• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Friday - March 05, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

California

Disney theme parks isinara dahil sa COVID-19

March 24, 2020 by Pinas News

Ni: QUINCY JOEL CAHILIG

PANSAMANTALANG isinara ng Walt Disney Co. ang mga theme parks nito sa California at Florida sa Estados Unidos at sa Paris, France hanggang sa katapusan ng Marso bunsod ng coronavirus outbreak.

Naunang ipinahayag ng kumpanya ang pansamantalang pagsasara ng Disneyland ang California Adventure theme parks sa California, kung saan mahigpit na ipinapatupad ang social distancing para makontrol ang paglaganap ng COVID-19.

Nasa mahigit 200 na ang bilang ng coronavirus cases sa California; apat sa mga ito ang nasawi.

Samantala, patuloy na nakasara ang mga Disney theme parks sa Hong Kong, Shanghai, at Tokyo buhat lumala ang COVID-19 outbreak, na nagsimula sa Wuhan, China. Subalit nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng Walt Disney World at Disneyland Paris.

Internasyonal Slider Ticker California Disney theme parks Florida isinara dahil sa COVID-19 Walt Disney

Fourth Solomon, nag-propose na sa kaniyang model-girlfriend

January 6, 2020 by PINAS

YNA MORTEL

 

NAGPROPOSE na ang aktor at dating reality star na si Forth Solomon sa kaniyang model-girlfriend na si Grizella Gratela.

Sa instagram, masayang inanunsyo ng ex-PBB housemate ang engagement nila ng nobya na naganap sa tapat ng Golden Gate Bridge sa San Francisco, California.

Say ni Fourth, kinabahan siya nang itanong kay Grizella ang million dollar question na sinagot naman nito ng yes.

Kasunod nito ay agad na bumuhos ang pagbati para sa soon-to-be married couple mula sa mga fans at kaibigan.

Showbiz Slider Ticker California Forth Solomon Golden Gate Bridge Grizella Gratela San Francisco YNA MORTEL

Filipino-American, kabilang sa mga nasawi sa California shooting

November 9, 2018 by Pinas News

shooting

Pinas News

KABILANG ang isang Filipino-American sa labindalawang nasawi sa pamamaril sa Borderline Bar and Grill sa Thousand Oaks, California.

Ayon sa DFA, kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Los Angeles na nasawi sa insidente si Alaina Housley.

Si Housley ay labinwalong taong gulang at estudyante ng Pepperdine University.

Kinumpirma rin sa Instagram ng Hollywood actress na si Tamera Mowry-Housley ang pagpanaw ng kanyang pamangkin na si Alaina.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng biktima.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DFA upang malaman kung may iba pang kababayan na nadamay sa insidente.

Ang suspek ay kinilalang si Ian David Long, 28-taong gulang na nagpakamatay matapos ang pamamaril.

OFW Slider Ticker Alaina Housley California DFA Filipino-American Ian David Long Los Angeles Pepperdine University Philippine Consulate General PINAS SMNI News Tamera Mowry-Housley Thousand Oaks

Facebook, du-doblehin ang opisina sa London

August 20, 2018 by Pinas News

FACEBOOK CEO Mark Zuckerberg kasama ang mga empleyado sa Menlo Park headquarters.

Ni:Kristine Joy Labadan

SINABI ng social networking company na Facebook na handa na itong higit na palawakin ang kanilang kumpanya sa tinatawag na Silicon Valley sa London kung saan nakatalaga ang maraming kilala sa industriya ng teknolihiya.

Magtatayo ang FB ng mga bagong gusali para sa napipintong pagbubukas nila ng trabaho para sa karagdagang anim na libong mga tauhan at manggagawa mula sa UK. Sa ngayon, wala pang kumpirmadong tiyak na bilang ang kumpanya kung ilang bagong trabaho ang kanilang bubuksan bagamat sinabi na nito na sa taong 2021 bubuksan ang mga gusali.

