• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - January 20, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Unang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Boracay

PH tourist destinations, tuloy ang malawakang rehab 

January 24, 2019 by Pinas News

MULA sa kanan: El Nido Mayor Nieves Rosento, DILG Sec. Eduardo Año, DOT Sec. Bernadette Romulo Puyat, at DENR Sec. Roy Cimatu sa kanilang site inspection ng easement zone compliance sa El Nido.

 

Ni: Quincy Cahilig

ANG turismo ay isa sa mga industriyang nagpapasigla sa ekonomiya ng Pilipinas. Noong 2017, nakapag-ambag ito ng 12.7 porsyento sa gross domestic product (GDP) ng bansa bunsod ng pagdagsa dito ng nasa 6.6 milyong mga turista.

Batay sa 2018 World Travel & Tourism Council (WTTC) Power and Performance Report, ika-13 ang Pilipinas sa top 15 tourism powerhouses na nakapagtala ng “absolute growth” mula 2011 hanggang 2017. Ito’y nangangahulugan din ang patuloy na pagdami ng business and livelihood opportunities sa bansa bunsod ng masiglang industriya ng tursimo dala ng mga magagandang tanawing biyaya ng kalikasan sa mga Pinoy.

Subali’t sa paglipas ng mga panahon, dahil sa kapabayaan at pang-aabuso sa kalikasan, unti-unting nasisira ang ganda ng mga pangunahing tourist destination sa ating bansa. Na sa paglaon ay maaring makapagpatamlay na rin sa turismo at sa environment quality ng mga lugar na kinagigiliwan ngayon ng ating mga bisita.

Isang halimbawa ang pamoso sa buong mundo na Isla ng Boracay, na minsang tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “cesspool.” Ipinasara ito ng anim na buwan at malawakang rehabilitasyon ang isinagawa doon.

Sa pamamagitan ng “political will,” naisagawa ang rehabilitasyon ng Boracay. Tinanggal ang mga illegal na istruktura, isinaayos ang mga drainage at mahigpit na ipinatupad ang water treatment measures;  muling nanumbalik ang ganda ng isla, na tanyag sa mala-pulbos na buhangin at malinaw na karagatan. Binuksan muli ito sa mga turista noong Oktubre 2018.

TARGET ng pamahalaan na i-rehabilitate ang Lungsod ng Baguio upang mapanumbalik ang dating ganda nito na dinadayo ng mga bakasyunista. Dahil sa overcrowding at pollution, unti-unting kumupas ang alindog ng sikat na tourist spot sa Northern Luzon.

 

Ibang tourist spots isusunod na 

Ang rehabilitasyon ng Boracay ay bahagi ng mga pagbabagong nais isulong ng Pangulo at kanyang ipinangako sa bayan. Isa sa mga pagbabagong ito ay ang pag-una at masusing pangangalaga ng kalikasan.

SA kanyang mensahe sa Barangay Summit on Peace and Order sa Pasay City, binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga hotel sa paligid ng Manila Bay na maglagay ng wastong waste water treatment facility. Kung hindi ay ipapasara niya ang mga ito.

 

“Environmental protection and ensuring the health of our people cannot be overemphasized. Thus, our actions in Boracay marked the beginning of a new national effort. What has happened to Boracay is just an indication of the long overdue need to rationalize a holistic and sustainable manner, the utilization management and development of our lands,” pahayag ni Duterte sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address.

Pagkatapos ng Boracay, isusunod ang rehabilitasyon ng iba pang mga pangunahing tourist spots tulad ng El Nido, Palawan, Baguio City, at Manila Bay.

Dagat sa El Nido off limits pansamantala 

Bago magtapos ang 2018, inatasan ni Environment Secretary Roy Cimatu ang municipal government ng El Nido na isagawa agad ang rehabilitasyon ng kanilang lugar.

“We will give you six months to rehabilitate El Nido,” sinabi ni Cimatu kay Mayor Nieves Rosento sa kanilang site inspection sa Barangay Masagana.

Bagama’t hindi lubusang isasara ang El Nido tulad ng Boracay, mahigpit na ipagbabawal naman ang paglangoy sa dagat dito dahil nakitaan ito ng mataas na antas ng fecal coliform bacteria na 1,300 parts per million (ppm), dahil dumidiretso sa dagat ang ilang linya ng sewerage system sa Isla.

