Isang malaking dahilan sa pagbaba ng bilang ng krimen sa bansa ay ang kampanya kontra iligal na droga ng Duterte Administration.
Ni: Quincy Joel V. Cahilig
ANIMNAPUNG milyong mga botante ang bumoto kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential elections, na nangako na magkakaroon ng pagbabago o “Change is coming” sa pamamagitan ng pagsusulong ng kapayapaan at pagpapaigting ng kampanya kontra krimen at iligal na droga, na inaasahang magdudulot ng kapanatagan sa mga mamamayan at mga mamumuhunan sa Pilipinas.
Ngayong ikalawang taon ng kaniyang panunungkulan, ayon sa Philippine National Police (PNP), unti-unti nang nakikita ang bunga ng mga hakbangin ng Pangulo sa pagtupad nito ng kanyang pangako patungkol sa peace and order sa bansa. Base sa pinakahuling datos ng pulisya, bumaba ang crime rate sa Pilipinas ng 25 porsyento sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon.
“For the first two years of July 2016 to June 2018, the crime rate under the Duterte administration as compared with the last two years of July 2014 to June 2016 of the Aquino administration, the crime rate has gone down by 49 percent,” pahayag ng PNP.
Ayon kay PNP spokesman Sr. Supt. Benigno Durana, bagama’t may mga napapaulat na insidente ng patayan, dapat malaman ng publiko ang sinasabi ng statistics na ang peace and order situation sa bansa ay gumaganda.
“Alam po natin kahit na ito ay mga isa, dalawa, tatlo na insidente sa pagpaslang, siguro po tingnan din natin ang crime rate base po sa mga objective na datos,” wika ni Durana sa isang panayam. “So, nag-iimprove po ang crime situation sa ating bansa.”
Basehan din ni Durana ang dalawang magkahiwalay na surveys na nagsasaad ng pagbaba ng krimen sa bansa: Ang Pulse Asia survey, kung saan naitala ang 6.6 porsyento na crime rate sa bansa mula Enero hanggang Hunyo, na mababa ng isang porsyento sa naitalang crime rate noong 2017 sa parehong panahon na 7.6 porsyento.
Ang isa pang batayan ng PNP ay ang Gallup Survey on Peace and Order, kung saan nakasaad umano na maikukumpara na ang “sense of security” sa Pilipinas sa mga mauunlad na bansang Australia at South Korea ayon kay Durana.
“The anti-crime strategy of the Philippine National Police is working. And it is gaining commendable results,” aniya.
Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde.
Kaagapay ang makabagong teknolohiya.
Paliwanag ni Durana, ang magandang bungang ito ng mga pagsisikap ng PNP ay dahil din sa pagtanggap ng liderato ng ahensya sa mga suhestiyon upang mas makagawa ng mga estratehiyang epektibo para sa mas maayos na serbisyo.
“Yes, of course, we have to listen to other opinions and suggestions… We are listening to these suggestions because we are continuously tuning in to our strategies to make sure we can gain from our successes and learn from our challenges so that we can make sure we can effectively maintain peace and order in our society,” sabi niya.
Kung tatanungin naman si National Capital Region Police Office (NCPRO) director Chief Supt. Guillermo Eleazar, malaki ang naitulong ng makabagong teknolohiya at pag-tataas ng sahod ng mga pulis sa magandang performance kontra krimen.
“The advent of new technology such as closed-circuit television (CCTV) cameras, GPS (global positioning system) and tracking devices, smart phones and social media are also significant contributors in the decrease of the said crime rate,” pahayag ni Eleazar.
Aniya, pinadadali ng makabagong teknolohiya ang pagre-report ng mahalagang impormasyon sa pulisya kaya naman mabilis at mabisa ang kanilang response operation. Dagdag din dito ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga lokal na ordinansya at pambansang mga batas, information drive, police presence, at ang pagdoble ng sahod ng mga pulis.
“This drive precisely prevents petty violations of local ordinances and hinders possible crime incidents from happening. The Team NCRPO had been the working force in the strict observance and implementation,” sabi ni Eleazar.
Maliban sa mga ito, binigyang diin ng NCRPO na ang maigting na kampanya kontra droga ang isang malaking dahilan sa patuloy na pagbaba ng crime rate sa bansa.
Mula Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2018, nakapagtala ang NCRPO ng kabuuang 233,896 na drug users at pushers na sumuko, 48,886 ang naaresto at nakulong, 1,590 naman ang na-neutralize sa police operations.
“Evidently, the less number of drug addicts on the streets equates to lesser criminal activities and criminal incidents. The drug addicts as expected will always find ways to get money in order to satisfy their physical and psychological craving for illegal drugs. To some extent, they are forced to steal, rob shops and innocent people on the streets, barge into homes, in worst cases have to assault, hurt and even kill their victims to get money to buy illegal drugs. Consequently, the government’s effort to intensify its campaign against illegal drugs through the PNP has been an effective tool to lessen such crime,” ayon sa NCRPO.