• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Tuesday - January 26, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Canada

Hiraya artisan chocolates – 100% Pinoy, world class na produkto

February 7, 2019 by Pinas News

JOSEPH Belison (kaliwa) ng R&D, Arvin Peralta (gitna) CEO and founder, Joana Diones (kanan) ng marketing.

 

Ni: Kristin Mariano

COCONUT, quezo de bola, at chicharon-flavored chocolates, ilan lamang ito sa mga flavors ng Hiraya artisan chocolates na made in the Philippines at hindi mo mahahanap sa iba.

Nakilala ko ang nasa likod ng matamis na negosyong ito na sina Arvin Peralta, Joana Diones, at Joseph Belison na pawang mga millennials. Sa kabila ng kanilang edad, patuloy nilang pinagsusumikapan ang artisan chocolate business na tunay namang maipagmamalaki ng mga Pinoy sa buong mundo.

Ang pangalang Hiraya ay mula sa sawikain na Hiraya Manawari na ang ibig sabihin ay “matupad nawa ang iyong mga hangarin.” Bilang mga batang ‘90s, nakuha nila ito sa popular na children’s show noong dekada ‘90 na may parehong pangalan.

Ang CEO at founder ng Hiraya na si Arvin Peralta ay nagtapos ng certification course para maging isang chocolatier sa Ecole Chocolat, isang chocolate school sa Canada. Iniwan niya ang kanyang trabaho bilang social media manager ng isang Singapore-based company upang palaguin ang kanyang negosyo.

Sa loob ng halos apat na taon, unti-unting nakilala ang Hiraya sa loob at labas ng bansa. Na-feature si Arvin sa isang article sa prestihiyosong Michelin Guide at naitampok na rin ang kanilang produkto sa  Salon du Chocolat sa Paris, France.

Ang simula

Noon pa man ay ninanais na ni Arvin na makapagtayo ng kanyang sariling negosyo subalit batid niyang kulang ang kanyang kaalaman kung paano ito sisimulan. Ibinahagi niya na iba’t-ibang mga workshops at seminars na ang kanyang nadaluhan upang makakuha ng mga ideya hanggang sa dumalo siya sa isang camp sa Bulacan. Iba’t-ibang social enterprises ang pokus ng camp kung saan ibinahagi nila ang kanilang mga nalalaman sa social enterprise.

Ang isang social enterprise ay isang negosyo o organisasyon na gumagamit ng commercial strategies upang kumita at makatulong sa isang sektor ng lipunan. Hindi na bago ang konseptong ito dito sa Pilipinas. Naging epektibong paraan ito upang makatulong sa maraming komunidad sa bansa.

“Na-inspire ako sa mga istorya na iba’t-ibang social enterprises nung umattend ako ng isang camp sa Bulacan. Gusto ko rin magtayo ng isang business na may social impact,” bahagi ni Arvin.

Dahil sa kanyang hilig sa tsokolate, naging maliwanag na kay Arvin na ito ang direksyon na nais niyang tahakin. Nais niya na gumawa ng isang world class na tsokolate na magtatampok sa kalidad ng mga cacao ng bansa. Pero “No man is an island,” wika nga nga marami. Sa pagpapalago ng kanyang negosyo, nangalap ng mga katuwang si Arvin at nabuo niya ang core team ng kompanya kabilang sina Joana Diones bilang marketing head, at Joseph Belison sa research and development.

Hindi naging madali ang pagtatayo ng sariling negosyo. Aminado si Arvin na hindi naging madali ang pagpapakilala ng Hiraya sa merkado lalo na at hindi lang lokal ang kompetisyon. Dagdag pa niya na may perception ang mga Pilipino na mas maganda o mas mataas ang kalidad ng mga produktong imported. Natagalan din sila sa paghahanda at pagma-market ng kanilang produkto dahil sa iba’t-ibang lab tests at requirements ng gobyerno at ibang retailers upang masiguro ang kalidad at kaligtasan nito.

Hiraya chocolates vs ibang brands

Marami ang nalilito sa kaibahan ng artisan chocolates sa ibang mga tsokolate na mabibili natin sa mga supermarket. Kung pamilyar kayo sa kwento o pelikulang Charlie and the Chocolate Factory, iisipin niyo ang isang malaking pabrika ng tsokolate na puno ng makina na nag ma-mass produce ng tsokolate na siya nating mabibili sa mga supermarket. Ang artisan chocolates ay ginagawa ng isang malikhaing manggagawa at karaniwan handmade ang mga ito. Ganito ang prosesong sinusunod ng Hiraya. Kaunti lamang ang kanilang ginagawa upang mapanatili ang mataas na kalidad ng produkto.