KASAYSAYAN NG FACEBOOK

Ang Facebook ay isa sa pinaka popular na social media site. Inilunsad noong Pebrero 4, 2004, ito ay naka-base sa Menlo Park, California. Sa labing-apat na taong pamamalagi nito, kinahumalingan na itong gamitin ng milyon-milyong tao sa buong mundo. At dahil sa sikat na sikat ito sa mga gumagamit nito maging bata man o matanda, sinabayan din ito ng pag-angkop ng mga kurikulum sa eskwelahan  sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa Facebook sa mga estudyante.

Itinatag ang Facebook nina Mark Zuckerberg at ng kanyang mga ka-eskuwela sa Harvard College na sina Eduardo Saverin, Andrew McCollum, Dustin Moskovitz, at Chris Hughes.

Noong bagong tatag ang Facebook, nilimitahan ng mga naglunsad nito ang hanay ng mga miyembro sa kapwa lamang nilang mga estudyante sa Harvard.

Di kalaunan pinalawak na ang paggamit ng FB sa mga mataas na institusyon ng kaalaman sa Boston, sa mga eskuwelahang parte ng Ivy League, at sa unibersidad ng Stanford. Dahan-dahang nagdagdag ng suporta ang Facebook sa iba’t-ibang unibersidad hanggang ito’y umabot sa mga estudyante sa high school. Nang sumapit ang taong 2006, ang kahit na sinong nasa labing-tatlong taong gulang ay pinapahintulutan ng Facebook na maging rehistradong gumagamit nito bagamat may ilang lokal na batas ang dapat isaalang-alang.

Sa planong pagpapalawak pa nito ng presence sa UK, sinabi ring sa pagtatapos ng 2018, ang bilang ng tauhan ng FB sa UK ay aabot na sa 2,300

486,183 ang karaniwang dami ng gumagamit ng Facebook bawat minuto gamit ang mobile phones.

ILANG BENEPISYO NG FACEBOOK

Ang Facebook ay maaaring magamit ng kahit sinuman na may aparatong may koneksyon sa Internet tulad ng mga computers, laptops, tablet computers, maski smartphones. Kailangan lang magrehistro at gumawa ng sariling profile na maguugnay sa marami pang gumagamit nitong social netwok site na ito.

Maliban sa mga nabanggit ay maaari ding magdagdag ng mga kaibigan na posible mong makapalitan ng mga mensahe, makapag-paskil ng iyong iniisip, makapag-bahagi ng mga larawan o bidyo at makatanggap ng notipikasyon sa iba pang gumagamit ng Facebook tungkol sa kanilang aktibidad.

Ilan sa mga pakikipagsapalaran sa negosyo ng Facebook ay naisakatuparan sa UK, kabilang ang Workplace, isang human resources tool at sa kabilang banda naman ay ang dibisyon ng Facebook sa London na tinatatrabaho ang virtual reality na Oculus headset.

Ang mga bagong opisina ay may kasamang 600,000 kuwadradong talampakan na espasyo sa King’s Cross na makakatabi ang higanteng search engine na Google. Ang Google ay nakatanggap rin ng permiso para sa isang metro kuwadradong talapampakan na espasyo ng opisina na nakalaan sa mga bago nitong £1bn headquarters sa UK.

Ayon sa isang panayam mula sa Digital secretary na si Jeremy Wright QC, ang pagpapalawak na isinasakatuparan ng Facebook ay isang “panibagong boto ng tiwala mula sa ekonomiya” at tutulungang mabantayan ang pagtataguyod ng “matataas na sahod at de-kalibreng mga trabaho para sa kinabukasan” ng UK.

Napapabalita ang Facebook na aktibong naghahanap ng mga personalidad na may talento sa larangan ng artipisyal na intelehente sa pagsisikap nitong makakuha ng mga lider sa London. Nitong nakaraang tag-init, ibinunyag ng kumpanya na nakuha nito ang panimulang AI na Bloomsbury na nagkakahalaga ng tumataginting na $30 milyon (£22 milyon).

OPISINA ng Facebook sa Kendall Square, Boston.

