Ni: Jonnalyn Cortez
NALALAPIT na naman ang panahon ng tag-init, kaya naman may ilan sa atin ang naghahanap na ng magandang lugar upang makapaghanda sa darating na bakasyon at makapagpahinga. Kaya naman, eto ang isang bahay-bakasyunan na talaga namang magugustuhan ninyo – ang Anya Resorts & Residences.
Matatagpuan ang natu-rang resort sa Tagaytay, kaya naman di mo na kailangang lumayo pa ng Maynila upang mabisita ito. Sasalubungin ka ng malalaking puno ng Bamboo, magandang tanawin ng taniman ng mga pinya at masasaksihan din dito ang napakagandang paglubog ng araw.
Makakapagpahinga ng ma-ayos ang sinomang bibisita dito sa paglanghap ng sariwang hanging dala ng mga halaman at puno dito. Kaya, talagang mararamdaman ang mainit na pagtanggap ng lugar dahil sa kakaibang atmospera nito.
Tumutunog ang gong dito upang ialerto ang mga kawani ng lugar sa iyong pagdating. Para na rin mabati ka ng mga ito ng maayos. Magbibigay din sila ng sarili mong “lifestyle assistant,” na siya namang mag-aayos ng itineraryo ng iyong pananatili.
Maaari ring maglibang ang mga mahilig magbasa sa kanilang Borderless Library kung saan makakapili ka ng iba’t-ibang klase ng babasahin sa dami ng kanilang koleksyon.
Tamasahin ang sarap ng tubig sa Tagaytay sa swimming pool ng Anya Resorts & Residences na may mainit na tubig na akma naman sa malamig na klima ng lugar.
Meron din silang infinity pool na umaagos at bumabagsak sa isa pang infinity pool. Makakapagpahinga ka rin dito ng wasto, lalo na sa kanilang Niyama Spa.
Matatagpuan ang Anya Resorts & Residences sa Buenavista Hills Road, Barangay Mag-asawang Ilat, Tagaytay. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang kanilang Facebook page.