Isa pa sa mga ipinagmamalaking katangian ng Hiraya ay ang pagiging “bean-to-bar” ng kanilang tsokolate. Kinukuha nila ang kanilang cacao beans direkta sa mga magsasaka sa Malabog, Davao sa kapareho o mas mataas pa na presyo. Sa ganitong paraan mas nasisiguro nila ang kalidad ng mga cacao beans na ginagamit nila.

Prayoridad ng Hiraya na gumamit ng mga cacao beans na makukuha lamang sa Pilipinas. Giit ni Arvin na mayaman ang Pilipinas sa cacao simula pa noong panahon ng mga Kastila. Ito ang pokus ng social enterprise, na matulungan ang mga maliliit na magsasaka.

“We eliminate the middle man. Nakikinabang yung farmers dahil sa pareho kami sa presyo. Nakikinabang ang Hiraya dahil we get only the high quality beans for our product,” wika ni Joseph.

“Hiraya supports the local industry, especially the farmers. We made a crowdfund to sponsor yung facility sa Malabog, Davao para makatulong sa fermentation ng cacao beans. We also help the farmers by connecting them to the right people to widen their network to help their livelihood,” dagdag pa ni Arvin.

Ipinagmamalaki ng Hiraya na naiiba sila sa kanilang kompetisyon dahil 100% Pinoy ang kanilang produkto, mula sa tsokolate hanggang sa packaging. “100% Pinoy! Hindi lang kung saan namin kinukuha yung mga cacao beans, pati flavors at packaging namin, it screams Filipino. Yung packaging for Coffee Nibs shows yung map of Benguet kung saan sourced yung coffee. Yung sa ibang flavors, traditional design ito sa Mindanao ng mga jewelry box noon. Yung art ay gawa ng talented Pinoy artist,” paliwanag ni Joana.

Ang hinaharap

Ikinalulugod na ibinalita ng Hiraya sa PINAS na pasado sa lahat ng lab test ang Hiraya Chocolates. Target ng Hiraya ang mga millennials na naghahanap ng value at experience sa mga binibili nila. Target rin ng kumpanya ang mga OFWs at balikbayans na namimiss ang lasang Pinoy dahil sa mga unique flavors na ino-offer nila. Bukod sa 72% dark chocolate, meron ding chicharon, coconut, at queso de bola flavors. Balak ng Hiraya na palawakin at gawing mainstream pa ang kanilang distribusyon sa pagdadagdag ng mga retailers. Sa ngayon, available ang mga produkto ng Hiraya sa 10 specialty stores at tatlong online stores. Sa mga malls, available ang Hiraya sa GoLokal sa Robinsons Manila at magbubukas ng isa pang outlet sa Festival Mall sa Alabang. Sa paglago ng Hiraya ay kasamang pag-angat ng mga magsasaka sa Pilipinas.

May maipapayo si Arvin sa mga nais pumasok sa chocolate business sa Pilipinas, “Do your research! There is a lot of room in the market. Kailangan mo ng magandang plan. Kapag magbi-business ka, you have to have a vision. That is why I always have the end in mind. You have to know how to get from point A to point B or your goal. It will be very challenging and it may not always go the way you want it to. Be flexible in your approach and look for ways to get there. Have the right attitude such as grit, determination, commitment, and passion.”

Negosyo Slider Ticker Arvin Peralta Canada Ecole Chocolat Festival Mall sa Alabang France Hiraya sa GoLokal sa Robinsons Manila Joana Diones Joseph Belison Kristin Mariano Michelin Guide Paris PINAS

Pinas, ginawang tambakan ng basura?

January 22, 2019 by Pinas News

SOUTH Korea nagpasok ng tone-toneladang basura sa bansa.

Ni: Jonnalyn Cortez 

MARAMI ang nagulat nang lumabas ang balita tungkol sa tone-toneladang basura na ibinababa sa seaport ng Tagoloan, Misamis Oriental mula sa South Korea noong nakaraang taon.

Nananatiling palaisipan sa maraming Pilipino kung bakit binabagsakan ng mga banyagang bayan ng santambak na basura ang ating bansa na para bang ito ay isang malaking dump site.

Matatandaang nagpasok din ng basura ang Canada dito sa Pilipinas na hanggang ngayon ay nakatambak pa rin sa ating lupain.

