• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - January 21, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Unang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Araneta Coliseum

“This 15 Me” concert ni Sarah Geronimo, mapapanood na sa Netflix

August 13, 2019 by PINAS

MAAARI nang mapanuod sa Netflix ang 15th Anniversary Concert ni Philippine Pop Princess Sarah Geronimo.

Sa social media, proud na inihayag ng concert director na si Paul Basinillo na maaari nang ma-stream “This 15 Me” concert ni Sarah noong Abril ng nakaraang taon sa Araneta Coliseum.

Ito ang kauna-unahang Philippine Film Concert na maaring mapanuod sa naturang streaming platform.

 

Showbiz Slider Ticker Araneta Coliseum Netflix Sarah Geronimo

TNT Boys gumawa ng kasaysayan sa Araneta

January 3, 2019 by Pinas News

TNT Boys

TAWAG ng Tanghalan o TNT Boys 

 

Ni: Jonnalyn Cortez

GUMAWA ng isa na namang kasaysayan ang international sensation na TNT Boys bilang pinakabatang artists na nagkaroon ng sold-out concert na Listen: The Big Shot Concert sa Araneta Coliseum kamakailan.

Libu-libong Pinoy at foreign fans ang dumumog sa Big Dome upang panoorin ang naiibang galing nina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez at Francis Concepcion.

Gamit ang kanilang signature high notes at vocals, inumpisan ng tatlo ang kanilang konsyerto nang kantahin nito ang ‘And I Am Telling You’ ni Jennifer Holiday.

Napuno naman ng emosyon at tuluyan na ngang naiyak si Empuerto, Sanchez at Concepcion nang kantahin ng mga ito ang Flashlight ni Jessie J.

Sinamahan naman ni Unkabogable star Vice Ganda ang tatlo para sa gabi ng katatawanan at ipinayag kung gaano s’ya ka-proud sa mga ito.

Dumating din ang Tawag ng Tanghalan hurado na si K Brosas upang gayahin si Jessie J at kantahin ang Price Tag. Nagpakita rin ng kanyang galing si Jed Madela nang awitin nito ang mga classic songs kasama ang TNT Boys.

Showbiz Slider Ticker And I Am Telling You Araneta Coliseum Flashlight ni Jessie J Francis Concepcion Jed Madela Jennifer Holiday Jonnalyn Cortez K Brosas Keifer Sanchez Mackie Empuerto PINAS Price Tag The Big Shot Concert TNT Boys

‘Beast 2.0,’ ang pagbabalik ni Calvin Abueva

February 12, 2018 by Pinas News

Ni: Jonnalyn Cortez

MULING nagbabalik ang small forward at power forward ng Alaska Aces na si Calvin Abueva sa loob ng basketball rink. Matatandaang biglang nawala ang 29 anyos na basketball player habang may laro ang kanyang kopokonan laban sa Black Water Elite noong Enero 27.

Napatalsik din ito pagkatapos hindi sumipot sa linggu-linggong praktis ng Gilas Pilipinas para sa nalalapit na 2019 Fiba World Cup. Hindi rin umano s’ya nagpapakita sa mga pagsasanay para sa kanilang mga susunod na laban kasama ang kanyang koponan sa Philippine Basketball Association o PBA.

 

Ang muling pagbangon

“These past three weeks have been too hard on me,” pag-amin ni Abueva sa totoong nangyayari sa kanya na lubhang nakaapekto sa kanyang propersyunal na buhay.

Sa kabila nito, pinatunayan n’yang handa na n’yang iwan ang pait ng nakaraan at magsimula muli ng s’ya ay bumalik sa basketball rink ng may bagong numero sa suot nyang jersey.

Muling lumaban kontra sa Phoenix Fuel Masters noong Enero 31 si Abueva para sa 2018 PBA Philippine Cup na ginanap sa Mall of Asia Arena.

“The no. 8 is still with me … so I changed my number to 88,” aniya. Bunsod ito sa malungkot na pangyayari sa buhay pamilya ni Abueva, kaya naman pinili nitong palitan ang kanyang pampaswerteng numero.

Matatandaang mula pa nong kolehiyo at manlalaro pa lamang s’ya ng San Sebastian Stags sa NCAA, numero otso na ang nakalagay sa suot n’yang jersey.

