Sa Italya…
Himala namang nailigtas mula sa isang gumuhong gusali ang tatlong magkakapatid kung saan isa rito ay pitong buwang gulang na sanggol dahil sa pagyanig sa Italya noong Lunes.
Ayon sa mga otoridad, ang baby ay nagngangalang Pasquale kung saan nailigtas ito ng kasama ang kaniyang dalawang kuya na nagngangalang Mattias at Ciro.
Dinala agad sa ospital ang nasabing sanggol dahil pitong oras itong na-trap sa ilalim ng gusali.
Matatandaang noong Lunes ay niyanig ang italya ng magnitude 4 na earthquake sa Bay of Naples kung saan nagdulot ito ng pagpapanic ng daan-daang turista.