Ni: Rommel Placente
WALANG intensiyon si Ken Chan na ma-ging third wheel sa relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto. Naging sweet man daw si Ken kay Barbie ay walang ibig sabihin yun. On a professional level lamang daw ito. Pero inamin ng binata na minsan ay nagkaroon siya ng pagti-ngin kay Barbie, pero mas nangingibabaw daw ang pagiging magkaibigan nila at ni Jak. Paminsan-minsan daw ay sumasagi sa isip ni Ken kung bakit hindi niya niligawan si Barbie noong single pa ito.
Sabi ni Ken, “Minsan, naiisip ko, ba’t ko ba hindi ginawa? Hindi ko alam, kasi siguro mas naniniwala ako na ayokong masira ang relationship namin ni Barbie bilang magkaibigan. Kasi, kapag pinasok namin yung relationship namin na mag-on, mag-girlfriend-boyfriend, may posibilidad na masira.”
Kinontra naman ni Ken ang sinasabi ng iba na hina-yaan niyang mapunta sa iba si Barbie.
“Hindi ko naman hinayaan na mangyari yun. Na kay Barbie naman kasi yun. Parang sabi ko nga, mas gusto kong mapanatili ang friendship namin ni Barbie, kaysa maging boyfriend-girlfriend kami. Kasi naniniwala ako na may forever sa friendship.”
JAK AT KEN, SOBRANG OKEY
Hindi kaya mag-react si Jak sa sinabi niya?
Nakatawang sagot ni Ken “Sabi ko kay Jak, bro, pahiramin mo muna ako, ha?, wala, walang problema. Sobrang okey kami ni Jak at suportado niya ang love team namin ni Barbie. Alam ni Jak na magkaibigan kami ni Barbie, at nirerespeto ko naman yung relationship nila.
Sinabi pa ng gwapong si Ken na hindi kailangang pumasok ito sa personal na relasyon ng dalawa. Basta aniya, ay masaya ito sa pagiging magkakaibigan nila ni Barbie at Jak at sa working relationship nilang lahat.
Naiinggit ba siya sa rela-syon ng dalawa?
Pag-amin ni Ken,”Hindi, hindi ako naiinggit. Pero later on, nakakainggit din pala talaga. Alam na namin yun sa isa’t isa na nagkakaintindihan na kami na para sa trabaho lang. Alam naman niya na sobrang close lang kami ni Barbie, na parang magkapatid na kami.”
STAY AS SINGLE MUNA
Sa ngayon ay walang karelasyon si Ken. Pero nagkaroon na rin naman siya ng apat na girlfriend before. Ipinaliwanag niya kung bakit ayaw pa niyang pumasok muna ulit sa isang relasyon.
“Kasi yung last relationship ko, ang nangyari nun, dahil sa time, e. So, feeling ko, pag itinuloy ko, magkaroon ng commitment ulit, feeling ko hindi magwo-work because of time. So ang hirap din e. So, tama lang na wala munang commitment.”
BIKTIMA NG CYBERBULLYING
Samantala, aminado si Ken na kagaya ng ibang artista, biktima rin siya ng cyberbullying. Bukod sa pagdududa sa kanyang sekswalidad, minaliit din ang kanyang kakayahan bilang artista at pinagbintangan pang may gay benefactor diumano siya.
Sabi ni Ken, “Lalo na nung nag-uumpisa ako sa showbiz, na-bully ako. Sabi nila, wala raw akong mararating. Sino ba naman ako, bigla lang daw sumulpot. Wala raw akong kuwentang umarte. One of those na naman daw. Masakit nung una. Kasi, bilang baguhang artista, mapanghihinaan ka ng loob. Tsaka di naman ako sanay sa showbiz nung nag-umpisa ako.”
Sinabi ni Ken na walang sinisino ang netizens ngayon at nagkukubli ang mga ito sa mga pekeng identity upang makapang-bash ng ibang tao. Pero may mga pagkakataon daw na na-meet niya ang kanyang bashers.
“Kunwari ako, may nang-bully sa akin, sobrang binu-bully niya ako sa Internet, kung anu-ano ang sinasabi niya. Pero nung nakaharap ko siya, andiyan siya. Tahimik siya. Tameme. Yun yung sinasabi ko, parang naka-mask sila. Yun yung pinanghahawakan nilang kapangyarihan, yung Internet. Pero kapag kaharap mo sila, pag andiyan na, ‘uy, kamusta? Ginaganun ko sila.”
Kuwento pa ni Ken, napag-usapan daw nila ng mga kapwa niya artista kung paano ang epektibong pakikitungo sa mga bashers.
“Nag-usap-usap kaming magkaka-close, hindi na lang daw nila pinapansin. Bakit pa? Ang pinakamagandang gawin mo, bilang celebrity, pinakapanlaban mo sa kanila is silence. Mas maiinis sila pag di mo sila papansinin. Yung iba, ginagawa nila yun para magpapansin. Mas marami pang importanteng bagay na puwede mong gawin kesa pumatol sa opinyon ng iba, sa mga bashers,” pagtatapos ni Ken.