• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Saturday - April 17, 2021
tight weight loss pills k3 diet pills once a day diet pills where to buy fastin diet pills fen phen diet pills for sale keto friendly pasta sauce oxyelite pro diet pills review hummus keto friendly sensa diet pills reviews over the counter diet pills that suppress appetite rapid weight loss pills organic keto meal delivery 2000 calorie keto meal plan cvs pharmacy diet pills do lipozene diet pills work mediterranean diet macros tight diet pills orovo diet pills medical weight loss center in phoenix arizona mango diet pills

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

fx iii plus male enhancement pill.

do male enhancement pills cause premature ejaculation

natural male enhancement pistachios.

male enhancement pills private label maker california

neproxen male enhancement.

reviews for epic male enhancement.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

g6 male enhancement

free trial male enhancement

male enhancement creams

male nipple enhancement

black mamba male enhancement pill

triple x male enhancement

viagra substitute cvs

virectin gnc

revatio rxlist

prosolution plus pills cheap ebay

power testro gnc

semenax gnc

blue pill male enhancement

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Bong Go

Sen. Richard Gordon, tumanggi na mag-sponsor sa panukalang death penalty

July 16, 2019 by PINAS

 

SMNI NEWS

 

TUMANGGI si Sen. Richard Gordon na isponsoran ang panukalang batas na muling buhayin ang death penalty o parusang kamatayan.

 

Binigyang diin ni Gordon na hindi siya mag-sponsor at depensahan ang panukala kahit maaprubahan ito ng Senate Committee on Justice na kaniyang pinamumunuan.

Sa ngayon ay apat na senador ang naghain ng panukalang pagbuhay sa death penalty para sa illegal drugs, plunder at iba pang krimen.

Kabilang dito sina Senators Manny Pacquiao, Ronald “Bato” Dela Rosa, Bong Go at Panfilo Lacson.

Maging si Senador Sherwin Gatchalian ay nagpahayag din ng kahandaan na maghain ng panukalang buhayin ang death penalty.

National Ticker Bong Go Panfilo Lacson Sen. Richard Gordon Senador Sherwin Gatchalian Senate Committee on Justice Senators Manny Pacquiao

Robin Padilla, pinabulaanan ang mga akusasyon

June 3, 2019 by PINAS

SMNI NEWS

MATAPOS ang ilang buwang pananahimik, pi­nalagan na ng action star na si Robin Padilla ang mga akusasyon laban sa kaniya kaugnay ng 2019 midterm elections.

Nagsalita na ang Bad Boy of Philippine Movies tungkol sa mga paratang sa kaniya na pera at personal na interes ang nagtulak sa kaniya para iendorso ang ilang kandidato nitong nagdaang eleksyon.

Sabi ni Robin, pagmamahal sa bayan, sariling prinsipyo at paniniwala ang nag-udyok sa kaniya upang maglaan ng panahon na suportahan ang ilang kandidato noong eleksyon.

Giit pa nito, boluntaryo ang kaniyang ginawa at kailanman ay hindi na­ging dahilan ang pera, personal na interest at paninira kundi para aniya ito sa katotohanan lamang.

Humingi rin ng tawad ang aktor sa lahat ng kaniyang nakaalitan dahil sa pagkakaiba ng panini­wala sa politika.

Kasunod ito nanawagan si Robin sa publiko na ngayong tapos na ang halalan ay isantabi na ang pulitika at magkaisa sa law and order.

Ilan sa sinuportahan ni Binoe sa pangangam­panya ay ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Bong Go at Bato Dela Rosa.

Showbiz Slider Ticker Bato dela Rosa Bong Go Pangulong Rodrigo Duterte PINAS Robin Padilla pinabulaanan ang mga akusasyon SMNI News

‘Duterte magic’ nanaig sa Halalan 2019

May 27, 2019 by PINAS

Si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga winning senatoriables ng PDP-Laban.

