Ni: JONNALYN CORTEZ
DATI nang sumikat ang avocado dahil na rin sa avocado toast, isama mo pa diyan ang shake at iba-iba pang pagkain na nilalagyan nito.
Ngunit alam ba ninyo na hindi lamang mainam ang avocado sa katawan at kalusugan kundi pati na rin sa balat?
Ang avocado oil, na mula sa pinigang pulp ng avocado, ay karaniwan nang ginagamit sa pagkain.
Maihahalintulad ito sa olive oil, ngunit meron itong mild, smooth at buttery na lasa.
Hindi pa ito karaniwang ginagamit sa bahay-bahay, ngunit inaasahan na magiging pangunahin itong bilihin at may global market value ngayon na tinatantiyang nasa $453 milyon na maaaring tumaas hanggang $646 milyon sa 2026.
Ang nakatakdang demand sa avocado oil ay sinasabing dahil sa pagtanggap ng mga beauty brands dito dahil na rin sa dulot nitong skin-boosting benefits.
Benepisyo sa katawan
Masasabing umaapaw sa nutritional benefits ang avocado oil.
“They’re a fantastic nutrient dense food source, packed full of healthy monounsaturated fats, high in energy and micro-nutrients,” wika ng nutritionist na si Gabriela Peacock.
Ilan dito ay vitamins A, B, C, D, E at minerals na tulad ng iron, magnesium, copper, potassium, omega-3, at beta-carotene. Punong-puno rin ito ng fatty acids.
“All these nutrients can help to support healthy systems functions when consumed as part of a healthy and balanced diet,” dagdag ni Peacock.
Ang mga taglay nitong nutrients ay makakatulong upang panatilihing malusog ang ating puso, pababain ang kolesterol, pabutihin ang kalusagan ng mata at labanan ang inflammation, katulad ng arthritis.
Benefits sa balat
Ang kombinasyon ng bitamina at antioxidants ay malaking tulong upang mapaganda ang ating balat.
Ang fatty acids ay pangunahing sangkap upang ma-regenerate, rebuild at bigyan ng bouncy boost ito.
Ang mataas na dosage naman ng phytosterols sa langis ng avocado ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkawala ng moisture at panatilihing hydrated ang balat.
Makakatulong naman ang antioxidants upang i-neutralize ang free radicals na umaatake sa skin cells. Nakakatulong din ito upang mag-produce ng collagen ang ating katawan.
“Using it topically can allow the oils to soften and hydrate the skin from the outside making it appear plumper and brighter. And it’s completely natural: no chemicals, additives or perfumes,” paliwanag ni Peacock.