BUREAU of Correction Chief Gerald Bantag
WALANG direktiba ang Palasyo kay bagong Bureau of Correction Chief Gerald Bantag na katayin nito ang mga magpapadulas at hindi susunod sa batas na mga inmates.
Sa Press Briefing ng Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na tulad ng Pangulong Rodrigo Duterte itinuturing ng Malakanyang na isang political statement ang katay remarks ni Bantag.
Una nang sinabi ni Bantag na kakatayin nito ang magbibigay sa kaniya ng pasalubong o ang tinaguriang pagbibigay ng pera sa bagong upong BuCor chief.
Kilala naman si Bantag sa madugong pamamalakad nito nang maging pinuno ito ng Bureau of Jail Management and Penology.
HANNAH JANE SANCHO