ba?”
DALAWANG BESES NAKARELASYON SI CARLO
Ikinwento ni Angelia na dalawang beses silang naging magkarelasyon ni Carlo noong mga bata pa sila.
“Naging kami, tapos naghiwalay kami, taon din ‘yun. Tapos nagkabalikan kami, kasi nagpa-cute siya ulit sa akin, na-fall ulit ako. Tapos naghiwalay na naman kami, tapos nagkabalikan ulit.”
“Nung naghiwalay na kami ulit. hindi na kami nagkabalikan. Parang hindi na siya sure kung gusto pa rin niya ako, kaya hindi na siya nanligaw ulit, hindi na siya nag-effort na magkabalikan kami.”
“Pero siyempre, hindi naman lagi siya ‘yung may mali. Siyempre, may nagawa rin ako. May pinagselosan din siya. Siyempre, bata kami noon, eh.”