“Kapag bumaba na sa 100 ppm saka lamang papayagan muli ang swimming sa dagat nito. Lalagyan ng marker sa baybay dagat na “off limits” doon, sabi ni Cimatu.

Sa loob ng anim na buwan, itatayo ang ikalawang sewage treatment plant sa El Nido. Lilimitahan din ang bilang ng mga turistang papayagang bumisita roon.

“Baka mas marami pang pumunta dito sa El Nido kapag nakitang malinis na ang beach area at malapad ang beach,” wika ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Base sa tala ng municipal tourism office, nasa 103,301 ang mga turista na bumisita sa El Nido noong Nobyembre 27, 2018.

Manila Bay, napipinto ang paglinis 

Samantala, target din ng pamahalaan na linisin ang Manila Bay, na kilala sa buong mundo sa nakabibighaning sunset. Ngunit kung nais mong saksihan ang paglubog ng araw dito, di mo maiiwasang makita at maamoy ang mga basura at sari-saring duming lumulutang sa karagatan.

Kamakailan inatasan ng Pangulo sina Cimatu at Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na umpisahan nang linisin ang Manila Bay. Kasama ang babala sa mga hotel sa paligid nito na maglagay ng wastong water treatment facility kung hindi ay ipasasara niya ang mga ito.

“Put water treatment [facilities] in your hotels or else I will close you. Do not dare me,” wika ni Duterte sa Barangay Summit on Peace and Order sa Pasay City.  “If there are no tourists, then so be it. We will not die. You do something about your waste there or otherwise I will close it. That’s for sure.”

Subali’t aminado ang DENR na hindi magiging madali ang paglinis ng Manila Bay dahil sa lawak nito at sa dami ng pinanggagalingan ng polusyon na nagpapadumi nito.

“Although Manila Bay is known for having one of the most beautiful sunsets, its waters are considered the most polluted in the country due to domestic sewage, toxic industrial effluents from factories and shipping operations and leachate from garbage dumps, among others,” pahayag ng DENR.

Malaking hamon ang paglinis ng Manila Bay kaya ito ay pagtutulungan ng mga departamento ng gobyerno kabilang ang agriculture, public works, interior, education, health at budget; kasama ang   Metropolitan Waterworks and Sewerage System, Local Water Utilities Administration, Metropolitan Manila Development Authority, Philippine Coast Guard, Philippine National Police-Maritime Group at ang Philippine Ports Authority.

“Obviously the President was very receptive and happy to assist in whatever way he can towards the achievement of the Manila Bay rehab. Of course, it takes a lot of effort but if the national government is fully behind like what we saw in Boracay, nothing is impossible,” wika ni Juan Miguel T. Cuna, DENR Undersecretary for field operations.

Magandang simoy ng hangin sa Baguio, ibabalik 

Popular na bakasyunan ang Baguio City dahil sa lamig ng klima dito at ang ganda ng mga tanawin. Sabi nga ng kanta ng Juan Dela Cruz Band, ito ang lugar na pupuntahan upang “magpalamig ng ulo.” Ngunit sa kalagayan ng Baguio ngayon, umiinit na ang ulo ng mga nagtutungo doon dahil sa overcrowding, pollution, at trapik. Hindi na rin nalalanghap ang simoy ng mga pine tree.

Kaya panawagan ng maraming residente, i-rehabilitate ang Baguio gaya ng Boracay. Bagay na suportado naman ng DENR.

“We will gladly be with you and give technical support and advice based on our experiences so as to save Baguio,” wika ni Cimatu na aminadong nawala na ang dating ganda nito.

“Pag akyat mo sa Baguio, kita mo na talaga ang maraming gusali na itinayo sa no build zone, maraming areas na hindi gumagana nang maayos ang sewerage system, yung inyo yatang basura dinadala pa sa Tarlac, so these are the things na pwedeng maayos,” ani Cimatu.

Pabor sa rehab, hindi sa closure 

Sa pagrehab ng mga tourist spots, gaya ng nangyari sa Boracay, maraming kabuhayan ang matatamaan. Kaya ang panawagan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) huwag sanang shutdown ang ipatupad.