Dagdag pa n’ya, ang makikita ng mga tao ngayon ay ang bagong bersyon ng kanyang sarili na tinawag n’yang, “The Beast 2.0.” Ito ay upang ipakita sa lahat na kaya n’yang lampasan ang mga pinagdadaanan n’yang pagsubok sa buhay.

Sinasabing nagkaroon ng problema si Abueva sa kanyang buhay may asawa.

Gayon pa man, ginamit niya itong isang malaking motibasyon upang pagbutihin at ituon na lamang ang kanyang pansin sa kanyang paglalaro.

“I learned to live on my own and be happy on my own,” paliwanag n’ya. “I chose the no. 88 for 2018, and this will be the best part of my life except for my love life.”

 

Pagalis, pagbalik, at pagtatagumpay

Pinaliwanag naman ng Alaska Aces head coach na si Alex Compton na pinahihintulutan nila ang pagliban sa trabaho ng kanilang mga manlalaro lalo na kung may kinalaman ito sa kanilang mga mahal sa buhay.

Nakita pa diumano si Abueva na naglalaro kasama ang kanyang grupo at nag-eensayo ng shootaround noong araw ng Enero 27. Nakita naman itong umalis bago pa man magsimula ang naturang laro, ayon sa mga nagbabantay ng seguridad sa Araneta Coliseum.

“I’ve spoken to some of you about him missing some practices but our rule is if there’s something going on with your family, it’s an emergency, you don’t even need to call me. You take care of your family right away and then you let me know as soon as you can,” pagtatanggol ni Compton sa ginawa ng kanyang manlalaro.

Kung s’ya man daw ang nasa posisyon nito, ganon din ang kanyang gagawin para sa kanyang pamilya.

Sa kabilang dako, muli ding dumalo si Abueva sa praktis ng Gilas Pilipinas noong Enero 29 upang makasali ulit sa 2019 Fiba World Cup na gaganapin sa Pebrero 22 at 25. Makakalaban ng mga ito ang mga kopokonan ng Australia at Japan.

Buong ngiti na binati ni Abueva ang kanyang mga kagrupo at iba pang mga kasamahan pagkapasok na pagkapasok nito sa Meralco Gym.

Bumawi naman si Abueva sa kanyang isang araw na pagkawala sa laban ng Alaska Aces. Tinalo ng naturang koponan ang Phoenix Fuel Masters sa puntos na 93-75. Ito na ang panglimang beses na dirediretsong nanalo ang kanyang grupo mula pa ng magsimula ang taong 2018.

Ipinakita ni Abueva ang kanyang galing sa pamamagitan ng pag iskor ng 21 points, 14 rebounds at 4 steals sa loob ng 25 minuto na tuluy-tuloy na laro. Nakapagtala din ito ng efficiecy rating na +28, na sinasabing pinakamalaking nakuha ng isang manlalaro ng Alaska Aces.

Nakamtan din diumano ng Alaska Aces ang pinakamalaking lamang sa laro na 87-60 pagkatapos ng three-point shot ni Kevin Racal.

 

Malusog ang pamilya ko

Pinabulaanan naman ni Abueva ang bali-balita na may sakit na leukemia ang isa sa apat n’yang anak. Nagsimulang kumalat ang tsismis na ito online buhat ng hindi sinisipot ng naturang manlalaro ang mga praktis ng Alaska Aces at Gilas Pilipinas.

May kinakaharap man daw s’yang problema sa pamilya, wala namang kinalaman dito ang kalusugan ng kanyang mga anak.

“Walang leukemia,” buong tapang na sinabi ni Abueva laban sa mga nagpapakalat ng maling balita. “May family problem kami, pero walang nagkasakit sa mga anak ko. Healthy lahat ng anak ko.”

Sa katunayan, naglabas pa larawan ang kanyang asawa kung saan makikita ang apat

Slider Sports Ticker “The Beast 2.0.” 2019 Fiba World Cup Alaska Aces Araneta Coliseum Australia Black Water Elite Calvin Abueva FIBA World Cup Gilas Pilipinas Japan Jonnalyn Cortez Kevin Racal Mall of Asia Arena Meralco Gym NCAA PBA Philippine Basketball Association Phoenix Fuel Masters San Sebastian Stags

Tatag Ginebra: Tibay noon… magpahanggang ngayon

December 6, 2017 by Pinas News

Ni: Edmund C. Gallanosa

SA katatapos pa lamang na 42nd Season ng Philippine Basketball Association (PBA) ipinakita ng defending champions Barangay Ginebra San Miguel na kaya nilang idepensa ang kanilang korona sa Governor’s Cup Reinforced Conference.  Sa labanang Ginebra San Miguel versus Meralco Bolts, nagtala ng best record attendance ang laban na ito sa kasaysayan ng PBA, sa Game 7 umabot sa 54,086 fans ang tumungo sa  Philippine Arena, noong nakaraang Oktubre lamang.

