• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

ARTA

Implementing Rules and Regulations ng RA 11032, epektibo na

August 14, 2019 by PINAS

HANDANG  magbigay ng aksyon na may solusyon dahil naniniwala ang ARTA sa pangarap ng Pangulo para sa isang komportable buhay para mamamayang Pilipino.

 

JHOMEL SANTOS

MAKALIPAS ang labinlimang araw simula nang mailathala ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng R.A. 11032 o ng Ease of Doing Business and Effective Government Service Delivery Act of 2018 sa dalawang pambansang sirkulasyon na diyaryo ay ganap nang epektibo noong ika-4 ng Agosto ang mga probisyon at regulasyon na nakapaloob dito.

 

Matatandaang wala pang dalawang linggo simula nang maitalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Jeremiah B. Belgica bilang Director General ng Anti-Red Tape Authority nang pirmahan niya kasama nina Department of Trade and Industry Secretary Ramon M. Lopez at Civil Service Commission Chairperson Alicia dela Rosa Bala ang IRR ng R.A. 11032 noong ika-17 ng Hulyo.

Matapos lamang ang tatlong araw noong ika-20 ng Hulyo ay agad naman itong nailimbag sa Philippine Star at Manila Bulletin.

Ano ang ibig sabihin nito para sa taumbuyan at sa mga kawani ng gobyerno?

Ngayon na epektibo na ang IRR, mas malakas na ang kaso laban sa mga lalabag sa batas dahil malinaw na ang mga nakasaad na probisyon laban sa red tape o anumang bagay na nagpapabagal at nagiging sagabal sa pagproseso ng mga dokumento ang mga transaksyon sa gobyerno.

Ibig sabihin din nito, mas may gabay na ang mga ahensiya ng gobyerno sa pag-streamline o pagsasa-ayos at pagpapabilis ng mga proseso at sistema dahil maglalabas din ang ARTA ng kaukulang guidelines sa iba’t-ibang aspeto ng serbisyo publiko gaya ng paggawa ng Citizen’s Charter, pagtaguyod ng mekanismo para sa Report Card Survey, at paglalabas ng gabay sa Reengineeing.

Ang panawagan ng ARTA

Malinaw ang panawagan ng ARTA: tumalima kayo sa batas.

Isa sa mga pinakasikat na probisyon ng batas ay ang 3-7-20 o ang Prescribed Processing Time kung saan dapat ang lahat ng proseso ng gobyerno ay hindi lalagpas ng 3 araw para sa mga simpleng proseso, 7 araw para sa mga kumplikado, at 20 araw para sa mga proseso na nangangailangan ng teknikal na pagsusuri.

Lahat ng ahensiya ng gobyerno ay dapat i-kategorya na ang lahat ng kanilang serbisyo.

Sa pamamagitan din nito ay dapat na ring mapabilis ang kanilang mga sistema. Pangungunahan ng ARTA ang pagbuo ng Regulatory Management System upang matulungan ang mga ahensiya sa paggawa at pagsasaayos ng kanilang mga pinapatupad na regulasyon na siyang magpapabilis ng mga transaksiyon sa gobyerno.

Dapat na ring maglabas ng kaukulang Citizen’s Charter kung saan i-dedetalye ng mga ahensiya ang lahat ng serbisyo na kanilang dinadala. Dapat nakasaad din dito kung gaano katagal, kung magkano ang pagpoproseso, sino ang responsable, at kung ano ang mga kailangang dokumento sa isang serbisyo.

Maglalabas ang ARTA ng opisyal na Citizen’s Charter guidelines ngayong Agosto na dapat ay gamitin ng mga ahensiya sa pagsagawa ng bagong Citizen’s Charter na kailangan nilang isumite pabalik sa ARTA sa loob ng 90 working days.

Hindi na rin ligtas sa IRR ng R.A. 11032 ang mga kawani ng gobyerno na nagdudulot ng red tape.

Dahil tinukoy na sa IRR ang mga detalye ng paglabag at mga kaukulang parusa nito, mas madali nang maaasikaso ng ARTA ang mga reklamong idudulog ng taumbayan sa aming tanggapan.

Babala sa mga fixer

Bumuo ang ARTA ng Special Task Force kasama ang ilang ahensiya ng gobyerno upang puksain ang mga fixer na talamak sa madaming ahensiya ng gobyerno.

Nanawagan ang ARTA sa mga pinuno ng mga ahensiya na linisin na ang kanilang mga bakuran at huwag nang hintayin ang ARTA na puntahan sila.

Ngayong epektibo na ang IRR, ganap na ang kapangyarihan ng ARTA na magpataw ng kaparusahan sa kung sinuman ang patuloy na magsusulong ng red tape sa gobyerno.

Pambansa Slider Ticker Alicia dela Rosa Bala ARTA Department of Trade and Industry Secretary Ramon M. Lopez Director General ng Anti-Red Tape Authority JHOMEL SANTOS

Mga ahensya ng pamahalaan, dapat umanong magkaroon ng “citizen’s charter”

August 8, 2019 by PINAS

CRESILYN CATARONG

Dapat na nakapaskil sa mga kitang lugar ang tinatawag na “Citizen’s Charter” sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Ito ang iginiit ni anti-red tape authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News.

Ayon kay Belgica, nakalista sa citizen’s charter ang mandato ng ahensiya, mga kinakailangang requirements sa bawat transaksyon at kung magkano lang ang babayaran ng kliyente.

Maaari namang suspendihin ng 6 na buwan ang sinumang lalabag dito.

Pambansa Slider Ticker ARTA citizen’s charter CRESILYN CATARONG Director General Jeremiah Belgica SMNI News Sonshine Radio

Mga kawani ng ahensiya ng gobyerno, maaaring ireklamo sa mabagal na transaksyon

June 17, 2019 by PINAS

Red tape ang tawag sa sobra sobrang mga alituntunin o proseso na dapat sundin at mga dokumento na dapat isulat na sanhi ng mabagal o walang natatapos na transaksyon.

 

SMNI NEWS

MAAARING ireklamo ang mga kawani ng ahensiya ng gobyerno na hindi tinutugunan ang mga pangangailangan ng kanilang kliyente o mabagal ang transaksyon.

Sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI kay Anti-Red Tape Authority (ARTA) Chairman Ernesto Perez, sinabi nito na ang pagbubulakbol sa oras ng trabaho ay paglabag sa mandato nila sa ilalim ng Republic Act No. 11032 o mas kilala bilang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

 

Ayon kay Perez, maaaring pumunta sa tanggapan ng ARTA para magreklamo o kaya ay mag-email sa [email protected] at siguraduhing isama ang pangalan ng kawani na hindi tumanggap ng aplikasyon.

 

Agad naman na paiimbestigahan ang inireklamong government employee at maaaring i-refer na nila ang kasong administratibo sa Civil Service Commission o sa Office of the Ombudsman kapag may criminal liability.

 

Pambansa Slider Anti-Red Tape Authority (ARTA) Chairman Ernesto Perez ARTA Republic Act No. 11032

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.