Ayon kay PCCI President Alegria Sibal-Limjoco, suportado ng kanilang grupo ang ginagawa ng gobyerno na preservation ng kalikasan pero sana gawin ang rehabilitasyon ng tourist destinations ng unti-unti o in phases imbes na closure, gaya ng ipinatupad sa Boracay

“Our position is do it in phases. We are saying, let’s also be inclusive — bring in all stakeholders in planning the rehabilitation,” dagdag ni Limjoco.

Paliwanag niya, naapektohan ng complete shutdown sa Boracay ang maraming negosyo doon at marami rin ang nahihirapan na maibalik sa dating sigla ang kanilang mga kabuhayan.

“PCCI also urges concerned LGUs (local government units) not to wait for the national government’s intervention but rather be more proactive in identifying and cleaning up their respective illegal waste disposal and sewer issues,” binigyang diin ng grupo.

Pambansa Slider Ticker Baguio Barangay Masagana Boracay El Nido gross domestic product (GDP) Juan Miguel T. Cuna Local Government Secretary Eduardo Año Manila Bay Mayor Nieves Rosento Palawan Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) PINAS Quincy Cahilig Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat World Travel & Tourism Council (WTTC)

Christian Tio: Kiteboarding Wonder

October 31, 2018 by Pinas News

Matapos ang pagkapanalo ng silver medal sa 2018 Youth Olympic Games, target ni Christian Tio, 17, ang pagkamit ng karangalan para sa bansa sa kiteboarding event sa 2024 Summer Olympic Games sa Paris.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig

ANG Boracay ay tunay na ipinagmamalaki ng ating bansa sa buong mundo dahil sa angking kagandahan nito mula sa mala-pulbos na mga buhangin at mala-kristal na dagat, kaya naman gayon na lang ang pananabik ng mga lokal at dayuhang turista na masilayan ang naturang paraisong isla.

Nguni’t ngayon ay may isa pang maipagmamalaki ang Boracay dahil dito nagmula ang pinakabagong “Pinoy pride” na nakakuha ng kauna-unahang medalya para sa bansa kamakailan sa 2018 Youth Olympic Games (YOG) sa Buenos Aires, Argentina.

Siya si Christian Tio, ang 17 anyos na nakasungkit ng silver medal sa men’s kiteboarding IKA Twin Tip Racing na event.

Si Christian Tio sa 2018 Youth Olympic Games Qualifier-Asia & Oceania sa Thailand. 

 

PRIDE OF BORACAY

Ipinanganak at lumaki si Tio sa isla ng Boracay. Nagsimula siyang mag-kiteboarding sa murang edad na 7, sa gabay ng kanyang yumaong ama na isang Norwegian at Pinay na nanay, na may negosyong stakehouse sa popular na tourist spot.

“It was my mother Liezle who introduced me to the sport because I was never outside the house. She wanted me to go out,” ibinahagi ni Tio.

Magmula noon ay na-in love na siya sa kiteboarding at araw-araw siyang naging laman ng dagat para sa training, kahit na siya ay pumapasok sa eskwelahan.

Sampung taong gulang siya nang unang sumabak sa kumpetisyon bilang isang propesyonal sa KTA Asian Kiteboard Championship Tour, kung saan mas matanda sa kanya ang kanyang mga nakatunggali. Nguni’t nangulelat siya sa torneyo at natusok pa ng jellyfish.

Sa kabila nito ay naging mas agresibo siya sa kanyang training sa kiteboarding legend na si Khristopher Ken Nacor, na kanyang kamag-anak. Sa kalauna’y nagbunga ang kanyang pagsusumikap at natamo niya ang world #2 rank sa Junior Men’s division.

Taong 2014, sunod-sunod na ang pamamayagpag niya sa mga kumpetisyon at umangat ang kanyang pangalan sa mundo ng sports nang mag-first place siya sa Kiteboarding Tour Asia sa Taiwan, at second place sa U15 Men’s Freestyle: Junior Virgin Kitesurfing World Championships sa Sant Pere Pescador, Spain.

Sinundan ang mga tagumpay na ito ng first place sa Men’s Freestyle Open: ICTSI Philippine Kiteboarding Tour, at second place sa U15 Men’s Freestyle: Junior Virgin Kitesurfing World Championships sa Costa Brava, Spain noong 2015. Nag-first place naman siya sa Freestyle category ng 2nd Leg ng Philippine Kiteboarding Tour noong 2016. At nakapasok sya sa YOG qualifiers sa Thailand nitong Marso.

