ILANG linggo nang naka-confine ang isang 17 na taong dalaga na si Aurora, hindi nya tunay na pangalan. Hindi makakain at hindi rin makainom, sumasakit ang tyan at tuloy-tuloy ang pagsusuka nito.
Nakita sa X-RAY na may kalat-kalat na karayom sa loob ng katawan ni Aurora.
Ayon sa kanyang mga magulang, maaring kinulam ang kanilang anak. Ngunit ayon sa mga espesyalista, sanhi ito ng matinding depresyon.
Dagdag pa ng mga doktor, napakadelikado ng ganitong kalagayan dahil maaring magdugo at magkaroon ng impeksyon ang bituka na posibleng ikamatay ng dalaga.
Nang kausapin ng mga espesyalista ang dalaga, sinabi nito na madalas siyang na-bubully, dagdag din nya ang mga salitang “wala akong kwenta” at “hindi mahal ng magulang.” Ayon sa mga doktor malinaw na ito ay mga suicidal thoughts at nakakaranas si Aurora ng major depressive disorder.
Pinayuhan ng doktor ang magulang ng bata na mabuting kausapin ito ng madalas at huwag iwanan mag-isa.