• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - January 21, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Unang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Bacolod City

ABAP Pres. Vargas, nahalal na presidente ng POC

March 5, 2018 by Pinas News

Pinas News

MAKAKAMIT na ng bansa ang makabagong kasaysa-yan ng sports na inaasahan ng mga miyembro ng Philippine Olympic Committee (POC)  ngayong bago na ang liderato.

Dahil sa pagkahalal kay Association of Boxing Alliances of the Philippines president Ricky Vargas bilang bagong pangulo ng POC, kapalit ni Jose “Peping” Cojuangco Jr. na namuno sa loob ng 13 taon.

Umaasa naman si Philippine Weightlifting Association president Monico Puen-tevella na ito na ang simula ng revival ng Philippine sports.

Nabatid na sa mga nakaraang international events, mababa ang rekord ng Pilipinas.

Ayon sa dating Bacolod City mayor, maganda ang rekord ni Vargas kaya asa-hang babalik na ang tiwala ng mga sponsors sa POC.

Matapos ang eleksiyon, nagbigay agad si Manny V. Pangilinan ng P20 milyong pondo sa POC.

Samantala, nagpasalamat si Vargas sa buong suportang binigay sa kanya kabilang na ang mga National Sports Associations (NSAs) at mga athletes.

Kasabay ng kanyang pagtiyak na gagawin niya ang lahat para sa alagaan ang mga atleta alang-alang sa pag-angat ng isports sa bansa.

Slider Sports Ticker ABAP Pres. Ricky Vargas Bacolod City Jose “Peping” Cojuangco Jr. Manny V. Pangilinan Monico Puen-tevella National Sports Associations NSAs Philippine Olympic Committee Pilipinas PINAS POC SMNI News

Jason Abalos, suportado ang nobya sa pagsali sa Bb. Pilipinas

February 6, 2018 by Pinas News

Ni: Wally Peralta

BIRTHDAY month ng bagong Kapuso actor na si Jason Abalos ang buwan ng Enero. At tulad ng kanyang nakagawian ay walang selebrasyon ang kanyang kaarawan kung di pasasalamat lagi ang binibigay ni Jason sa lahat ng taong na nagpakita ng pagmamahal, sa pamilya, sa mga kaibigan at sa kanyang mga solid followers, pati na rin sa mga taong kanyang nakilala at higit sa lahat sa Panginoon. At tulad na rin ng kanyang New Year’s Resolution humingi rin ng kapatawaran sa mga taong nasaktan niya. Siyempre kasama na rin sa listahan ng kanyang mga pinasalamatan ay ang kanyang girlfriend for 5 years na rin naman na si Vickie Rushton.

Pagdating naman sa kanyang career, happy na happy din si Jason sa takbo nito sa ngayon, isang bagong kabanata sa showbiz life niya, ang pagiging isang Kapuso after almost 12 years of being Kapamilya.

Kasama si Jason Abalos sa bagong handog ng Kapuso Network na teleserye sa Primetime viewing, ang “The One That Got Away” (TOTGA) kasama sina Dennis Trillo, Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos. May temang kaseksihan at komedya ang kanilang teleserye.

“Oo nga, sexy comedy yung teleseryeng ginagawa ko, ha ha ha,” ang masayang bungad ni Jason.

“Abangan nyo po yun, may mga eksena akong kikilitiin ang mga viewers, pinaghahanda na nga kami ng director namin. At kung kailangan talaga na magpasexy ako, sige lang laban ako diyan, kung yun ang ibibigay sa akin ng direktor ko.”

“Sa ngayon kasi under experimental pa rin yung mga karakter namin, kung saan talaga ito tatakbo habang tumatatakbo ang show,” saad pa ni Jason.

 

Leveling down

Nakasanayan na ng kanyang mga followers, lalo na yung mga sumusuporta kay Jason simula pa ng karir nito sa Kapamilya Network na bida ang role na ginagampanan ng aktor. Pero sa unang project niya sa GMA-7, ay masasabing suporta lang ang karakter ni Jason sa mga lead actors nito? Hindi kaya may damdam si Jason sa bagay na ito?

“Wala namang problema sa akin kung bigyan nila ako ng lead or supporting role muna.”

“Siyempre, bago tayong pasok sa GMA-7 at kung ano ang ibigay nila sa akin, thank you very much po. Kung meron pa silang ibibigay bago pa man matapos yung show, maraming salamat pa rin po.”

“Pero sa ngayon ang utak at pokus ko ay sa TOTGA na muna. Naniniwala kasi ako na pag binigyan ka ng trabaho dapat nakapokus na muna ako roon.

Hindi na po muna ako bibitaw hanggang hindi pa tapos.”

 

Missing Kapamilya

Hindi biro ang 12 years na pagiging Kapamilya niya. Marami siyang natutunan sa dating istasyong kinabibilangan niya. At ngayon bilang isang Kapuso at naka-contract ng 3 years, nag-sink in na ba sa puso’t isip niya ang pagiging Kapuso at things of the past na lang ang pagiging Kapamilya niya before?

