Pinas News
NAKABALIK na sa kanilang mga tahanan ang nasa 200 pamilya mula sa dalawang barangay na lumikas dahil sa takot na madamay sa engkuwentro sa pagitan ng militar at New People’s Army sa Iligan City.
Ito ang kinumpirma ni Iligan City Mayor Celso Regencia matapos maitaboy ng militar ang mga rebeldeng NPA na nasa likod ng pag-ambush na ikinamatay ng isang opisyal ng sundalo noong Nobyembre 12 sa Barangay Rogongon.
Tiniyak ng alkalde na hindi na basta makapapasok ang mga rebeldeng NPA sa Barangay Maninit at Rogongon.