NANGUNGUNANG SOCIAL NETWORKING SITE

Ayon sa naging analitika ng comScore, Facebook ang nangungunang social networking site base sa buwanang mga natatanging mga gumagamit na nagpupunta sa site nito. Nalamangan nito ang pangunahin nitong katunggali na MySpace noong Abril ng taong 2008. Kasama pa sa ulat ng comScore ay ang 130 milyong taong naakit gumamit nito noong Mayo 2010.

Base naman sa ikatlong partido na analitiko ng tagapagtustos ng web na Alexa and SimilarWeb, ang Facebook ay nanguna sa buong mundo bilang may pinakamaraming social network na mambabasa sa Web na may 20 bilyong bisita kada buwan noong 2015.

Ang SimilarWeb, Quantcast, and Compete.com ay magkakapareho namang iniranggo ang website bilang ikalawa sa Amerika na pinakadinadayo. Ang website ang pinakasikat sa pag-a-upload ng mga larawan na sa kabuuan ay 50 bilyon.

Kung iisiping magwawakas din ang kasikatan ng Facebook sa masa ay marahil na matatagalan pa ito dahil ngayong taong 2018 ay umabot na sa 2.2 bilyong katao ang aktibong gumagamit nito kada buwan. Ang pagkakakilanlan ng Facebook ay nagresulta sa ilang kilalang media coverage para sa kumpanya kalakip ang matinik na pagsisiyasat patungkol sa seguridad nito sa mga impormasyong natatanggap nito gayundin ang saykolohiyang epekto nito sa mga gumagamit. Sa mga nakalipas na mga taon ay naharap ang kumpanya sa matinding pangangailangang masolusyunan ang pagdami ng mga pekeng balita, paninira, at ang pagpapahintulot ng paglalarawan sa karahasan sa plataporma nito na kaagad naman ding inagapan ng Facebook.

Sa kaliwa’t kanang mga pakana ng Facebook ay nagbigay ng kanyang saloobin ang managing director ng Northern Europe na si Steve Hatch: “Today’s news reflects our commitment to the UK and our desire to grow our business and the UK economy.”

Negosyo Slider Ticker Alexa Andrew McCollum Bloomsbury California Chris Hughes Dustin Moskovitz Eduardo Saverin Facebook FACEBOOK CEO Mark Zuckerberg Google Jeremy Wright QC London Menlo Park Northern Europe PINAS Silicon Valley teve Hatch UK UK economy

Andre, Kobe at Jackie, reunited

May 10, 2018 by Pinas News

Ni: Melrose Manuel

Laking pasasalamat ni Jackie Forster at nagkaroon na ng katuparan ang kaniyang panalangin na muling makapiling ang mga anak na sina Andre at Kobe Paras.

Instrumento ang pagkakaroon ng regular na kumunikasyon sa viber at facebook ng mag-iina dahil naging tulay ito sa pangarap ni Jackie na makasama at makita ang kanyang mga anak.

Nangyari ang pagtatagpo ng mag-iina nitong kamakailan lang sa isang hotel sa Mandaluyong.

Malaking tulong ang pagtatawagan nila ni Kobe noong nakaraang Enero habang siya ay nasa London at ang ka-nyang anak naman ay nasa California.

Isang dekadang paghihiwalay

Magulo at masakit ang nangyaring paghihiwalay ng mag-iina, labindalawang taon na ang nakalilipas kung saan bata palang ang magkapatid noon.

“It was almost twelve years” sabi ni Jackie.

Si Andre ay 22 taong gulang na at 20 anyos naman si Kobe ngayon.

Masakit para kay Jackie ang nangyari at sinabi nito na “and even if the court said I was allowed to see them on weekends, hindi pa rin ipinapakita sa akin”.

Ayon sa post ni Jackie, naging miserable ito sa piling ni Benjie at isinalaysay nito ang kanyang naging buhay sa pi-ling ng dati niyang asawa.

“I’m starting off with these stories because it’s important to show where the deepest hurts and disrespect came from” ang paliwanag nito.

Positibo naman ito sa pagpapalabas ng kanyang saloobin na aniya matagal na raw nitong kinimkim dahil ayaw niyang lalong maguluhan at masaktan ang mga anak dahil musmos palang ang mga ito at hindi nila ka-yang intindihin ang mga pangyayari noon.

