POSIBLENG makasungkit muli ng award ang K-Pop boy band na BTS sa 2019 American Music Awards.
Ito ay matapos mapabilang sa mga nominado sa tatlong kategorya ang nasabing boy band group.
Kabilang ang BTS sa mga nominado sa favorite duo or group, favorite social artist at tour of the year.
Magugunita na noong nakaraang taon ay nakuha na ng BTS ang favorite social artist prize na tinanghal bilang kauna-unahang South Korean band na nakakuha ng award sa AMAS.
Ngayong taon ay makakatunggali ng Korean Pop boy band sa favorite duo or group section ang Jonas Brothers at Panic! At The Disco.
Habang sa tour of the year ay makakatunggali nila si Ariana Grande, Elton John, Pink at Ed Sheeran.
Gaganapin ang awarding ceremony sa Microsoft Theater sa Los Angeles sa Nobyembre a-24.