Kung susumahin ang top 10 attendance ng PBA, masasabing 70% dito ay attendance para sa laban sa Ginebra.  Kung mayroon mang koponan na may kakayahang pumuno ng isang venue, tulad ng Philippine Arena o Araneta Coliseum, Ginebra ito.  Anong mayroon sa Ginebra na wala sa ibang koponan?  Bakit tinatangkilik at kinasasabikan ang laban ng koponang ito, kahit na hindi sila ang win ingest team sa PBA?

Sa laki ng fan base ng Ginebra, maaaring kapantay nito ang dami kung pagsasama-samahin ang mga fans ng ibang koponan sa PBA.  Patunay lamang na noong nakaraang laban ng Ginebra versus Meralco, halos 80% ng fans na nasa loob ng Philippine Arena ay Ginebra.

Kulelat noon, sikat na ngayon

Ang Ginebra San Miguel na team ay sumali sa PBA noong 1979 bilang expansion team ng La Tondena Inc.   Nangungulelat noon ang bagong team, at pinagtatawanan.

“Walang star player ang Ginebra noon.  Nagsimula kasi ang team na ‘to as an expansion team—so hindi gano binibigyan ng budget.  Walang makuha na star player o mai-draft na superstar noon.  Wala silang Alvin Patrimonio, Allan Caidic, at wala rin silang Benjie Paras noon.  Noong dumating si Big J at Francis Arnaiz sa Ginebra, nang-iba ang takbo ng pamamalakad.  Sabi sa isang pahayag ng late sports broadcaster Pinggoy Pengson.   “This team was built by spits, guts and Jaworski Pride.”

Pagtungtong ng 1984, tuluyan nang nag-ibang anyo ang koponan at nakarating sila sa Finals ng All-Filipino Conference sa unang pagkakataon, natalo lamang sila ng malakas na team na Crispa Redmanizers. 

Taong 1985 naman, labanang Ginebra at Northern Consolidated Cement (NCC), naghahabol ang Ginebra sa halos lahat ng quarters ng laro.  Dehado ang koponan, dalawa ang import ng NCC kontra sa isa ng Ginebra.  At sa kasamaang palad, nasiko sa labi si Jaworski ng NCC import na si Jeff Moore, nabiyak ang kaniyang labi kung kaya’t kailangan siyang umalis ng laban at dumiretso agad sa isang ospital.  Napipinto ang siguradong pagkatalo ng Ginebra.

Hindi pa man natatapos ang laro ay bumalik agad si Jaworski matapos ang 7-stitches na tahi sa kaniyang labi at naupo sa sidecourt ang playing coach.   Ginawa ni Ginebra import Michael Hackett ang lahat ng kaniyang makakaya subalit malakas talaga ang NCC ni Coach Ron Jacobs.  Sa huling pitong minuto ng 4thquarter, naghahabol pa rin sa tambak na 15 puntos ang Ginebra, at matatapos na ang laban.  Sa ‘di inaasahang pangyayari, bumalik sa loob ng court si Jaworski sa gulat ng buong NCC, tila natutula ang kalaban sa pagkakagising ng team-Ginebra at naungusan nila ang NCC.  Nang matapos ang laro, panalo ang Ginebra.  “And the never say die team was born.”   Ani Pengson.

The NSD Spirit, the game, the fans

May tatlong bagay na taglay ang Ginebra, na maaaring wala sa ibang koponan.  Tatlong bagay na ipinagtibay na ng panahon.   Ang never-say-die spirit ng koponan, ang istilo ng kanilang laro, at ang mga fans.

“I think it’s the legacy that Coach Sonny Jaworski left behind.  And were just trying to continue that.  ‘Yung Never say die spirit—perhaps the way we play, whenever we’re down we never give up.   Also the fans see that and they like it and enjoy it, and also inspires them not to give up as well.”   Sabi ni Ginebra player Jayjay Helterbrand.

