Umakyat na sa labingwalo ang kabuuang bilang ng mga kinanselang domestic flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil pa rin sa nararanasang sama ng panahon dulot ng Bagyong Maring at Lanie.
Sa huling abiso ng MIAA Media Affairs Division Office, kanselado ang PAL Express Flight 2P 2921/2922 Manila-Legazpi-Manila, Sky Jet M8 421/422 – MNL-Siargao-MNL, M8 816/817 – basco-MNL, *M8 713/714 MNL-Busuanga-MNL.
Cebgo flight DG 6031/6032 – Manila-San Jose, Mindoro-Manila, DG 6041/6042 – Manila-Busuanga-Manila , dg 6113/6114 – MNL-Naga-MNL, at Airasia Zest Z2 777/778 MNL-Cebu-MNL.
Habang ang Air Asia Zest 582 Kuala Lumpur-MNL, Cebu Pacific 5J 102 Guam-MNL at 5J 636 Puerto Princesa-MNL ay na-divert sa Clark Airport.
Samantala, ipinahayag ni Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP Spokesperson Eric Apolonio na sa kabila ng pagkakaapekto ng ilang mga flights ay nanatili pa ring normal ang operasyon ng mga paliparan sa bansa.