Ayon sa mga ulat, dumating sa Mindanao International Container Terminal noong Hulyo 2018 ang ang barko mula South Korea na puno ng basura. Base sa mga dokumentong hawak ng mga Customs officials, ang Koreanong kompanya na Verde Soko Philippines Industrial Corporation ang consignee ng mga kargamento.

Idineklarang “plastic synthetic flakes” ang laman ng naturang kargada, ngunit 5,100 na tonelada ng basura ang nakita rito. Sinasabi ng kumpanya na mali ang naideklarang nilalaman nito at raw materials daw para sa paggawa ng furniture, pero hindi naman maipaliwanag ng kinatawan nito kung paano ito nangyari.

Sinabi naman ni MICT Port Collector John Simon na kung ang idineklarang laman ng padala ay plastic flakes, dapat lamang na plastic flakes ang makikita rito at wala ng iba. Subalit, ilan sa mga natagpuang nilalaman nito ay mga plastic waste, iba’t-ibang materyales katulad ng kahoy at metal waste na pare-parehong hindi dumaan sa tamang proseso ng pagre-recyle.

ECOWASTE Coalition hiniling ang pagbabalik ng basura mula sa South Korea sa kanilang bansa.

 

RE-EXPORTATION AT ANG PANGAKO NG SOUTH KOREA

Ipinangako ng South Korea na kukunin nitong muli ang tone-toneladang basura na ipinasok sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng gobyerno nito na magsasagawa sila ng mga hakbang upang mabalik ang mga nasabing basura sa kanilang bansa sa lalong madaling panahon.

“The Ministry of Environment on November 21 initiated legal procedure to have the wastes in question in the Philippines be brought back in accordance with Article 20 of the Law on Cross-border Movement and Disposal of Wastes – Prior Notice of Repatriation Order – and embarked on investigation of the violation of Article 18-2 of the said law – False Export Declaration,” dagdag pa nito.

Ayon sa isang opisyal ng BOC, mga 6,500 na tonelada ng basura ang ibabalik sa Pyeongtaek City. Nagkakahalaga naman ng $47,430 o P2,493,869.40 ang gagawing re-exportation.

“We expect the 51 garbage-filled containers stored at MICT to be homebound by January 9 provided that all regulatory requirements are readily available,” wika ni Simon sa joint news conference ng BOC at EcoWaste Coalition.

“Their expedited re-export is what BOC wants and this is what our people are yearning for,” dagdag ito.

Gayunpaman, siniguro ni Simon na ginagawa nila ang lahat ng dapat ayusin upang matiyak na ang lahat ng basura na nakatambak sa Verde Soko compound sa Barangay Santa Cruz sa Tagoloan ay maibabalik sa pinagmulan nitong bansa ngayong buwan.

Alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act, Republic Act 6969 o ang Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act, at ang Basel Convention on the Control of Transboundary Movements of Hazardous Wastes and Their Disposal ang gagawing re-exportation.

Binaba ang desisyon na ibalik ang mga naturang basura isang linggo matapos ang bilateral meeting sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at South Korea sa Tagoloan.

Merong higit na 35 na kalahok ang nasabing pulong, kabilang ang isang delegasyon na binubuo ng apat na katao mula sa South Korea na pinamumunuan ni Lee Jong Min mula sa Ministry of Environment.

HALIMBAWA ng basura na itinambak ng South Korea sa bansa.

 

VERDE SOKO, MAHAHARAP SA PAGLILITIS

Ibinunyag ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na ang consignee ng kargamento na Verde Soko ay walang sapat na permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang mag-import ng materyales na ito sa bansa.

Sa ilalim ng patakaran ng departamento, kinakailangang makakuha ang mga nakarehistrong importer ng import clearance mula sa environment department ng hindi bababa sa 30 araw bago ganapin ang importasyon. Meron hawak na tamang permit ang pagpasok ng basura mula sa Canada.

Sinabi rin ni Antiporda na hindi rehistrado ang naturang kumpanya bilang importer ng mga recyclable materials.

Dagdag naman ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy, nakatakdang magsagawa ng paglilitis ang House of Representatives ukol sa pagbabagsak ng Verde Soko ng foreign wastes sa bansa.

Kailangan umanong humarap ang kumpanya sa provincial government ng Misamis Oriental, DENR at the Phividec Industrial Estate Authority para sa lahat ng posibleng paglabag sa environmental and business operation laws kaugnay sa importasyon ng basura.

IMPORTASYON NG BASURA, INSULTO SA DIGNIDAD NG BANSA

Hindi ito ang unang pagkakataon na may nagbagsak ng basura sa ating bansa.