“After sharing these stories and they still don’t find it in their hearts to love me, then it will never happen. Anyhow, God bless your hearts and hoping those who have pain from their situations also find release” dagdag pa ng maganda pa ring si Jackie.

Sa paglaki ni Andre at Kobe

Malayo man sa kanilang biological mother naging maayos ang takbo ng buhay ng magkapatid.

Lumaking magalang, mabait, achiever at magandang halimbawa ang mga ito sa broken family dahil hindi sila naging rebelde sa mga magulang nila.

Parehong naglalaro ng basketball ang magkapatid ngunit mas pinagtuunan ni Kobe ang kanyang paglalaro at sa katunayan ay isa na siyang professional athlete. Dream come true ang naging achievements nito sa larangan ng basketball.

Kilala naman si Andre na isang Basketball player, mo-del, dancer at isang best actor.

The reconciliation

Naghilom ang sugat sa tamang panahon!

Napaaga ang Mother’s Day ng dating aktres matapos magkabatian sa kanyang dalawang anak.

Masaya at move on na ang lahat, hindi na mahalaga kung anong nakaraan at kapagsubukan sa kanilang pamilya dulot ng pagkahiwalay nilang mag-iina. Ang mahalaga magkakasama na sila ngayon.

Matagal naman umanong alam ni Benjie Paras ang pagkikita ng mag-inang si Kobe at Jackie dahil nagpaalam ito sa kanya.

Ayon kay Benjie, inaasa-han na niya ang araw na kaya nang makapag desisyun ng dalawa para sa sarili nila na hindi na kailangang pilitin pa ito.

“Alam ko naman yun, at least okay na, tapos na” dagdag ng aktor.

Sinabi naman ni Jackie sa kanyang post “No bashing please” at hiningi rin nito ang pagrespeto sa privacy ng ka-nyang mga anak.

Marami naman ang nag paabot ng pagbati kay Jac-kie mula sa mga kasabayan nito sa showbiz sa naganap na reconciliation nito sa ka-nyang mga anak.

Showbiz Slider Ticker Benjie Paras California Kobe Paras London Melrose Manuel Mother’s Day PINAS

Meggie Ochoa, Pinay Jiu Jitsu Champion

April 11, 2018 by Pinas News

Ni: Ana Paula A. Canua

HINDI lang sa tapang at galing bilang atleta hahangaan ang Pinay Brazilian Jiu-Jitsu Champion na si Meggie Ochoa kundi pati na rin sa kanyang pinapamalas na malasakit sa pagbabahagi ng kaalaman upang maturuan ng martial arts ang mga batang inabandona at inabuso.

Nagtapos sa Ateneo noong 2012 si Meggie sa kursong Management, matapos makuha ang diploma, pinasok naman ni Meggie ang mundo ng pampalakasan. Nagsanay bilang MMA fighter si Meggie ngunit bigo siyang makahanap ng makakalaban dahil mahirap humanap ng kapares sa kanyang built at weight class.

“I had trouble finding opponents in my weight class, I just wanted to be able to compete but opponents would just back out left and right. It was frustrating. MMA left me heartbroken.”

Sa bigat na 105 lbs. muling nagtraining si Meggie para pasukin naman ang jiu jitsu, isang sport na halos kaparehas ng MMA, ngunit kumpara sa MMA pinagbabawal ang Spinal locks at cervical locks sa jiu-jitsu.

Sumali sa Atos Philippines si Meggie isang Brazilian Jiu-Jitsu organization na nagsasanay ng mga manlalaro. Dito natagpuan ni Meggie ang mga atletang nais humamon sa kanyang kakayahan.

Simula pa man alam na ni Meggie na ang tanging nais niya ay sumabak at mapagyaman ang kanyang kakayahan sa combat fighting, kahit pa babae hindi papapigil si Meggie na magpatumba at lumaban para sa medalya at para marating ang hangganan ng kanyang galing at lakas.

Hindi inakala ni Meggie na ang pagkabigo pala sa MMA ang maghahatid sa kanya sa mas karapat-dapat na landas, kung saan magsisimula ang bagong pangarap at bagong kahulugan ng kanyang pagiging atleta.

