TINUTURING na “crowning glory”, ang ating buhok. Isa kasi ito sa unang napapansin ng iba sa atin. Kaya’t nararapat lamang na ito ay malinis, maayos at kaaya-ayang tingnan. Pero paano kung ang itinuturing mong korona ay pinaliligiran ng balakubak? May alternatibong solusyon para sa suliraning ito na di masyadong mabigat sa bulsa. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Imbes na mag-shampoo gumamamit ng Baking soda
Basain ang buhok. Gamitin ang inyong fingertips at dahan-dahan na imasahe ang baking soda sa inyong anit sa paikot na direksyon. Isang dakot ng baking soda lamang ang gamitin. At Banlawan ang buhok.
Apple cider
Haluan ng ¼ tasa na apple cider ang ¼ tasa na tubig at ilagay sa spray bottle. Ispray ito sa anit. Balutan ng tuwalya ang buhok. Hayaan ng 15 minuto saka banlawan. Gawin ito ng dalawang beses kada isang linggo.
Mouth wash
Pagkatapos mag-shampoo, imbes na tubig ang gamitin sa pagbanlaw, gamitin ang alchohol-based mouthwash bilang kapalit. Saka ito sundan ng conditioner. At banlawan.
Coconut oil
Bago maligo imasahe ang anit ng 3-5 kutsara ng coconut oil. Hayaan ito ng isang oras saka basain at mag-shampoo. Maaari ring maghanap ng mga shampoo na may sangkap na coconut oil.
Katas ng lemon o dayap
Imasahe sa anit ang 2 kutsarang katas ng dayap.
Banlawan ang buhok ng 1 basong tubig na may halong 1 kutsara ng katas ng dayap
Ulitin ito araw-araw hanggang sa tuluyang mawala ang balakubak.
Asin
Basain ang buhok. Bago mag-shampoo. Imasahe ang asin sa anit. Ang texture ng asin ang magtatanggal ng balakubak.
Aloe Vera
Imbes na kamutin imasahe ang aloe vera sa anit bago mag-shampoo. Bukod sa matatanggal ang balakubak, gaganda at lalago pa ang iyong buhok.
Bawang
Pinuhin ang bawang at imasahe sa anit. Para maiwasan ang matapang na amoy nito, maaaring haluan ng honey ang pininong bawang bago ito gamitin sa buhok.
Olive Oil
Isa naman sa pinaka mabilis na paraan upang mawala ang balakubak ay ang olive oil. Imasahe ang 10 patak ng olive oil sa anit, hayaan ang olive oil sa anit buong gabi, magsuot ng shower cap sa pagtulog.
Pagkagising saka ito banlawan ng tubig at at sundan ng shampoo.