Sa mga laro naman natatak na ang laban hanggang sa huli sa Ginebra.  Makailang beses na ‘ring nagkaroon ng mga hindi makakalimutang laban ang koponan.  Mga buzzer beater games na forever nang tatatak sa damdamin at isipan ng mga fans ng team.  Ang huli, ang pagkapanalo ng Ginebra sa Meralco noong 2016, partikular na ang buzzer beater ng import na si Justin Brownlee upang makapo ang Governor’s Cup at maputol na rin ang 8-year title drought ng koponan.

Sabi pa ng current coach Tim Cone, mismo siya ay umamin na namangha sa laki ng fan base ng koponan.  “It was truly amazing, I used to be on the other side of the cheers when I was still in Alaska, and then Star-Purefoods but when I transferred to Ginebra, man, the fans were absolutely amazing.  I mean, it was so deafening.  The cheers, it’s really gonna pumped up anyone who would play for Ginebra.  Now I know how it feels,”   masayang pahayag ni Coach Tim.

Dagdag pa ng multi-titlist coach, isa sa dahilan kung bakit ganito na lang kamahal ng mga fans ang koponan, ay marahil na rin sa pagtrato nito sa kanilang mga fans.  “Well we have seen in the past how Coach Sonny Jaworski handles their fans.  He knows they’re nothing without them, so they owe it to them.  Every game Jaworksi plays  it is dedicated to them.   We are just trying to live up to that.”  Sabi pa ni Coach Tim.

At nagtuloy-tuloy ang sinimulan ng ‘the Living Legend’ hanggang sa panahon ngayon ng nagdadala ng latest generation ng mga Ginebras-particular na sina Marc Caguioa, Jayjay Helterbrand at Scottie Thompson.  “We share the same passion and we badly wanted to win for the fans.  We owe it to them.”   pahayag naman ni Marc Caguioa.

Bagama’t nakaka-sampu pa lamang na kampeonato ang Ginebra sa loob ng 38 na taon, sigurado namang madaragdagan pa ang mga titulo nito sa pagdating ng mga panahon.  Sa dami ba naman ng fans ng team, malabong kapusin sila sa inspirasyon.  Laging may magtatangkilik sa kanilang ‘fight till the end, never say die’ spirit ng Ginebra San Miguel.

Slider Sports Ticker 42nd Season ng Philippine Basketball Association Allan Caidic Alvin Patrimonio Araneta Coliseum Benjie Paras Big J buzzer beater ni Justin Brownlee Coach Ron Jacobs Crispa Redmanizers Edmund C. Gallanosa Francis Arnaiz Ginebra Jaworski Pride Jayjay Helterbrand Jeff Moore La Tondena Inc. Marc Caguioa Meralco Michael Hackett NCC never-say-die spirit Northern Consolidated Cement PBA PBA noong 1979 Philippine Arena Pinggoy Pengson Scottie Thompson Tim Cone

2017 PBA LEO Annual Awards

October 20, 2017 by Pinas News

Pinas News

ISASAGAWA ang 2017 PBA LEO Annual Awards Oktobre 20, 2017.

Gaganapin ito alas singko ng hapon bago ang bakbakan ng Barangay Ginebra San Miguel at Meralco Bolts sa game 4 ng kanilang final series sa PBA Governor’s Cup sa Araneta Coliseum.

Kabilang sa Most Valuable Player nominees ang three-time remigning MVP na si June Mar Fajardo, Commissioner’s Cup Best Player of the Conference Chris Ross at Alex Cabagnot na second overall sa statistical points department.

Bukod sa MVP award, ay pararangalan din ang Mythical First and Second Teams, All-Defensive Five, Most Improved, Rookie of the Year at Sportsmanship Award.

Pagdating ng alas siyete ng gabi, masasaksihan naman ang game 4 ng Gin Kings at Bolts.

 

Slider Sports Ticker 2017 PBA LEO Annual Awards Alex Cabagnot Araneta Coliseum Barangay Ginebra San Miguel Chris Ross Commissioner’s Cup Best Player of the Conference Game 4 June Mar Fajardo Meralco Bolts Most Valuable Player MVP Oktobre 20 2017 PBA Governor’s Cup

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.