ADMAR VILANDO
IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa sa mga police regional office na magsumite ng kanilang top 10 list ng high value targets na sangkot sa iligal na droga.
Sinabi ni Gamboa na magkakaroon ng mas pinaigting na intelligence-driven anti-illegal drugs campaign ang PNP laban sa mga upper at middle-level high value targets na sangkot sa trafficking ng illegal drugs na may bigat na limampung kilo pataas.
Ayon kay Gamboa, maraming high-value targets ang minomonitor ngayon ng pambansang pulisya.
Samantala muling hihigpitan ng ahensya ang timbang ng mga pulis sa pagpasok ng taong 2020.
Ayon kay PNP-OIC Police Lieutenant General Archie Gamboa, may bagong alituntunin na ipapatupad kung saan oobligahin ang lahat ng PNP personnel para sundin ang kanilang tamang Body Mass Index (BMI).
Nais nito na maging concious sa kanilang timbang ang mga pulis.
Importante din aniya na naipapakita ng mga awtoridad na sila ay responsable sa kanilang pangangatawan at kalusugan.
Maging si Gamboa ay aminadong nadagdagan ang kaniyang timbang sa nagdaang holiday season ngunit iginiit nito na kaya niyang maabot ang kanyang BMI.
Sakop ng kautusan mula sa itaas hanggang sa pinakamababang miyembro ng PNP.