Ni: Kristine Joy Labadan
KUNG isa ka sa mga negosyanteng nag-iisip ng bagong estratehiya upang makakuha ng mas maraming kustomer o mga taga-tangkilik, o di naman kaya’y nagbabalak pumasok sa mundo ng pagni-negosyo, alamin ang mga epektibong social media trends ngayong 2018 hanggang sa mga susunod pa na mga tao na tiyak na makakatulong sayo.
KAPAKINABANGAN NG SOCIAL MEDIA TRENDS
Ayon sa kilalang negosyante at imbentor ng microcomputer na si Bill Gates, “If your business is not on the Internet, then your business will be out of business.” Sa mga nakalipas na taon nang magsimulang umusbong ang social media, naging paboritong paraan na sa merkado at ng mga negosyante ang paggamit nito para sa paglago ng kanilang negosyo. Mala-king papel ang ginagampanan nito sa komunikasyon ng mga negosyante sa kanilang mga kliyente kung kaya’t nilulubos nila ang mga bagay at malaking kapakinabangan nito.
Base sa Statista.com, ang social media na Facebook ang kauna-unahang social network na nalagpasan ang isang bilyong nag-sign up ng mga rehistradong accounts at kasalukuyang may 2.2 bilyong aktibong gumagamit kada buwan. Sa likod ng mga naglalakihang numero na ito ay ang reyalisasyon na ang social networking site katulad ng Facebook ay isa sa mga pinaka-epektibong plataporma upang makakalap ng mga kustomer lalo na sa mga kabataan o tinatawag din na “tomorrow’s consumers” na karaniwang naglalaan ng humigit kumulang siyam na oras sa social platforms sa loob ng isang araw.
Sa paggamit ng social networking sites maliban sa pagsi-share ng mga larawan o opinyon at pakikipag-usap sa mga kaibigan, naroon din ang maraming posibilidad na maaaring subukan ng mga negosyante na makakatulong sa pagpapalaganap ng impormasyon o pag-imporma sa masa tungkol sa kanilang produkto o serbisyo upang ito’y subukan, at sa kalaunan ay tangkilikin. Ilan sa mga ito ay kung imposible man sa ibang plataporma ay mayroon lamang mas mababang tyansang maging epektibo kumpara sa paggamit ng social media.
MGA EPEKTIBONG SOCIAL TRENDS
PERSONALIZED CONTENT. Malaking hamon ang pagkakaroon ng personalized content online at mas lalong hamon ang pagsasa-publiko nito. Ang mga konsyumer na makakakita ng naisa-publiko mong deskripsyon tungkol sa iyong produkto o serbisyo ay dapat makapagbigay ng magandang impresyon sa unang tingin. Ito ay hindi kasing-simple ng pagkakaroon ng display sa social media kung ‘di ay para sa mga posibleng makuhang benepisyo para sa iyong negosyo na maidudulot ng magandang tugon ng online community.
Kung nais ng isang negos-yante ang umangat sa merkado sa pamamagitan ng social media trends, isang mabisang paraan na dapat gawin ay ang paghatid ng natatanging konsepto tungkol sa iyong produkto o serbisyo upang mabilis itong maka-konekta at maka-akit ng mga kustomer. Kung hindi nito tinataglay ang mga katangiang nabanggit ay may posibilidad na mawalan ng interes ang mga posibleng maging kustomer.
LIVE VIDEO STREAMING. Kung batid ng isang negosyante ang social networking site kung saan mas marami ang naaabot niyang konsyumer sa pamamagitan ng kanyang online content, maiging bigyan din ng pansin ang ibang sites kung saan maaaring pang makalakap ng mga posibleng konsyumer ng produkto o serbisyo.
Sa ganitong paraan papasok ang tinatawag na social media overlapping kung saan katulad ng Facebook, Instagram, Snapchat, at WhatsApp ay may feature na maaaring makapag-live video nang magkasabay upang ma-engage ang maraming tao kung mayroon mang mahalagang pangyayari kaugnay ng iyong negosyo.