Noong 2013, matatandaang nag-import ng 50 container ng basura mula Canada ang kumpanyang Chronic Plastics Inc. na nakabase sa Valenzuela City.

Katulad ng kargamento mula sa South Korea, mali rin ang idineklara nitong laman ng kargada na sinasabing recyclable materials.

Nagdulot naman ito ng matinding takot sa mga environment groups sa paniniwalang maaaring naglalaman ito ng mga toxic materials. Mahigit sa kalahati o 29 na containers na ang naitapon sa dump site sa isang landfill sa Tarlac.

Noong 2017 naman, tinawag ng BOC ang atensyon ng isang South Korean shipper na kunin ang iniwan nitong 5,000 metriko tonelada ng pinaghihinalaan ding basura na tinambak sa Mandaue City sa Cebu.

Iprinotesta ng mga environment groups ang pagbabagsak ng basura sa mga daungan sa Pilipinas, lalo na nga pagkatapos magdala ng basura ang Canada sa bansa.

Kinondena naman ni Senator Aquilino Pimentel III ang mga pagbabagsak ng basura na ito sa Pilipinas. Hihingi rin diumano ito ng update ukol sa mga waste materials galing sa Canada.

“As far as I’m aware, as of January 2018, the matter has yet to be resolved. The Canadian Prime Minister promised to resolve the matter when he went here for the 31st ASEAN Summit in November 2017. There’s been no follow through ever since. We need immediate and concrete action on this,” pahayag nito.

Sinang-ayunan naman ito ni Uy at sinabing kinakailangang bisitahin muli ang isyu ng mga basurang nagmula sa Canada pagkatapos masolusyunan ang problema sa South Korea.

“The lessons learned from this Verde Soko case should be applied to the Canada garbage case whenever relevant. There is also the need to have the Department of Foreign Affairs follow-up with Canada on the legal and legislative actions they should have taken by now,” pahayag nito.

Binigyan-diin naman ni Pimentel na hindi “dumping ground” ng kahit sino man ang bansa.

“The Philippines should assert its dignity and co-equal standing as a sovereign state in the community of nations. We should not be seen as a recipient, officially or unofficially, of waste material coming from other countries,” aniya.

Nanawagan naman si Aileen Lucero, EcoWaste Coalition National Coordinator, ng pagpapatibay ng mga mahigpit na patakaran upang mapigilan ang pag-ulit ng mga ganitong pangyayari, kabilang na ang crackdown sa pag-import ng mga plastik na basura.

“We need to act decisively to protect our country from turning into a global dump for plastics and other wastes that China no longer wants,” wika nito.

Pambansa Slider Ticker Aileen Lucero EcoWaste Coalition National Coordinator Canada Department of Environment and Natural Resources (DENR) Environment Undersecretary Benny Antiporda Jonnalyn Cortez Lee Jong Min Mindanao International Container Terminal Misamis Oriental Rep. Juliette Uy Pilipinas PINAS Senator Aquilino Pimentel III South Korea

Direct Air Capture: Ang teknolohiya sa likod ng CO2 sa hangin patungong liquid fuel

January 8, 2019 by Pinas News

NAGSIMULA ang pag-aaral ng Carbon Engineering noong 2009 at naisakatuparan ang proyekto noong 2015 sa pasilidad nila sa Squamish, British Columbia.

 

Ni: Jomar San Antonio

ISIPIN mo na lamang kung ang gasolinang ginagamit ng mga sasakyan natin ngayon sa lansangan ay nagmula sa mismong hangin sa ating kapaligiran. Ito ang misyon ng teknolohiyang Direct Air Capture (DAC) na naglalayong gamitin ang carbon dioxide (CO2) sa ating atmosphere upang makagawa ng liquid fuel bilang kapalit sa fossil fuels na numero unong nagaambag ng air pollution sa ating atmosphere dahilan ng global warming.

Nang magsimula ang rebolusyong industriyal (1780s-1830s ) sa kanluran ay hindi na tumigil sa pagdudulot ng polusyon sa hangin hanggang sa kasalukuyan ang karamihan sa mga industriya sa mundo. Patuloy ang pagsunog ng fossil fuels upang magamit sa iba’t ibang pangangailangan tulad ng transportasyon kapalit ang mabilis na pagtaas ng carbon emissions sa ating atmosphere.

