Hakot awards sa katatapos lamang na 2017 Billboard Music Award sina Drake, Beyonce at ang Twenty One Pilots.
Labintatlong parangal ang naiuwi ng rapper na si Drake kabilang na ang mga big awards na Top Artist at Top Male Artist.
Binasag nito ang dating record ni Adele na nag-uwi ng labindalawang parangal noong 2012.
Pawang nakatanggap naman ng tigli-limang awards sina Beyonce at Twenty One Pilots kabilang na ang Top Female Artist para kay Beyonce at Billboard Chart Achievement Award ang Twenty One Pilots.
Star-studded ang naturang awarding na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.