Nakuha ni Deury Corniel ng Dominican Republic ang gold medal samantalang nag-tie naman sina Toni Vodisek ng Slovenia at Christian Tio ng Pilipinas para sa silver medal sa men’s kiteboarding IKA Twin Tip Racing sa 2018 Youth Olympic Games sa Argentina.

 

PURSIGIDONG MAKAMIT ANG PANGARAP

Aminado si Tio na medyo naapektohan din ang kanyang paghahanda sa mga competitions ng anim na buwang pagpapasara sa isla ng Boracay upang bigyang daan ang rehabilitasyon nito. Dahil ipinagbawal ang paglusong sa dagat, kinailangan niyang mag-eensayo sa iba’t-ibang lugar gaya ng Caliraya, Laguna; Thailand, Spain, at South America. Sa Dominican Republic naman nagsanay naman si Tio para sa YOG ngayong taon.

Matapos mapanalunan ang silver medal sa YOG, tinatarget na ngayon ni Tio na sungkitin ang mailap na unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics. Nguni’t kailangan pa niyang maghintay ng ilan pang taon.

“In 2020 (Tokyo Olympics), we don’t have it. But we’ll have it in 2024 in Paris. I have six years to prepare. I’d be 23 or 24 then,” sabi ni Tio, na makakatanggap ng P2.5 million cash incentive mula sa Philippine Sports Commission.

Habang hinihintay niya ang tamang panahon, pagsisikapan aniyang mas iangat pa ang kanyang husay sa kaniyang sport. Kasabay nito ang paghimok sa mga Pilipino, lalo na sa mga kabataang gaya niya na sumabak sa kiteboarding dahil malaki umano ang potential ng Pinoy na mag-excel dito.

“I hope they will. We have so many islands. We can kite in them,” wika ni Tio.

Slider Sports Ticker 2018 Youth Olympic Games (YOG) Boracay Buenos Aires Argentina ICTSI Philippine Kiteboarding Tour Junior Virgin Kitesurfing World Championships KTA Asian Kiteboard Championship Tour Paris Philippine Sports Commission Sant Pere Pescador Spain

Boracay: Nakahanda na ba sa muling pagbubukas?

October 15, 2018 by Pinas News

Ni: Melody Nuñez

NAKATAKDANG magbukas muli ang Isla ng Boracay sa Oktubre 26 matapos ang anim na buwang rehabilitasyon nito.

Ngunit nakahanda na nga ba itong tumanggap ng libu-libong turista?

Isang linggo na lamang ang nalalabi bago magbukas ang world-famous tourist destination ngunit maraming bahagi pa rin sa naturang isla ay sumailalim pa sa road construction at malayo ito sa katotohanang matapos bago ang muling pagbukas nito.

Kung titingnan ang main road matatagpuan ang magkabilaang hukay habang inihandang iluklok ang malalaking drain pipes sa lugar.

Nariyan ang maiingay na jackhammer na bumabasag sa konkretong daan para sa karagdagang road improvements ng isla.

Nariyan din ang naglalakihang backhoes na nakatambay sa maputik na bahagi ng kalsada habang sa ibang lugar naman ay hindi maaaring madaanan dahil sa malawakang paghuhukay.

Unti-unti na ring bumalik sa dating kagandahan ang karagatan sa dalampasigan ng isla na kung pagmamasdan mo ay mabubura sa isip ang magulo, maputik at maingay na kalsada.

Bumaba na sa below 400mpn (Most Probable Number) per 100 millimeters maximum tolerable level ang coliform levels ng white beach front ayon sa Department of Environment at sa huling pagsusuri ay hindi na ito humigit pa sa 20mpn per 100 millimeters.

Matatandaang tinawag noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na cesspool ang tourism island dahil sa mataas na lebel ng coliform nito.

Sana sa ginawang pagsisikap ng pamahalaan na maibalik ang kagandahan ng isla ay mas lalong magkaroon ng disiplina ang mga mamamayan rito.