“A month into training, I already got to compete. Ever since then, I just kept compe-ting. It grew into an addiction I couldn’t stop.”

Walang laban na aayawan

Tila hindi nauubusan ng makakalaban si Meggie, hindi naman siya nabigo sa hirap ng kanyang pagsasanay dahil sunud-sunod rin ang kanyang panalo, at ang sinumang  atletang nasasanay na lumaban ay mas tumatapang  at mas nagiging pokus na talunin at higitan ang kanyang sarili.

Unti-unti nabuo rin ang kanyang pagnanais na lumaban sa World Championships, “It has always been a dream to join, because it’s the World Championships. It is the most prestigious championship”

Kumpara sa ibang major athletic championships gaya ng Olympics at World Cup, bukas ang Jiu-Jitsu World Championship sa lahat ng nais sumali, dito hindi batayan ang karanasan o bilang ng napanalunan, kung ang atleta ay may lakas ng loob at galing maaring pumasok sa pinakamataas na lebel ng kompetisyon, gayunpaman nangangailangan ng sapat na pondo para maging bahagi ng kompetisyon.

Mga pangangailangan ng isang atleta

Hindi lang basta galing at lakas ang kailangan ng sinumang atleta, mas nagiging madali ang tagumpay kung natututugunan ang kanilang mga pangangailangan gaya ng mga equipments at gastusin sa paghahanda at paglaban.

Lumapit si Meggie sa ka-nyang team captain sa Lady Judokas’ team na si  Dany Ty, dito nagsimula ang ideya ng crowd fund raising

Hindi lamang pinansyal na suporta ang ibinigay kay Meggie kundi nadagdagan din ang kanyang lakas ng loob at tiwala sa sarili matapos maantig sa tulong na natanggap.

“Feeling the support of everyone just made me feel confident, I had no reason to doubt when I was there.”

Sa kanyang pagsabak naiuwi ni Meggie ang gintong medalya sa Female White belt Rooster category sa International Brazilian Jiu-Jitsu at inangkin ang laban sa World Championship sa score na 7-0 at 10-0.

Mula 2014 hanggang 2016 sumabak siya sa kompetisyon at simula noon hindi na pinakawalan ang World Championship title.

At noong 2017 inuwi naman niya ang gintong medalya sa Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG), at ngayong 2018 inuwi naman niya ang gintong medalya sa 49KG division Grand Slam Jiu-Jitsu World Tournament sa London.

Pagbahagi ng kakayahan sa iba

Ngayon na hindi maitatanggi ang galing ni Meggie sa pampalakasan, nais naman niyang bigyan ng pagkakataon ang ibang kabataan lalung-lalo na ang kababaihan na matutunan kung paano proteksyunan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng jiu-jitsu. Sa isang shelter sa California tinuturuan ni Meggie ang mga kabataang inabandona at inabuso ng jiu-jitsu, martial arts, at self-defense.

Nais ni Meggie na hindi lamang basta medalya ang maging batayan para maging isang magaling na atleta kundi ang magbahagi ng tapang at lakas ng loob para matulungan ang iba sa pamamagitan ng sports kungsaan malaki ang pagbabago na kanilang mararanasan. Malaking tulong din ito para sa recovery ng mga batang dumanas ng mapait na karanasan, ito ang nagsisilbing outlet sa kanila para ilabas ang lungkot at takot habang nanatiling disiplinado at pursigido.

Sa ngayon patuloy na aktibo si Meggie upang magbahagi ng kaalaman para wakasan ang child exploitation and abuse.

Hindi lang basta manalo sa kompetisyon ang maha-laga kay Meggie kundi ang mapanalunan din ang laban sa pang-aabuso at pananamantala sa kabataan, bagay na nagbibigay ng bagong kahulugan sa isang tunay na kampeon, ang magbigay ng malasakit at magbigay pag-asa sa iba.

Slider Sports Ticker Ana Paula A. Canua Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) Brazilian Jiu-Jitsu organization California Meggie Ochoa MMA fighter PINAS Pinay Brazilian Jiu-Jitsu Champion

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.