 

ANG DAC SA MAS MURANG HALAGA

Sa isang pag-aaral na inilathala ng Joule energy journal noong Hunyo 2018, nagawa ng Carbon Engineering, isang kumpanya na nag-pakadalubhasa sa teknolohiya ng DAC na makapagtayo ng pasilidad nito na kayang humigop ng isang miliyong tonelada ng carbon dioxide sa isang taon sa mas murang halaga.

Positibo si David Keith, founder ng Carbon Engineering sa Canada at isa ring propesor ng Applied Physics sa Harvard University na magagamit ang teknolohiya nila sa mas malakihang operasyon upang makagawa ng langis para sa mga kotse, truck, at eroplano kumpara sa paggamit ng fossil fuels bilang raw material.

“Until now, research has suggested it would cost $600 per ton to remove CO2 from the atmosphere using DAC technology, making it too expensive to be feasible solutions to removing legacy carbon at scale… we now have the data and engineering to prove that DAC can achieve costs below $100 per ton,” ika ni Keith.

Malaki ang pinagkaiba nito kumpara sa tinatayang presyo ng direct air capture technology nang buuin ni Klaus Lackner ng Center for Negative Carbon Emissions sa Arizona State University ang ideya noong 1990s. Ayon pa kay Lachner, nasasabik sya sa potensyal ng bagong technique ng Carbon Engineering. Tunay na magamit ito ng mga pangunahing industriya sa buong mundo sa pagbabawas ng carbon emissions sa kanilang mga siyudad.

PROSESO ng Carbon Engineering sa paggawa ng kanilang bersyon ng clean fuel mula sa CO2.

 

 ANG DAC AT PROSESO NITO

Ang  DAC ay may dalawang layunin: Mabawasan ang carbon dioxide sa atmosphere upang labanan ang climate change sa mas murang paraan at makagawa ng gasolina, diesel, at jet fuel sa cost-competitive na paraan na hindi magdagdag pa ng CO2  sa kalikasan.

“It’s unlike CO2 capture that’s designed to work from a power plant. We’re capturing CO2 from the atmosphere, that’s what our technology does… the purpose of capturing from the air is that you can make low carbon fuels from renewable power,” ika ni Keith.

Bagamat marami nang commercially-used renewable energy ang ginagamit ngayon tulad ng solar at wind power upang makapagbigay ng enerhiya sa mga komunidad, hindi pa ito nagagamit upang makapg-palipad ng eroplano o makapagpaandar ng truck.  Ito ang nais mapunan ng Carbon Engineering gamit ang DAC at renewable energy sa pagproseso nito sa malinis, carbon-neutral at murang paraan

“You can make gasoline or diesel fuel [via direct air capture] but, of course, they didn’t come from the ground, so the amount of carbon they emit when they burn is just the amount you used making them, so they’re carbon neutral,” dagdag pa niya.

Nagagawa ang bersyon ng kanilang fuel mula sa pagkuha ng carbon dioxide sa atmosphere gamit ang Direct Air Capture technology na pinapaandar ng renewable energy. Matapos nito ay sini-synthesize ang CO2 gamit ang Air to FuelTM technology ng Carbon Engineering upang makagawa ng transportation fuel na compatible sa mga makina ng sasakyan ngayon. “Our proven technology can provide global-scale quantities of clean synthetic fuels, using inputs of only air, water, and renewable power,” ika ni Keith.

MALAWAK NA SUPORTA

Nakikita mang paraan ang DAC upang mabawasan kahit papaano ang carbon emissions sa hangin ay nangangailangan pa rin ito ng malawakang suporta sa lahat ng klase ng industriya upang magamit.

Malaki ang potensyal ng teknolohiyang ito upang mabago ang paglaban sa global warming. Maaari rin gamitin ang teknolohiyang ito upang masubukang bawasan ang epekto ng green-house gases sa mundo sa malinis na paraan

“This isn’t going to save the world from the impacts of climate change, but it’s going to be a big step on the path to a low-carbon economy… I’m reasonably optimistic. The markets for these ultra-low carbon fuels really seem to be there now. California, especially, has a low carbon fuel standard, Canada is developing a standard… but these standards to reward low-carbon fuels are starting.”

Nagsimula ang pag-aaral ng Carbon Engineering noong 2009 at naisakatuparan ang proyekto noong 2015 sa pasilidad nila sa Squamish, British Columbia. Ang kumpanya ay pinopondohan ng ilang ahensya sa ilalim ng gobyerno, sustainability-focused agencies, at mga pribadong investors tulad ng Microsoft na pagmamay-ari ni Bill Gates.

Slider Teknolohiya Ticker Canada David Keith Direct Air Capture (DAC) Jomar San Antonio PINAS

Dapat na bang gawing legal ang marijuana?