Sa kabila ng pagkakaroon ng iisang mensahe ng videona ipinapakita sa madla, ang pumapasok naman na pagkakaiba ay ang dami ng taong naaabot nito gayundin ang interaksyon sa iyong live video.
Ayon sa mga gumagamit ng social media trend na ito, ang Instagram ang pinaka-epektibong site upang mag-live video na may sampung porsyento ang lamang ng viewership kumpara sa ibang social networking sites.
Sa kabilang banda nama’y nakakatanggap ng epektibong tugon ang Facebook pagdating sa video content. Dito ay maaaring makita ang mga taong nagku-komento, namamahagi at nagugustuhan ang bidyo mo. At habang dumadami ang mga taong gumagawa nito ay siya ding pagsikat at paglabas nito sa newsfeed ng iba.
SOCIAL LISTENING. Sa pamamagitan ng web mo-nitoring, ang mga datos na makakalap mula sa online content ng iyong negosyo ay maaaring magamit upang malaman kung sino ang mga social media users na nagkaroon ng interaksyon sa iyong content dahilan para maging epektibong simulan ang pakikipag-ugnayan sa kanila.
Malaki ang posibilidad na umangat ang pagkaka-kilanlan ng iyong negosyo sa online community dahil dadami ang mga tao na babanggitin ang iyong negosyo sa kanilang mga usapan. Ang pagiging magiliw sa pakikipag-usap sa mga kustomer at maluwag na pagtanggap ng mga rekomendasyon at suhestyon ay isa rin sa mga susi ng pagtatak ng iyong negosyo sa mga tao.
LEVERAGING INFLUEN-CERS. Isa pa sa social media trends na may positibong epekto sa isang negosyo ay ang mga personalidad na kinukuha ng isang kompanya. Mapa-bloggers, video creators, o digital brands, maaaring makipagtulungan sa kanila ang isang negosyanteng nagnanais ng epektibong online content.
Marami na’ng kompanyang nagsimulang isagawa ang social media trend na ito sa pamamagitan ng micro influencers upang mapataas hindi lamang ang kanilang benta kundi maging an kanilang kredibilidad.
Ang isang micro influencer ay isang tao na hindi nasa larangan ng show business pero maraming tao ang nakakakilala. Maaaring sila ay fashion o travel bloggers at iba pa. Ang kanilang mga taga-hanga ay malaki ang kasiguraduhang susubukan ang mga produkto o serbisyong niri-rekomenda nila.
Minsan ay hindi kailangang magbayad ng isang negosyante sa micro influencers bagkus ay binibigyan nila ito ng mga libreng produkto o serbisyo kapalit ng pag-endorso ng mga ito.
HAMON NG SOCIAL MEDIA TRENDS
Habang patuloy na sumasailalim sa pagbabago ang mga social networking sites ay ganun din naman ang mga platapormang nakapaloob dito na pinapaunlad para mas lalong umayon at matugunan ang mga panga-ngailangan ng mga nego-syante at kustomer.
Ang mga datos na maku-kolekta ng mga namamahala sa pag-promote ng iyong negosyo ay may malaking ambag sa pagpapabuti pa ng iyong online content. Kung ang isang negosyante katuwang ang mga katulong niya sa pamamahala ay magiging maparaan at malikhain sa pagpapaunlad ng content distri-buting ay tiyak na unti-unting magiging susi ang mga ito sa pagtuklas ng mga mabisang marketing tricks.
Para sa mga kompanya o maliit na negosyong siguradong makikisabay o susubukan pa lamang ang todong pag-utilize ng social media para makakuha ng malawakang konsumer, ang positibong resulta ng mga gagawing investment ay asahang may magandang bawi sa negosyo.
Ilan sa mga social media sites na katulad ng Facebook na maaaring makapagbigay ng malaking tulong sa pag-promote ng iyong negosyo ay Twitter, Instagram, Snapchat, Carousell, Pinterest at marami pang iba.