 

Ni: Quincy Joel V. cahilig

MATAGUMPAY at payapang naisagawa ang midterm elections nitong Mayo 13, bagama’t nagkaroon ng mga aberya sa ilang lugar at delay sa transmission ng mga resulta. Gayon pa man, nagampanan naman ng milyon-milyong botanteng Pilipino ang kanilang obligasyon at naipahayag ang kanilang boses sa pagpili ng mga senador at mga local government officials na maglilingkod sa bayan.

Ang 12 senador na nahalal ay yaong mga kaalyado ng kasalukuyang administrasyon. Marami ang naniniwala na ang pagkapanalo ng mga sinoportahang senatoriables ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ay patunay ng mataas na kumpiyansa ng mga Pinoy sa liderato ng Pa­ngulo at kagustuhang maipagpatuloy niya ang mga repormang isinusulong.

Ang mga naiproklamang senador na manunungkulan hanggang Hunyo 2025 ay ang mga re-electionists na sina Cynthia Villar, Grace Poe, Sonny Angara, Koko Pimentel, at Nancy Binay; mga nagbabalik-senado na sina Lito Lapid, Pia Cayetano, at Ramon Bong Revilla, Jr.; dating Ilocos Norte governor Imee Marcos, dating Metro Manila Development Authority chairman Francis Tolentino, former chief ng PNP at Bureau of Corrections Bato Dela Rosa, at ang former special assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go.

“The victory of the administration’s candidates and the shut-out of the Otso Diretso candidates sends a strong message that our people yearn for stability and continuity of the genuine reforms that the administration started. They yearn for a constructive – not obstructionist – Senate, which will help in crafting the President’s legislative agenda,” wika ni Salvador Panelo, spokesman ng Presidente.

Sa kabila ng maingay na pagbanat ng mga kandidato ng oposisyon sa iba’t-ibang mga isyu, tulad ng extra judicial killings, TRAIN Law, at West Philippine Sea tensions, kay Pangulong Duterte noong panahon ng kampanya, pinili pa rin ng majority ng mga botante ang 12 kandidato na susuporta sa legislative agenda ng Pangulo.

“Undoubtedly, the Duterte magic spelled the difference. The overwhelming majority of the electorate had responded to the call of the President to support those whom he said would help pass laws supportive of his goal to uplift the masses of our people and give them the comfortable lives they richly deserve,” wika ni Panelo.

Sa kabila nito in­ire­respeto pa rin umano ng administrasyon ang karapatan ng mga kritiko na maipahayag ang kanilang opinyon dahil pinalalakas nito ang demokrasya ng bansa. Subali’t ang kalooban pa rin ng mamamayan ang mananaig.

Ngayong tapos na ang halalan, nanawagan ang Malacañang ng suporta at pagkakaisa para sa patuloy na pag-unlad ng bansa.

“With the successful holding of the elections, we have demonstrated to the world that we have a great order for demo­cracy that can rise above the loud political noise,” wika ni Panelo. “We only have one government and one nation. Together, let us support it for the betterment of the Philippines that we all love.”

HINDI MAGIGING RUBBER-STAMP 

Siniguro ni Senate President Vicente Sotto na magiging independent ang Senado sa kabila ng pagdami ng kaalyado dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Tiniyak naman ni Se­nate President Vicente Sotto III na pananatilihin ng Senado ang independence nito sa kabila ng pagdami ng kaalyado ng administrasyong Duterte sa Senado.

Ito ay sa gitna ng p­angamba ng marami na baka maging “rubber-stamp chamber” ang Senado, na aaprubahan ang anumang panukalang nais na maipatupad ng Malacañang.

Sa ilalim ng Saligang Batas, ang Senado ang isa sa tatlong sangay ng gobyerno na magsisiguro ng balanse ng kapangyarihan sa pamamagitan ng checks and balances.  Bukod sa paglikha ng mga batas, may kapangyarihan ang Senado na siguruhing patas ang pagbubuwis, magsagawa ng mga investigation kontra katiwalian, i-mo­nitor ang policies, actions, at programs ng executive branch, at aprubahan ang mga international treaties na nilalagdaan ng pamahalaan.