December 17, 2018 by Pinas News

Sa gitna ng umiiral na War on Drugs ng pamahalaan, pabor naman ang Duterte administration na gawing legal ang medical marijuana sa bansa.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig

NAGING laman ng mga usap-usapan ang isa na namang kontrobersyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na  gumagamit siya umano ng marijuana upang mapanatili ang kanyang enerhiya sa gitna ng kanyang hectic schedule.

“It’s a killing activity and I think the… my age, ako hindi masyado kasi nagma-marijuana ako eh para magising. Sa iba, hindi na kaya,” wika ni Duterte sa kanyang talumpati sa pagbibigay parangal para sa ASEAN National Organizing Committee, na ginanap sa Malacañang kamakailan.

Nguni’t pagkatapos ng okasyon agad ipinaliwanag ng Pangulo sa media na ang kaniyang pahayag ay isa lamang biro para hindi mabagot ang audience.

“It was a joke, of course it was a joke. Pero nobody could stop me from just doing my style. Minsan sabi ninyo misogynist ako kasi magbiro ako ng ganun, that’s my style it’s too late to change. If I want to joke, I will joke,” aniya.

Sa kabila nito, marami pa rin ang nagulat, nabahala, at bumatikos sa birong ito ng Pangulo, na kilala sa kanyang mahigpit na kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot, na kinabibilangan ng marijuana.

Kasama si opposition lawmaker Gary Alejano sa mga hindi natawa sa marijuana joke ni Duterte. Aniya, “insensitive” ang mga pahayag ng Pangulo sa isang sensitibong isyu na nababalutan ng mga alegasyon ng extra judicial killings, na ibinibintang sa war on drugs ng pamahalaan.

“If you are making a joke of an issue that has cost the lives of thousands of people in your drug war, then what does that say? You also treat peoples’ lives as a joke,” sabi ni Alejano.

Sa isang banda, binuhay ng joke ng Pangulo ang usapin kung dapat na nga bang gawing legal ang marijuana sa bansa.  Ayon sa Malacañang, pabor naman talaga si Pangulong Duterte sa legalization ng marijuana para gamitin na panggamot.

“Well, the President already made a statement on that prior. He said for purposes of medicine to heal, he’s in favor, but not for use other than that,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa mga kawani ng media.

“There have been researches. In fact, in some countries, marijuana is legalized. Canada. In fact, in some states in the US, it is used there. But it is controlled, regulated. The President is for that,” binigyang diin pa ni Panelo.

 

ANG MGA BENEPISYO NG MARIJUANA

Sa loob ng 3,000 taon, marami ang gumagamit ng marijuana, o kilala din sa tawag na cannabis, para sa iba’t-ibang health purposes. Ayon sa medical information website na WebMD, ginagamit ang naturang halaman para makatulong sa pag-relax at bilang pain reliever. Nakakatulong din umano ito na mabawasan ang pagkahilo ng mga pasyenteng sumasailalim sa chemotherapy.

Base sa isang global drug report ng United Nations noong 2012, tinukoy ang marijuana bilang “world’s most widely produced, trafficked, and consumed drug in the world in 2010.”  Bagama’t illegal sa maraming bansa, umaabot umano sa 224 milyong adults (18 taong gulang pataas) ang gumagamit nito.

Subali’t hindi pa rin inaaprubahan ng U.S. Food and Drug Administration ang paggamit ng marijuana plant para sa health treatment kahit na legal ito sa 33 states.

Pinapayagan naman ng FDA ang paggamit ng substance mula sa halaman na cannabinoids bilang gamot sa seizures sa mga pasyenteng may matinding epilepsy, at treatment para sa loss of appetite and weight ng mga AIDS patients.

Isabela Representative Rodito Albano 

 

Dahil sa mga health benefits ng tamang paggamit ng marijuana, isinusulong ni Isabela representative Rodito Albano ang pag-legalize ng medicinal use ng cannabis sa bansa sa kanyang House Bill 6517 o Act Providing Filipinos Right of Access to Medical Marijuana.

Para sa naturang mambabatas, “long overdue” na ang pagpasa ng naturang panukala na malaki umano ang maitutulong para sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman tulad ng cancer. Kaya nananawagan siya sa kaniyang mga kapwa mambabatas at sa publiko na buksan ang kaisipan para sa naturang hakbang.

“Thousands of patients in the country are suffering from serious and debilitating diseases and they need this. We don’t have to put them in jeopardy,” sabi ni Albano.

