CRESILYN CATARONG
PINATUMBA ng Ceres Negros ang Cambodian Club Svay Rieng sa iskor na 4-0 para sa AFC Cup 2020.
Nanguna sa panalo ng Ceres sina Takashi Odawara at Joshua Grommen sa kanilang laro na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum.
Sa loob lamang kasi ng 14 minutes ay nakapagtala ang dalawang manlalaro ng tig-iisang puntos.
Tinapos naman ni Bienvenido Marañon ang laro na nakapagtala ng puntos sa loob ng 55th at 70th minutes.
Sunod na makakaharap ng Ceres ang Tahn Quang Ninh ng Vietnam sa darating na Pebrero a-25.