Hinikayat ni Sen. Francis Chiz Escudeo si Commissioner Nicanor Faeldon ng Bureau of Customs na pangalanan ang mga mababats na sinasabi nitong nakikialam sa operasyon ng ahensya hanggang sap unto ng promotions ng mga empleyado.
Matatandaang sinabi ni Faeldon na may mga mababatas na naghihingi sa kanya ng pabor na kapag hindi napagbigyan ay magagalit pa.
Ngunit ayon kay Sen. Escudero dapat ay pangalanan nya ang mga sinasabi nitong mambabatas at sampahan agad ng kaso kung inaakala nitong ito’y korapsyon.
Bagay naman na sinusugan ni Sen. Sonny Angara na dapat ay i-expose ni Faeldon ang mga sinsabi nitong mga mambabatas na humihingi ng ilegal na pabor sakanya sa BOC.
Para naman kay Sen. Tito Sotto, ang isyu ay ang pagpasok ng P6.4 bilyon shabu mula sa China na nasabat sa Valenzuela City.
Dagda pa ni Sen. Sotto hindi naman ang mga mambabatas na tinutukoy ni Faeldon ang nagpapalakad ng BOC para sabihin ang korapsyon ay laganap pa rin sa loob ng ahensya.
Nangako naman ang senado na tutugunan nila sa gagawing budget deliberation ang hiling ng BOC na magkaroon ng karagdagang xray machine.