Aniya pa, tinitiyak din sa kanyang panukalang batas ang mahigpit na control provisions para maiwasan ang pang-aabuso sa cannabis sa pamamagitan ng pagtatatag ng Medical Cannabis Regulatory Authority na tutukoy kung sino-sinong mga pasyente ang nangangailangan ng naturang paraan ng treatment.

Senate President Vicente Sotto III 

 

PANUKALA NI ALBANO, DEHADO?

Bagama’t maganda ang layunin ng house bill ni Albano, mariing tinututulan naman ito ng Technical Working Group on Medical Cannabis Legalization at faculty members ng University of the Philippines Manila dahil maaari nitong maisapanganib ang kalusugan ng publiko.

Kinikilala ng grupo ang medicinal properties ng marijuana, nguni’t di ito sang-ayon sa pagtatatag ng Medical Cannabis Study Group na nakasaad sa panukala. Dapat na ang Dangerous Drugs Board umano ang magre-regulate ng medical cannabis alinsunod sa batas, at upang matiyak na maiiwasan ang paglusot ng paggamit ng marijuana sa maling paraan.

Samantala, “dead in the water” para kay Senate President at dating Dangerous Drugs Board head Vicente Sotto III ang panukalang gawing legal ang cannabis dahil labag ito sa UN treaty.

Pambansa Slider Ticker ASEAN National Organizing Committee Canada Dangerous Drugs Board Gary Alejano House Bill 6517 o Act Providing Filipinos Right of Access to Medical Marijuana. Malacañang marijuana Medical Cannabis Study Group PINAS Presidential Spokesperson Salvador Panelo Quincy Joel Cahilig Technical Working Group on Medical Cannabis Legalization at faculty members University of the Philippines Vicente Sotto III

Kauna-unahang hydrogen train lumarga sa Germany

October 1, 2018 by Pinas News

Tahimik at matagumpay ang unang byahe ng Coradia iLint.

 

Ni: Eugene B. Flores

PATULOY na lumalala ang sitwasyon ng mundo tungkol sa usapin ng polusyon. Isa sa pangunahing nagdudulot nito ay ang diesel engines.

Ginagamit ang diesel sa maraming bahagi ng mundo lalo na sa Third World dahil ito ang maituturing na isa sa pinaka-epektibong enerhiya sa pagpapatakbo ng mga makinarya, sasakyan at elektrisidad sa buong mundo. Isa rin sa dahilan kaya palasak ang gamit nito ay dahil mas mababa ang halaga nito sa gasolina.

Ngunit kaakibat ng malaking ginagampanan ng diesel sa pagpapatakbo ng industriya ay ang matinding epekto nito sa kapaligiran at kalusugan.

May mga pananaliksik na nagtuturo sa diesel na isa sa mga sanhi ng kanser, respiratory problems at cardiovascular diseases sa mga manggagawa o mga taong exposed sa diesel fumes. Apektado rin nito ang tubig, hangin at lupa.

Subalit hindi pa kayang iwaksi ang paggamit ng diesel. marami pang taong mamamalagi ang diesel sa maraming bansa. Kakailanganin pa rin ng ilang sektor ang diesel sa susunod na mga taon kung kaya’t lalong manganganib ang ating kapaligiran.

LABAN KONTRA POLUSYON

May nakikitang solusyon ang mga Aleman sa hamong ito. Kamakailan lamang bumiyahe sa unang pagkakataon mula sa istasyon ng Bremevorde sa Lower Saxony ang dalawang Coradia iLint o hydrogen trains na papalit sa mga diesel train dito.

Ang kulay asul na hydrogen train ang bagong tatakbo sa ruta na nagdudugtong sa bayan ng Cuxhaven at Buxtehude na may layong 62 milya o 100 kilometro. Karaniwang binabagtas ito. ng mga diesel train. Tuluyang ilulunsad ang bagong teknolohiya sa 2021 kung saan 14 pa na hydrogen train ang tatakbo mula sa istasyong ito.

Mahalagang hakbang ito ng gobyerno ng Germany upang labanan ang lumalalang polusyon sa hangin.

Marahil, may mas malalim na dahilan kung bakit asul ang napiling kulay para sa hydrogen train.  Malamang may reference ito sa “blue flame,” ang pinakamalinis at pinakaepektibong apoy hindi lamang para sa pagluluto kundi sa manufacturing process din.

Ang kompanyang TGV-maker Alstom ang siyang gumawa ng tren na pinatatakbo ng hydrogen

“The world’s first hydrogen train is entering into commercial service and is ready for serial production,” wika ni Henri Poupart-Lafarge, CEO ng Alstom.