“Sa ngayon, ‘unti unti palang nagsisink in sa akin na may bago na akong mother station,” say ni Jason.

Ano naman ang nami-miss niya bilang isang Kapamilya?

“Sa ngayon kasi may lungkot pa rin ako, na medyo naiwanan ko roon ang aking mga kapamilya for 12 years, but then andito ngayon, ang excitement na isa na akong kapuso.”

“Nami-miss ko yung mga tao, yung mga nakatrabaho ko before, yung handler ko sa Kapamilya station!”

And there’s no turning back

“Ako naman po ay gusto kong tumagal bilang isang Kapuso, kung bibigyan ako ng matagal na panahon maging kapuso ng GMA7, why not!”

 

Bata pa si Vickie

Bago pa man pumirma ng kontrata si Jason sa GMA-7 ay naging maingay ang isyung magpapakasal na sila ni Vickie? Sa katunayan pa nga ay nagtayo sila ng mga negosyo bilang paghahanda sa kanilang pagpapakasal.

“Walang problema naman sa amin ni Vickie sa usapang pagpapakasal. We’re okay at may mga business kaming  tinayo.

“Nagtayo siya ng party needs and flower shop sa Bacolod City. Meron naman kaming salon sa Nueva Ecija.”

“Magaling si Vickie sa negosyo at sa kanya ako naengganyo na mag-business habang kumikita tayo.”

“Pagdating sa kasalan, pinag-uusapan na po namin yan.”

“Kaya lang medyo bata pa si Vickie, gusto na niya munang maging masaya sa kanyang buhay bilang isang dalaga.”

“Hindi naman porke’t nasa isang relasyon kayo, ay lagi niyong pag-uusapan ang tungkol sa inyong dalawa. May kanya-kanyang buhay pa rin naman kami, may mga pangarap naman kami, hayaan naman niyang gawin iyon hanggang sa maging proud siya sarili niya,” ani Jason.

 

Total support for beauty

At isa sa pangarap ni Vickie ay maging isang beauty titlist, kung kaya sumali this year 2018 ang dalaga sa national beauty pageant na Binibining Pilipinas. Ano naman kaya ang saloobin ni Jason sa pagpasok ng kanyang GF sa beauty contest?

“Gusto niyang gawin iyon, hindi ko naman siya kokontrolin. Kung saan siya masaya. Suportado ko siya.”

“Kahit ano pa ang pasukin ni Vickie, 100 percent ang suporta ko sa kanya. Tulad ng pagsuporta niya sa akin,” ang pagwawakas pang tugon ni Jason.

Showbiz Slider Ticker Bacolod City Dennis Trillo GMA-7 Jason Abalos Lovi Poe Max Collins Nueva Ecija Rhian Ramos The One That Got Away Vickie Rushton Wally Peralta

Ang halaga ng ASEAN sa buhay ni Juan

November 17, 2017 by Pinas News

Ni: Quincy Joel Cahilig

MARAMI sa mga kababayan natin sa Metro Manila, Bulacan, at Pampanga ang “bakasyon mode” sa kanilang long weekend dahil idineklara ng Malacanang na special (non-working) days ang Nobyembre 13 to 15 sa mga nabanggit na lugar para lumuwag-luwag ang daloy ng trapiko sa mga lansangang dadaanan ng mga country leaders at mga delegado mula Clark Airport hanggang sa mga sa mga lungsod ng Manila at Pasay para sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) Summit.

Kabilang sa mga paghahanda ang 15-day gun ban sa National Capital Region, Central Luzon, at Southern Tagalog na ipinatutupad ng Philippine National Police mula Nobyembre 1 to 15 upang masiguro ang seguridad ng mga dadalo sa naturang pagpupulong.

Bagamat itinuturing ng ilan na “vacation time”, sa katunayan ay isa itong napakahalagang at makabuluhang okasyon  at malaking karangalan para sa Pilipinas, sa pangunguna ng Pangulong Rodrigo Duterte, dahil nasa atin ngayong taon ang ASEAN Chairmanship kung kailan ipinagdiriwang ang ika-50 na founding anniversary ng ASEAN, na may temang “Partnering for Change, Engaging the World,” na tila sumasalamin din sa layunin ng kasalukuyang administrasyon na magpatupad ng pagbabago, gayundin ang pagnanais na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mga bansang kaalyado.

Ang ASEAN ay organisasyon ng mga bansa sa Asya na itinatag noong 1967, na binubuo ng Indonesia, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand, Brunei Darussalam, Vietnam, Lao’s People’s Democratic Republic, Myanmar, at Cambodia.  Ayon sa ASEAN Declaration, layunin ng ASEAN na mas pabilisin ang pag-unlad ng ekonomiya, lipunan, at kultura sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapalitan ng yaman at kaalaman sa transportasyon, agrikultura, pagnenegosyo, at komunikasyon; at ang pagsusulong ang mapayapang relasyon sa pagitan ng mga bansang kaanib, alinsunod sa prinsipyo ng United Nations Charter.

