Pinas News
NAKAHANDA na ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Region 6 na tumulong sa mga maaapektuhang manggagawa at residente sa pagsasara ng isla ng Boracay sa loob ng anim na buwan.
Kasunod ito ng direktiba ni TESDA Director General Guiling Mamondiong sa mga opisyal at empleyado ng TESDA sa Aklan na bumuo ng action plan.
Target ng ahensya na matulungan ang may 73,522 apektadong mga residente, kasama ang 17,326 registered employee at 11,000 unregistered workers sa pagsasara ng Boracay.
Sa ilalim ng binuong Action Plan Save Boracay, ang unang round ng training ay magsisimula sa Abril a-bente sais at magtatapos sa Hunyo a-trenta ng taong kasalukuyan.
Katuwang ng tesda sa pagpapatupad ng action plan ang Department of Interior and Local Government o DILG, Department of Trade (DTI), Philippine National Police (PNP), lokal na pamahalaan ng Malay, Technical-Vocational Institutions (TVIS) at Association TVET schools in Aklan.