Kailangan ng mga mamamayan mula sa mga turista, manggagawa, residente na mapanatili nila ang kalinisan at kaayusan sa paligid upang patuloy na mapakinabangan ang isla habang napananatili rito ang kagandahan ng lugar.

Sa kabila ng marami pang kailangang ayusin sa isla ay nakahanda na itong tumanggap ng local at foreign tourist dahil may 25 hotels and resorts na accredited na ng Department of Tourism (DOT) at maaari nang magbukas ang mga ito sa Oktubre 26 na tinatayang may 2, 063 bilang ng mga room.

Plano rin ng lokal na pamahalaan na limitahin ang bilang ng mga papasok na mga turista sa isla. Ayon sa DENR, may kapasidad ang Boracay na makapagsuporta ng mahigit 19, 000 na turista kada araw at nasa 6, 405 lamang ang kinakailangang daily arrivals nito.

Dahil dito ay malilimita ang lebel ng polusyon at hindi makararanas ng mataas na lebel na pagbabago.

Ngunit hanggang kailan din kaya mapananatili ang ganitong patakaran sa tourism island? Sana ay hindi hanggang sa pasimula lang ngunit gawin itong batas na susundin ng mga lokal mula sa pamahalaan hanggang sa mga nasasakupan nito.

Editorial Slider Ticker Boracay DENR Department of Tourism (DOT) Melody Nuñez Pangulong Rodrigo Duterte

Bora’ Balik-Ganda na

September 5, 2018 by Pinas News

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

Matatandaang inilarawan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na mala-cesspool o parang poso-negro ang kalagayan ng isla ng Boracay sa unang bahagi ng 2018. Noon nabunyag sa publiko na kalunos-lunos na pala ang kalagayan ng kalikasan sa top tourist destination ng Pilipinas.

Dahil dito, minabuti ng Pangulo na ipasara ang isla noong Abril 26 upang bigyang daan ang rehabilitasyon nito, batay sa rekomendasyon ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF), na binubuo ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DOT), at Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ito ay sa kabila ng pangambang maapektuhan nito ang malaking kita ng turismo ng bansa, na isa sa mga nagpapatatag ng ekonomiya.

Kung ang mga Pinoy ay nag-e-effort sa pagba-balik-alindog upang maibalik ang dating pigura at ganda ng kanilang pisikal na kaanyuan, nag todo effort din ang pamahalaan na ibalik ang dating alindog ng isla na minsang binansagang “World’s Best Island.”

 

Giniba ang mga iligal na istruktura sa Boracay upang mapanatili ang kaayusan sa dalampasigan

Sa paglilinis at pagsasaayos ng Boracay, natuklasan din ng BIATF ang mga malalaking problema ng isla tulad ng garbage disposal, sewerage defects, at illegal wastewater dumping na matagal na panahong hindi naaksyonan. Tumambad din sa mga awtoridad ang mga isyu ng pagbaha, encroachment sa mga forestlands, missing wetlands, overpopulation, paglaganap ng algal bloom, at mga land disputes.

Batay sa report ng DENR Task Force Boracay, ang fecal coliform count sa isa mga drainages sa Boracay ay umabot sa 62,700 most probable number (MPN)/100mL, na higit na mataas sa standard na 400 MPN/100mL. Ibig sabihin, napakadumi na nga ng dagat doon. Kaya minabuti ng DENR na makipagtulungan sa iba’t ibang stakeholders at sa Boracay Island Water Company at Boracay Tubi System Incorporated upang lutasin ang seryosong problemang ito.

“We have already changed our strategies. We looked at both the sewage and the drainage lines. All wastewater, including rainwater, shall undergo treatment before being discharged into the sea,” ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, chairman ng BIATF.

Siniguro rin ng ahensya ang istriktong pagpapatupad ng solid waste management, kung saan ang mga basura ay hahakutin araw-araw at dadalhin sa sanitary landfill sa mainland Malay.  Kasama rin dito ang pagtutok sa operasyon ng Balabag at Yapac materials recovery facilities.

Bukod dito, ipinatigil ang mga iligal na konstruksyon at giniba ang mga istrukturang di awtorisado.  Pinagsabihan din ng DENR ang mga establisamiyento na lumalabag sa 25+5 meters easement regulation.

