EYESHA ENDAR
TAOS puso sa aktor na si Mateo Guidicelli ang pagtulong sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.
Sumama ang aktor sa relief operations ng Philippine Army sa mga apektadong residente ng pagputok ng Bulkang Taal.
Sa kaniyang Instagram post, makikita na naka-uniporme rin ng pang-sundalo si Mateo kasama ang Armed Forces of the Philippines.
Isa ang Barangay Poblacion 3 sa Sto. Tomas, Batangas ang kanilang pinuntahan at binigyan ng mga relief goods.
Kasabay nito, nanawagan din ang aktor sa kaniyang mga fans na magbigay ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.