PL MONTIBON
MARIING tinututulan ng grupong Lawyers for Commuter Safety and Protection o LCSP ang muling pagpapalawig pa hanggang sa anim na buwan ang pilot run ng motorcycle taxi gaya ng Angkas.
Sa isinagawang press conference ng LCSP, mariing sinabi ni Atty. Raymund Fortun na isang korapsyon at monopolya ang nasa likod ng desisyon ng technical working group ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang nasabing extension ng pilot implementation ng motorcycle taxi gaya ng Angkas.
Naniniwala si Fortun na may malaking impluwensiya anila si Senator Koko Pimentel nang iminungkahi nito ang pagpasok ng iba pang motorcycle industry sa merkado mula sa nasabing pilot run.
Sa katunayan, nagbantang kakasuhan ang mga opisyal ng LCSP dahil sa iregularidad umano sa pilot implementation ng motorcycle taxi, gaya ng namumuong korapsyon.
Sa isang pahayag, sinabi ng LTFRB-TWG na naging patas ito sa pagpili sa Joyride at Move It na makasama ng Angkas sa pilot implementation upang malaman kung dapat na payagang bumiyahe ang mga motorsiklo na ipinagbabawal ng kasalukuyang batas.
Ang Joyride at Move It ay pinayagan umano dahil nakasunod ito sa itinakdang requirements.
“We, therefore, find it deplorable that the LCSP would resort to a politically-motivated deflection of the real issue confronting the program, and will even drag a senator into the fray.”
Kabilang sa mariing tumutututol sa desisyon ng LFRB-TWG ay sina Atty. Trixie Angeles at Atty. Ariel Inton na sinasabing pawang mga advocate sa kapakanan ng mga motorista sa bansa lalo na sa Metro Manila.
Lumalabas na patas anila ang desisyon ng LTFRB kaugnay sa pagpasok ng dalawang motorcycle service provider, ito’y para tingnan anila ang kahalagahan ng isang kompetisyon sa mga motorsiklo sa kasalukuyang panahong hindi pa naayos ang problema ng trapiko sa bansa partikular na sa Kalakhang Maynila.
Sa ngayon matatapos ang pilot run ng motorcycle taxi gaya ng Angkas hanggang sa buwan ng Hunyo taong 2020.
Matatandaang, tumatakbo ang Angkas sa bisa ng congressional resolution sa ilalim ng isinagawang regulasyon ng LTFRB.
Pero paglilinaw pa ng LCSP, wala pa anilang malinaw na batas na sasaklaw sa operasyon ng mga motorcycle taxi sa bansa, kaya delikado rin ito sa mga pasahero.
Pero nanindigan ang mga miyembro ng LCSP na bagama’t may disgrasya o aksidente na naitatala sa motorcycle ride-sharing, wala naman anilang namatay sa nasabing operasyon.
Samantala, nauna na ring lumabas ang balita na siyang tinutulan din ng mga motor riders kaugnay sa nakaambang pagbabawas ng miyembro sa kanilang pangkat hanggang 17, 000 riders mula sa kabuuang 27, 000 na riders dito.