Binigyang diin ni Sotto na mananatiling transparent, sincere, at independent ang Senado sa 18th Congress.
“I really doubt it. I se­riously doubt it will happen. First of all, ang lea­dership hindi kapartido ng Presidente. We would like to maintain, and if our leadership is retained, an independent, transpa­rent and sincere Senate, like what we had done in the 17th Congress,” sabi ni Sotto.

PET BILLS DI BASTA-BASTA IPAPASA 

Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

 

Sinegundahan ni Se­nate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang paha­yag ng Senate president. Aniya, dadaan pa rin sa pagsusuri ng Senado ang mga pet bills ng admi­nistrasyon.

“When we see an admi­nistration-led measure that is good for the people then we support it, but if we see it needs further study and debate then we won’t force it or rush into it,” Zubiri added.

Ilan sa mga inaasahang tatalakayin sa Senado sa 18th Congress ay ang divorce, death penalty, federalism, Trabaho Bill (Train 2), at PH-China joint exploration sa West Philippine Sea. Naunang ipinahayag ng kampo ng Pangulo ang kagustuhan na maipatupad ang mga naturang measures.

Mariing pinunto ni Sotto na ipapasa ng Senado ang mga panukala base sa kanilang merits at hindi dahil sa inindorso ang mga ito ng Pangulo.

“Kung, let’s say sabihin mo na dahil gusto ng Presidente ganito, ganitong batas, kung talagang mabuti naman at maganda, bakit hindi? Pero kung ipipilit lang na alam namin makakasama, I doubt kung papasa sa amin. Dahil sa Senate hindi ka puwede mag-ram through like for example sa House (of Representatives),” wika ng Pangulo ng Senado.

Samantala, sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, gagawin lahat ng mga kasapi ng kanyang bloc ang lahat upang bantayan ang independence ng Senado.

“But if the Senate becomes a rubber stamp, we assure our people that we will not be a part of it. That will be the decision of the majority,” ani Drilon.

“Having said that, I have no doubt that any reorganization in the Senate will need the President’s blessing,” dagdag niya.

Isang independent Se­nate din ang inaa­sahan ng Malacañang sa pagbubukas ng 18th Congress. At naniniwala ang administrasyong Duterte na gagawin ng mga senador kung ano ang tama at nararapat para sa bayan kahit ano pa man ang kanyang kinabibila­ngang partido.

“The history of the Senate shows members of that chamber independent ever since. No Senate has ever been under any President. They always rise above parties and considerations when issues involve national interest, national security, and the interest of the Filipino people,” wika ni Panelo.

Pambansa Slider Bato dela Rosa Bong Go Francis Tolentino Franklin Drilon Grace Poe Juan Miguel Zubiri Koko Pimentel Lito Lapid Nancy Binay Otso Diretso Panglulong Rodrigo Duterte Pia Cayetano PINAS Presidential Spokesman Salvador Panelo Quincy Joel V. Cahilig Ramon Bong Revilla Jr. Sen. Cynthia Villar Senate President Vicente Sotto III sonny angara

Bakit Natalo ang Ocho Derecho: Isang Paglalagom

May 20, 2019 by PINAS

SA katatapos na midterm elections ay namayani halos ang mga kandidato sa pagka-­senador na inendorso ni Pa­ngulong Duterte na pawang mga miyembro ng Partido ng Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban) at ng rehiyonal na partidong Hugpong ng Pagbabago (HnP) na pinamumunuan naman ng anak ng presidente na si Sara Duterte-Carpio.

Ang lahat ng kandidato ng koalisyon ng oposisyon na Ocho Derecho ay nabigo na makasungkit maski na isang puwesto sa mataas na kamara.

