ANGIE MULI
KINANSELA ng international pop-rock singer na si Avril Lavigne ang kaniyang Asian tour na bahagi ng kanyang “Head Above Water” concert.
Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Lavigne na dahil ito sa nagpapatuloy na outbreak ng coronavirus disease (COVID-19).
Idaraos sana ang concert ng Canadian singer sa Asia mula Abril 23 hanggang Mayo 24.
Bukod sa Pilipinas, kasama rin sa Asian tour ng pop singer ang China, Japan, Taiwan, at Hong Kong.
Hinimok naman ni Avril ang lahat na manatiling malusog at mag-ingat laban sa nasabing virus.
Patuloy din aniya ang kanyang pagdarasal para sa mga apektado ng sakit.
Sinabi ni Avril na i-aanunsyo niya kung kailan itutuloy ang Asian tour.