Inaasahang dadalo sa naturang pagtitipon si United Nations Secretary-General Antonio Guterres at ang mga lider ng mga bansang Canada, Australia, Japan, New Zealand, South Korea, China, Russia, India, the European Union, at United States of America.

Isang prayoridad ngayong ASEAN Summit ay ang makapagbalangkas ng mga panuntunan kung paano mas mapapaunlad ang mga micro-, small-, and medium-sized enterprises (MSME) at ang malalaking kumpanya. Bilang isang rehiyon na may malaking economic potential, na may populasyon na 625 milyon, ang large corporations at mga MSME sa South East Asia ang tinukoy na “key drivers” sa paglago economiya sa rehiyon. Batay sa mga reports, mas tumatatag ang mga ekonomiya  ng mga bansang kasapi sa ASEAN habang lumalago ang mga negosyo dito.

Sa kasalukuyan, 96 porsiyento ng share sa ASEAN market ay binubuo ng mga MSME na nagbibigay ng mula 50 hanggang 80 porsiyentong domestic employment o mga trabahong pinakikinabangan ng milyun-milyong pamilya.  Subalit marami sa mga small and micro entrepreneurs ang umaaray sa hirap na makapagpundar ng kapital at sapat na pondo para matugunan ang mga requirements para makapagsimula at makapagpatuloy sa pagnenegosyo.

Pero para sa mga hindi naman negosyante, meron bang halaga ang ASEAN sa buhay nila?

Meron. Hindi nga lang nila alam.

Ito ang bagay na tila ikinalulungkot ni Melito Salazar, Jr., dating pangulo ng Management Association of the Philippines at kasalukuyang dean ng School of Accountancy and Management ng Centro Escolar University—ang di pagkaalam ng maraming Pilipino, lalo na ng mga nasa lalawigan, patungkol sa ASEAN.

“It is however, sad to note that the level of knowledge and understanding of the Filipinos of ASEAN is less than that of our neighbors. This is a product of years of cursory attention given to the dissemination of ASEAN developments by the government and even the Philippine mass media,” wika ni Salazar.

Aniya, bagama’t mayroong mga advertisements sa Philippine media ang ASEAN ay hindi kalakihan ang impact ng mga ito kumpara sa ginagawa sa mga ASEAN countries tulad ng Thailand, Indonesia, at Malaysia kung saan naglalaan ng segment ang kanilang mga news programs sa telebisyon para makapagreport tungkol sa kanilang kapwa ASEAN countries.  

Ipinunto din ni Salazar na malaki talaga ang nakukuhang benepisyo ng mga ordinaryong mamamayan mula sa ASEAN kaya dapat itong malaman at maunawaan ng sambayanan.

“In the countryside where the impact of ASEAN will be the greatest, there is little appreciation of the tremendous opportunities and challenges that ASEAN is bringing. Many Filipinos are not aware that the K to 12 Program is one way of levelling up Philippine education to match that of our ASEAN counterparts so that the Philippines can fully benefit from the free flow of human resources. Other reforms like tax reforms will improve our business competitiveness vis-à-vis other ASEAN enterprises and the consolidation of the Philippine banking system will ensure our ability to participate meaningfully in the free flow of capital.

Parte rin ng mga nabanggit na benepisyo ay ang ASEAN Free Trade Area na nagtaas sa antas ng kompetisyon sa mga suppliers at distributors sa rehiyon. Ito ang nagbigay daan para sa mga Filipino consumers na makapamili ng mga produktong dekalidad sa mas murang halaga. Kasama rin ang mga sumusunod: opportunidad para sa mga estudyante na makapag-cross-enroll sa 10 ASEAN countries, proteksyon ng mga yamang dagat, visa-free travel assistance, at ang mga tulong para sa mga nasalanta ng mga kalamidad.

Pinuri naman ni Salazar ang mga hakbangin ng Duterte Administration na ilapit sa mga lalawigan ng nakaraang Asia-Pacific Economic Cooperation meetings sa mga key centers sa mga lalawigan, gaya ng Bacolod City. Sa pamamagitan ng mga ganitong paraan ay nakikita ng ibang mga bansa ang  pag-asenso ng pamumuhay sa rural areas at mas naiintindihan nila ang kultura ng Pilipinas.  Kaya iminumungkahi ng naturang business expert na magkaroon din ng mga ASEAN meetings sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga susunod na pagkakataon upang mas maunawaan ito ng masa.

Pambansa Slider Ticker AFP-PNP Command Conference and medium-sized enterprises ASEAN Association of South East Asian Nations Australia Bacolod City Brunei Darussalam Bulacan Cambodia Canada Central Luzon China Clark Airport India Indonesia Japan Jr Lao’s People’s Democratic Republic Malaysia Melito Salazar Metro Manila micro- Myanmar National Capital Region New Zealand Pampanga Pangulong Rodrigo Duterte Philippine National Police Philippines PNP Quincy Joel Cahilig Russia Singapore Small South Korea Southern Tagalog Thailand the European Union United States of America Vietnam

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.