JAMES LUIS
PORMAL nang binuksan ang bagong national stadium sa Tokyo Japan para sa darating na 2020 Olympics.
Nagkakahalaga ng 156.9 bilyon yen o 1.44 bilyon U.S. dollar ang nasabing stadium na may kapasidad na 68,000 katao.
Idinisenyo ni Architect Kengo Kuma ang stadium na gagamitin sa opening ceremony, closing ceremony at ilang athletic event ng olympics na gaganapin sa July 24, 2020.
Pinangunahan ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang pagbubukas ng stadium.
Nakatakdang mag-umpisa ang Tokyo Olympics sa July 24 at magtatapos naman sa August 9 ng susunod na taon.