NAGWAGI ang Manila Water ng limang (5) Anvil Awards sa kakatapos lamang Public Relations Society of the Philippines’ 55th Gabi ng Parangal Anvil Awards Night na ginanap sa Fiesta Pavillion, Manila Hotel, One Rizal Park, Manila.
Pinarangalan ng Silver Anvil ang communication program ng Manila Water na Water for Every Disaster gayundin ang programa ng Manila Water Foundation na may temang Working Towards a Clean Boracay: MWF’s Ahon Sanitasyon Program.
Samantala, nakamit naman ng Laguna Water, isa sa operating units sa ilalim ng Manila Water Philippine Ventures ang dalawang Silver Anvil para sa communication program na Sewage and Treatment Process Video: Encouraging communities to take part of responsible proper used water management at programang Lakbayan: Understanding the water and used water trail.
Wagi naman ng Gold Anvil ang Manila Water Foundation public relations program na 2018 Annual Report: Framing a New Direction sa ilalim ng communication tool category dahilan sa pambihirang excellent design at execution nito.
Binansagang “Oscars” ng Public Relations at pinaka-aabangang kaganapan sa industriya, ang Anvil Awards na ipinagkakaloob ng PRSP para sa mga mahuhusay na programa at PR tools.