Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Calayan, Cagayan.
Naitala ang pagyanig sa tatlumpu’t tatlong kilometro timog-kanluran ng Calayan, kaninang alas 6:08 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na labing tatlong kilometro.
Naramdaman ang intensity 2 sa Laoag City habang instrumental intensity 2 sa Pasuquin, Ilocos Norte at Sinait, Ilocos Sur.
Wala namang naitalang pinsala bunsod ng lindol pero inaasahang magdudulot ito ng afterschocks.