Ni: Jonnalyn Cortez
SINONG mag-aakala na ang sikat na tatak ng pampaganda na Happy Skin ay itinatag ng dalawang Pinay? Pagmamay-ari ang produktong ito ng modelong si Rissa Mananquil-Trillo at ni Jacqe Yuengtian Gutierrez, na isang eksperto pagdating sa marketing.
Gustong patunayan ng dalawang magkasosyo na kahit pa mahigpit ang kumpetisyon sa larangan ng pagpapaganda sa Pilipinas, kaya nilang palaguin ang kanilang negosyo at makipagkompetensya sa mga imported na produkto.
ANG PAGPAPAKILALA AT PAGSISIMULA
Nagsimula ang Happy Skin sa Instagram na naging daan nito upang makilala noong 2013.
“Social media is a great equalizer,” pagpapatunay ni Trillo. Dahil na rin sa kakulangan sa badyet, ang paggamit ng social media ang kanilang naging daan upang ipakilala sa tao ang kanilang mga produkto.
Mula sa paglalagay ng mga produktong pampaganda at pagbibigay ng mga tip ukol sa tamang pag-aalaga ng balat gamit ang mga makukulay at agaw-atensyon na mga paskil, nakuha ng Happy Skin ang atensyon ng marami.
Magkahalong dugo, pawis, at luha ang ibinuhos ni Trillo at Gutierrez noong magsimulang itatag ng mga ito ang Happy Skin. Ani Trillo, hindi lamang nila ipinundar ang Happy Skin, kundi naging tagapagbenta rin sila nito at tagabuhat ng mga produkto. Inalala rin niya noong unang beses silang nagbukas ng sarili nilang tindahan at inabot sila ng hanggang madaling araw kakalinis sa lugar.
Personal din nilang ibinabalot ang kanilang mga produkto at pinapadala katuwang ang kanilang maliit na grupo. “It’s part of the birthing pains of any startup, and you must be willing to endure that,” paliwanag nito.
PAKIKIPAG-KOMPETENSYA SA MGA IMPORTED NA PRODUKTO
Ipinagmamalaking sinabi ni Trillo na pinapatunayan lamang ng Happy Skin na kayang makipagsabayan ng lokal na produkto ng bansa sa mga imported na produktong pampaganda. Isa rin itong patunay na kayang gumawa ng mga Pilipino ng maganda at epektibong mga produkto.
“It’s a good challenge,” anito. Pinaliwanag ni Trillo na hanggang ngayon, marami pa ring Pilipino ang nagsasabing mas maganda ang mga produktong galing ibang bansa kumpara sa sariling atin. Bunsod nito, sadyang pinasok ni Trillo at Gutierrez ang internasyonal na merkado upang ipakilala ang isang lokal na produkto na pwedeng ipagmalaki sa buong mundo.
MGA PAGSUBOK NA HAHARAPIN
Isa sa mga pinakamala-king pagsubok na hinarap ni Trillo at Gutierrez ay ang kakulangan ng mga ito sa tamang datos at pananaliksik. Kaya, umasa ang mga ito sa kanilang pagoobserba at likas na galing. Inihayag ni Trillo na kinakailangan niyang gawin ang mga hindi niya nakasanayan at pagkatiwalaan ang kanyang lakas ng loob na kaya niyang intindihin ang pangagailangan ng kanilang mga mamimili.
Kaya naman, hinihikayat nito ang kanilang grupo na regular na bumisita sa kanilang mga pisikal na tindahan at kausapin ang kanilang mga kliyente. Inuugali rin nitong basahin ang komento ng kanilang mga tagasunod sa social media upang malaman ang kanilang mga hinaing at ang mga kinakailangan nilang baguhin.
ANG LAYUNIN NG HAPPY SKIN
Layunin ng Happy Skin na bigyang-pansin ang mga karaniwang problema sa balat ng mga Pilipino. Dahil matagal na rin sa industriya ng pagmomodelo si Trillo, alam nito ang mga hinaing ng mga kapwa niya mahilig sa kolorete at ang mga epekto nito sa balat.
Kaya, nakipagtulungan ang mga ito sa mga bansa sa Asya na kilala sa kanilang mga produktong pampaganda tulad ng Japan, South Korea at Taiwan. Ang hakbang na ito ay upang matulungan sila ng mga ito na gumawa at magbenta ng kanilang produkto. “The goal of Happy Skin is to be one of the most res-pected cosmetic brands in the world,” ani Trillo.
Kakatuwang sinabi rin nito na lagi na lamang nasosorpresa ang mga kapwa niya Pinoy kapag nalaman nilang isang lokal na produkto ang Happy Skin. Ito ang kaisipang nais baguhin ni Trillo at Gutierrez, na kaya rin nating mga Pilipino ang gumawa ng isang produkto na kayang makipagsabayan sa pandaigdigang pamilihan. “We are capable of creating mixes that are globally competitive,” dagdag nito.
Sa katunayan, nakipagtulungan na ang produktong ito kina Kris Aquino, Heart Evengelista, Liz Uy at sa mga kilalang tatak na Pond’s at Plains & Prints. Nakatanggap na rin ito ng parangal mula sa Ayala Malls na “Most Promising Retailer” at “Most Promi-sing New Cosmetic Brand of the Year” mula sa Watsons noong 2015.
Payo ni Trillo at Gutierrez sa nais magtayo ng bagong negosyo: “Malaking bakasali ang paguumpisa ng ganitong uri ng negosyo ayon kay Trillo at Gutierrez. Ngunit, kailangan mo lamang ng lakas ng loob, maging matapang, at maging walang takot upang simulan ito.”
“Be a step ahead in your innovations,” payo ng mga ito. Pinayo rin nilang ugaliing tanungin ang sarili kung naiiba ang iyong produkto, mapupunan ba nito ang kinakaila-ngan ng mga tao at kung mas maganda ba ito kumpara sa mga mabibili na sa merkado?
Siguraduhin din na ang pagkakakilanlan ng iyong tatak ay palagiang madadala sa buong linya ng iyong produkto. Ito ay upang ma-panatiling kilala ang pangalan ng iyong produkto. “There’s a lot of risk in starting a business but remember taking risks can also be very rewarding,” ani Trillo.
Sinasabing maraming may kakayahan na gumawa ng sarili nilang linya ng produktong pampaganda, ngunit walang ibang makakagawa nito katulad ng pagtutulu-ngan ni Trillo at Gutierrez.
Simple lamang ang kanilang nais, ang gumawa ng produktong pampaganda para sa mga Pilipino na hindi masisira ang kanilang mga balat.
Sa ngayon, marami ng mga counter ang nagbebenta ng Happy Skin sa mga mall at masasabing nakikipagsabayan ito sa mga produktong galing ibang bansa. “There’s so much genuine love for Happy Skin, it’s heartwarming,” ani Trillo sa natatamasa nilang tagumpay.