Hindi lamang sa paghahatid ng balita, serbisyo publiko, paglaban sa kriminalidad, apoy at mga office work ang kayang harapin ng mga nagkaisa sa i-Shine Tree Planting Activity na pinangunahan ng Sonshine Media Network International (SMNI) katuwang ang Sonshine Philippines Movement (SPM).
Maaga pa lang ay nagsimula ng dumagsa sa Mount Arayat National Park ang mga nais makiisa sa tree planting activity mula sa Armed Forces of the Philippines partikular na sa Air Force, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Department of Health, Department of Transportation, lokal na pamahalaan ng Arayat Pampanga at mga opisyal ng Brgy. San Juan Baño, Arayat Pampanga.
Maging sa pribadong sektor mula sa Smart Trade na isa sa partners ng SMNI sa tree planting pati na rin ang mga empleyado ng Quanta Paper Marketing Inc., at mga pribadong indibidwal.
Hindi rin pahuhuli ang mga anchors, reporters at mga kawani ng SMNI mula sa iba’t ibang departamento para makiisa sa pagtatanim ng mga puno.
Maging ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ at mga kabataan mula sa Keepers’ Club International ay nakiisa rin sa nasabing activity.
Nagpaabot naman ang mga nakiisa sa Tree Planting Activity ng kanilang masasabi kaugnay sa kahalagahan ng pakikilahok sa mga ganitong klaseng makakalikasang gawain.
Ang i-Shine Tree Planting Activity ay regular na isinasagawa ng SMNI katuwang ang SPM at mga special partners nito na nais maibalik sa dati ang dating ganda ng ating kalikasan.
Asahan ang SMNI at SPM sa mga susunod na buwan para sa mga susunod na maka-kalikasang proyekto.