 

Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat

NEW AND IMPROVED BORACAY

Pagkatapos ng anim na buwang rehabilitasyon, nakatakda ang muling pagbubukas ng Boracay sa publiko sa Oktubre. Ayon sa BIATF asahan ang isang malinis at mas magandang Bora. Kamakailan nga ay ipinasilip ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa social media ang maaliwalas na dalampasigan ng isla.

Mabibigyan ang ilang turista ng pagkakataong maka-buena mano sa pagbabalik-alindog ng isla sa dry run na gaganapin mula ika-15 hanggang ika-25 ng Oktubre, bago ang soft opening ng Boracay sa ika-26.

“This will be open to local tourists, with Aklanons as priority, and allow us to assess what else needs to be done before the island is reopened to all tourists—both domestic and foreign—on October 26,” ayon sa pahayag ng BIATF.

Ayon kay Puyat, nasa 3,000 hanggang 5,000 mga kwarto ang matutuluyan ng mga mauunang turista. Samantalang ang papayagan lamang makapag-operate sa soft opening ay yaong mga “100 percent compliant” na mga establisamiyento.

Nguni’t pinaalalahanan ng BIATF ang publiko na hintayin muna ang ilalabas ng pamahalaan na listahan ng mga hotel at mga establisamiyentong awtorisadong magbukas bago magsagawa ng reserbasyon.

 

New and improved Boracay pagkatapos ang anim na buwang rehabilitasyon

PARTY-PARTY, BAWAL NA

Bago ang pagsasara ng isla, maliban sa mala-pulbos na buhangin at mala-crystal na tubig, dinadayo ang Boracay ng libu-libong mga lokal at dayuhang mga turista dahil sa mga beach parties dito na inaabot ng magdamagan.

Subali’t mukhang maraming party-goers ang maninibago’t madidismaya dahil bawal na ang ganitong aktibidad sa isla dahil nais ng DOT na gawing family friendly at normal na tourist destination, sa halip na isang party island, ang Boracay.

“It won’t really be a party place anymore. We want it to be as it is, more peaceful, and we want to promote sustainable tourism,” wika ni Puyat.

Paglilinaw naman ni Cimatu, “Puwede mag party sa loob ng hotel, sa establishment pero huwag doon sa beach,” aniya.

Dagdag niya, ang mga beach parties ay isang paraan din umano ng pagpapakalat ng iligal na droga sa isla at nakapag-aambag din ito sa polusyon.

 

Naghahanda si Environment Secretary Roy Cimatu at ang mga kawani ng Armed Forces of the Philippines para sa paglilinis ng Boracay

“Napapansin kasi namin, the sand in Puca Beach, ihambing mo sa White Beach, mas maputi ang sa Puca Beach. Kasi walang nagpa-party doon,” wika ni Cimatu. “Katulad noong fire ano ba yun? Fire dancer. Gas yata ginagamit, minsan tumatalsik. These are already pollutants.”

Bukod sa beach party, bawal na din ang pinapangarap ng maraming magkasintahan na beach wedding sa Boracay.

“They can do their wedding ceremony, birthday ceremony doon sa loob ng hotel establishment,” ayon kay Cimatu.

Muli namang iginiit ni Puyat na bawal ang pagtatayo ng mga casino sa isla alinsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte.

“There will be no casinos on Boracay. We follow the President’s directive,” sabi niya.

Matatandaang naging isyu ang planong pagtatayo sa Boracay ng isang USD500 milyong integrated resort ng Macau casino giant na Galaxy Entertainment at Filipino partner nitong Leisure and Resorts World Corp, na pinayagan umano ng pamahalaan.

At upang mapanatili ang ganda ng isla, magkakaroon din aniya ng curfew at paglimita sa mga dadayo sa isla. De-kuryenteng mga tricycles mula sa Department of Energy na rin ang gagamiting transportasyon dito.

Subali’t pag-uusapan pa ng DENR at DOT kung ano ang mga parusa at multa sa mga lalabag sa mga bagong alituntunin sa isla.

Sa kabila ng mga pagbabagong ito, mataas pa rin ang kumpiyansa ni Puyat na hindi maapektuhan ang USD1 bilyong kita ng Boracay mula sa halos dalawang milyong turistang dumadayo dito taon-taon.

