MELROSE MANUEL
NAPATAY sa airstrike ang senior commander ngĀ Al-Shabab Militant Islamist group sa Somalia.
Ito ang kinumpirma ng mga kamag-anak ng napatay na si Bashir Mohamed Qorgab.
Ang airstrike ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng US at Somalia laban kay Qorgab.
Una nang nag-alok ng $5-M na reward ang US noong 2008 kung sino ang makakapagturo sa kinaroroonan ni Qorgab.
Si Qorgab ay sinasabing sangkot sa pang-atake sa mga military bases at mga militant attack sa Kenya.