Kanselado na ang nakatakda sanang pagbisita nina Alden Richards, Kathryn Bernardo at iba pang casts ng certified blockbuster hit na “Hello, Love, Goodbye”.
Ito ay bunsod ng nagaganap na serye ng mga kilos-protesta sa Hong Kong.
Labis na ikinalungkot ng movie stars ang naturang kanselasyon lalo na’t espesyal ang naging papel ng Hong Kong sa kanilang pelikula.
Hindi naman malinaw kung magkakaroon ng re-scheduling para sa naturang event.
Sa loob lamang ng dalawang linggo ay tumabo na sa takilya ang naturang pelikula ng mahigit 505 million pesos.
Kaugnay, nagsalita na rin ang martial arts icon at action film star na si Jackie Chan kaugnay ng nararanasang kaguluhan sa Hong Kong.
Say ni Jackie, umaasa siyang agad na maibabalik ang kapayapaan sa siyudad.
Hindi naman ikinatuwa ng maraming Hong Kong citizens ang naging pahayag ng aktor.
Kinumpara rin ng karamihan si Jackie sa namayapang martial arts icon na si Bruce Lee na nagpahayag ng kaniyang pagkontra sa ilang batas ng china noong nabubuhay pa.