Ang muling pagbubukas at panunumbalik ng ganda ng isla ng Boracay ay isang patunay ng malakas na political will ng liderato ni Pangulong Duterte, na sa kabila ng mga kritisismo sa kaniyang desisyong ipasara ang isla, ay ipinatupad niya ito para sa mas ikabubuti ng mamamayan, turista, at kalikasan.

Pambansa Slider Ticker Boracay Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) DENR Secretary Roy Cimatu Department of Environment and Natural Resources (DENR) Department of Interior and Local Government (DILG) Department of Tourism (DOT) Galaxy Entertainment at Filipino partner Leisure and Resorts World Corp. Macau casino giant most probable number (MPN) ourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat Pangulong Rodrigo R. Duterte Quincy Joel V. Cahilig

Palawan at Cebu, pasok sa “Best Island in the World”

August 1, 2018 by Pinas News

Ni: Vick Aquino Tanes 

Nailabas na ang listahan ng 2018 World’s Best Islands at kabilang dito ang Palawan at Cebu ng Pilipinas. Base sa New York-based travel magazine Travel and Leisure, ibinida nila ang pagpasok ng Palawan at Cebu ng Pilipinas dahil talaga namang maipagmamalaki ng mga Pinoy dahil sa linis at ganda ng mga ‘nature created islands’.

Matatandaang dating pasok ang isla ng Boracay, subalit nasira ito dahil sa maling pagpapatupad ng kalinisan na ikinalagpak nito sa ratings.

Ayon dito, nasa ika-anim na spot ang Palawan na nag-rate ng 90.4 na score habang ang ipinagmamalaking ”Queen City of the South” na Cebu ay pasok sa Top 15, na nakakuha ng ikawalong spot na mayroong 89.10 score.

Ibinida pa ng nasabing travel magazine na ang mga nanalo ngayon ay masasabing paboritong dayuhin ng mga turista na kung saan ang Palawan ay nanguna noong 2013 at 2017 at kasama ang isla ng Cebu.

“This year’s winners include surprises as well as familiar favorites. The Edenic Philippine outpost of Palawan scored the top spot on this list in 2013 and in 2017.  It remains in fine company, voted in along with its sister island Cebu,» isinulat ng naturang travel magazine .

Nakuha rin ng Indonesia ang Top 3 na mayroong 95.28 score, nakuha ng Bali ang second  place na mayroong score na 94.06 habang nasa Lombok naman ang third best island in the world na nakakuha ng 93.88.

Bumida rin ang Palawan bilang top spot ng magazine’s best island of the world survey noong 2013 habang noong nakaraang taon ay nasa listahan ang Boracay bilang third spot.

Environment Slider Ticker 2018 World’s Best Islands Boracay Cebu Indonesia New York-based travel magazine Palawan PINAS Queen City of the South Vick Aquino Tanes

TESDA Region 6, nakahanda sa maaapektuhan ng Boracay closure

April 17, 2018 by Pinas News

Pinas News

NAKAHANDA na ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Region 6 na tumulong sa mga maaapektuhang manggagawa at residente sa pagsasara ng isla ng Boracay sa loob ng anim na buwan.

Kasunod ito ng direktiba ni TESDA Director General Guiling Mamondiong sa  mga opisyal at empleyado ng TESDA sa Aklan na bumuo ng  action plan.

Target ng ahensya na matulungan ang may 73,522 apektadong mga residente, kasama ang 17,326 registered employee at 11,000 unregistered workers  sa pagsasara ng Boracay.

Sa ilalim ng binuong Action Plan Save Boracay, ang unang round ng  training ay magsisimula sa Abril a-bente sais at magtatapos sa  Hunyo a-trenta ng taong kasalukuyan.

Katuwang ng tesda sa pagpapatupad ng action plan ang Department of Interior and Local Government o DILG, Department of Trade (DTI), Philippine National Police (PNP), lokal na pamahalaan ng Malay, Technical-Vocational Institutions (TVIS) at Association TVET schools in Aklan.

Probinsyal Slider Ticker Association TVET schools in Aklan Boracay Department of Interior and Local Government Department of Trade (DTI) DILG Guiling Mamondiong Philippine National Police (PNP) PINAS SMNI News Technical Education and Skills Development Authority Technical-Vocational Institutions (TVIS) TESDA

  • Page 1
  • Page 2
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.