JAO DAYANDANTE
KUMUHA ng dalawang bagong manlalaro ang Barangay Ginebra.
Kinuha ng Barangay Ginebra ang serbisyo nina Arvin Tolentino ng Far Eastern University at Jerrick Balanza ng Letran.
Pumirma ang dalawa ng tig-isang taon na kontrata sa koponan.
Si Balanza ang second-round pick ng Ginebra noong nakaraang PBA Rookie Draft.
Inaasahan ang dalawa na maging regular roster ng Gins sa ika-45 season ng liga matapos na umalis ang kanilang guards na sina Teytey Teodoro at Julian Sargent.