Pinas News
ANG naging desisyon ng Pilipinas na kumalas sa korte ay isang prinsipyo laban sa mga namumulitika at nanggagamit sa isyu ng karapatang pantao.
Ito ang naging pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kasunod ng kasalukuyang pagpoproseso ng Pilipinas sa pagkalas mula sa International Criminal Court o ICC.
Pormal na ring ipinadala ang notice of withdrawal ni Philippine Repesentative Teodoro Locsin, Jr., at iniabot naman ito kay Maria Luiza Ribeiro Viotti, ang Chef de Cabinet of UN Secretary General Antonio Gutteres.
Sa sulat, tinukoy din ng kalihim na naniniwala itong walang krimen na umiiral o pananagutan na magsalita dahil sa simula pa lang ng kampanya laban sa iligal na droga ay isang lehitimong pagpapatupad na ito ng batas para protektahan ang lahat ng mga pilipino at pagtibayin ang rule of law.
Nakasaad din sa sulat na sa kabila ng pagkalas sa ICC ay tiniyak naman ng Pilipinas sa international community na patuloy pa ring ipapatupad ang rule of law at proteksyon sa karapatang pantao ayon sa saligang batas.
Dagdag pa dito, pagtitibay din ng bansa ang pangako nito na labanan ang kawalan ng parusa sa atrocity crimes lalo na’t ang bansa ay may naipasang batas na nagpaparusa sa atrocity crimes.