OBLIGADO na ngayon ang mga business establishment sa lungsod ng Davao na kumuha ng “drug- free workplace” certificate mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kasunod ito ng inilabas na ordinansang lokal na pamahalaan ng lungsod na No. 0506-13 at Executive Order No. 32.
Itinakda ng nasabing batas na kasali na sa requirement para makakuha ng business permit ang paglikha ng drug free workplace program.
Bago bigyan ng sertipikasyon ang mga establisyimento na may hindi bababa na 10 empleyado ay kailangang sumailalim ng training sa City Antidrug Abuse Council o CADAC ang kanilang opisyales.