Araw ng Kalayaan
Pang. Duterte, hindi nakadalo sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Luneta
Independence Day ceremony sa Luneta, ‘inisnab’ ni Duterte
‘Inisnab’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dapat sana’y una niyang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan bilang presidente.
Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na hindi makadadalo si Duterte sa Independence Day ceremony sa Rizal Park.
Wala namang sinabing rason si Abella at tumanggi nang magbigay ng karagdagang pahayag.
Sa halip ay pinangunahan na lang ito ni Vice President Leni Robredo.
Nagsilbi namang kinatawan ng pangulo si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano.
Paliwanag ni Cayetano, hindi nakadalo ang pangulo dahil sa masama ang pakiramdam nito at napuyat dahil sa pagbisita sa burol ng mga nasawing sundalo.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong hindi dumalo sa isang aktibidad na may kinalaman sa Araw ng Kalayaan ang isang pangulo.
PHOTO COURTESY:@VPPilipinas