Nasa bansa ngayon ang isang Mexican navy ship para sa limang araw na goodwill visit.
Dumaong ang ARM Cuauhtémoc BE-01 sa Pier 15, South Harbour, Manila.
Layon ng pagbisita ng barko na palakasin ang bilateral relations ng Mexico at Pilipinas.
Bubuksan sa publiko ang naturang barko para sa mga nais mag-tour.