Bagamat ang resultang ito ay hindi na isang sorpresa at inaasahang talagang magi­ging matinik at mahirap ang daan tungo sa tagumpay para sa Ocho Derecho, batay sa mga nakaraang survey ng mga polling organization na Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia, na nagpakita na karamihan sa kanila ay wala sa Magic 12 maliban kay Bam Aquino at Mar Roxas, itinu­ring na mayroong posibilidad na makapasok and ilan sa kanila sa 12 na puwesto. Su­balit pagkatapos ng bilangan ay nakapagtataka na maski si Bam Aquino at Mar Roxas ay hindi rin nasama sa 12 na pinili ng taumbayan. Bakit nga ba hindi nagwagi maski isa man lamang sa kandidato sa pagka senador ng Ocho Derecho?

Sa aking palagay, may apat na kadahilanan kung bakit nabigo ang Ocho Derecho sa nakaraang midterm elections: 1) kakulangan sa makinaryang politikal, 2) hindi pag-abot sa masa, 3) kawalan ng pagkakataong makipag-alyado sa ibang partido at indepen­dyenteng mga kandidato, at 4) ang mataas na popularidad ni Pangulong Duterte.

Una, Kulang na kulang ang politikal at pinansyal na makinarya ng Ocho Derecho kung kaya’t mayroong mga lugar na malalayo na maaring ni hindi na nila narating, dagdag pa rito ang kakulangan sa pondo para sa pangangampanya dahil kaunti lamang ang gustong mag-contribute sa kanilang kampanya mula sa mga pribadong negosyo at iba pang sektor sa pangambang balikan sila ng administrasyon kung sakaling sumuporta sila dito.

Pangalawa, tila baga hindi nila napulsuhan o hindi sila napulsuhan ng masa lalong lalo na ang mga mahihirap mula sa socio-economic Class D at Class E, kung saan halos karamihan sa mga botante ay napapabilang. Maaring naisantabi nila ang isang kampanya na panalo sa masa at pinili ang isang kampanyang marangal, may prinsipyo at may mas mataas na diskurso na kung saan hindi naman maka-relate o maka-identify ang mga masa at mahihirap.

Pangatlo, maaari ring hindi sila naging bukas na maki­pagsanib puwersa sa ibang partido at ibang mga independent candidates na puwedeng humatak sa mga ibang kandidato na hindi sikat o popular sa taumbayan. Puwede rin sigurong nagtatag din sila ng isang opposition regional political party kasama ang iba pang kaalyadong oposisyon bilang sagot sa HnP para mapalawak pa ang poder ng kanilang mga tagasuporta lalong lalo na ng mga botante.

At ang pinakahuli, ang mataas na tiwala ng publiko kay Pangulong Duterte ang lalong nagpahirap sa kanila upang manalo. Matatandaan na ang mga kandidatong tahasang sinuportahan ng Pangulo na bagamat mga maituturing na bagito sa politika tulad nila, Bong Go, Ronald “Bato” dela Rosa, at Francis Tolentino ay malalaki ang nakuhang boto. Ang “Duterte Magic” ang nagdala sa kanila sa “Magic 12.”
Subalit natalo man ang Ocho Derecho sa halalan, ay dapat natin silang hangaan sa ipinamalas na tapang, talino, prinsipyo at kakayahan na mangampanya sa gitna ng pagsubok, upang mapatunayan lamang na buhay ang diwa ng demokrasya sa pamamagitan ng isang aktibong oposisyon na patuloy na nakikibahagi sa larangan ng halalan.

Natalo man sila sa bilangan, ay panalo pa rin sila sa pagpapatuloy ng diwa ng isang tunay na oposisyon na naghahangad ng kaunlaran na isa sa mga mahalagang sangkap sa pagtamo ng makatotohanang demokrasya.

Opinyon Bam Aquino Bong Go Francis Tolentino Mar Roxas Panglulong Rodrigo Duterte PINAS Ronald “Bato” dela Rosa Sara Duterte Social Weather Stations (SWS)

Multibillion Public Works contracts ng Constraction firm ng pamilya ni Bong Go, iimbestigahan sa Senado

September 13, 2018 by Pinas News

Ticker Videos Bong Go Multibillion Public Works contracts Senado

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.