Nakatakda namang magbayad ng 81.3 milyon euro o $95 milyon ang estado ng Lower Saxony para sa proyektong ito.

Ito’y bahagi ng advocacy ng bansa na higit na gamitin ang mga renewable fuel at bawasan ng malaking porsyento ang polusyon sa taong 2050.

Tinawag nilang “Energiewende” ang policy na ito. Ang Energiwende ay naglalayong gumamit ng green power sources mula sa dating nuclear at coal power.

Maaliwalas ang loob ng hydrogen train.

 

HYDROGEN TRAIN

Paano at ano ang nagpapatakbo sa hydrogen train? Mayroong fuel cells sa bubong ng tren at may  tangke ng hydrogren sa loob. Pinaghahalo ang hydrogen at oxygen upang magkaroon ng elektrisidad para patakbuhin ang tren.

Dahil sa ganitong pamamaraan, tanging tubig at singaw (steam) lamang ang ilalabas ng tren sa atmosphere kumpara sa mga tren na pinagagana ng diesel na bumubuga ng usok na kung minsan ay itim na.

Ayon sa kompanya ang isang tangke ng hydrogen ay kayang magamit para makatakbo ang tren ng  1,000 kilometro katulad din ng kayang takbuhin ng diesel train.

Nasa 87 milya kada oras o 140 kilometro kada oras ang pinakamabilis na takbo ng hydrogen train at lubhang mas tahimik kumpara sa dating diesel train.

Naiipon naman sa ion lithium batteries ang mga enerhiyang hindi nagagamit ng hydrogen train sa normal na pagbiyahe nito.

Plano ng gobyerno ng Germany na mapatakbo na ang lahat ng hydrogen train sa 2022.

PRESYO AT SERBISYO

Sa mga nabanggit na katangian ng bagong teknolohiya mas mahal ang halaga nito ngunit tiniyak naman ng Alstom na madali itong patakbuhin.

“Sure, buying a hydrogen train is somewhat more expensive than a diesel train, but it is cheaper to run,” wika ni Alstom project manager Stefan Schrank.

“In line with our aim to facilitate a global transition to a low-carbon transport system, Alstom has pioneered several sustainable mobility solutions. The Coradia iLint is a perfect illustration for our commitment to designing and delivering innovative and environmentally-friendly solutions,” pahayag ng Alstom sa kanilang website.

INTERES MULA SA IBANG BANSA

Nagpakita ng interes ang mga karatig bansa sa pagbili ng hydrogen train. Kabilang sa mga bansang ito ay ang Denmark, Canada, United Kingdom, Norway at Italy.

Sa kabilang banda naman, kumuha rin ng eco-friendly buses sa ibang bansa ang Germany upang paigtingin ang laban nito sa pagpapababa ng polusyon sa bansa.

ADVANTAGE AT DISADVANTAGE

Bagama’t isang magandang hakbang ang proyektong ito, mayroon pa ring advantage at disadvantage ang paggamit ng hydrogen bilang fuel sa pagpapatakbo ng tren.

Sagana at renewable ang hydrogen kung kaya’t hindi ito mahirap makuha gayon din ang napakalakas nitong enerhiya.

Isang malaking kalamangan nito, hindi ito nakadadagdag sa polusyon na nagdudulot ng climate change ngunit kinakailangan pa rin ang fossil fuels. Ang fossil fuel ay isang non-renewable energy surce na taliwas din sa kanilang nais na green power sources.

At kapalit naman ng mataas na presyo ng hydrogen train — ito ay low maintenance at mas matagal ang itatakbo kaysa sa diesel train.

Patuloy na lumalawak ang mga teknolohiya sa iba’t-ibang panig ng mundo at inaasahan na ang mga ito ay magresulta ng higit na pagpapabuti ng kapaligiran, komunidad at higit sa lahat maisusulong ang mas kaigaigayang kalidad ng pamumuhay sa lahat ng aspeto.

Isang malaking hamon sa kasalukuyan ang global warming at climate change, ang paglikha ng mga gamit at sasakyang pinatatakbo ng renewable energy sources ay isang malaking tulong at hakbang upang mabigyang lunas ang lumalalang sakit ng kapaligiran.

Negosyo Slider Ticker Alstom project manager Stefan Schrank Bremevorde Canada Climate Change Coradia iLint Denmark Energiewende Germany global warming Henri Poupart-Lafarge Italy Lower Saxony Norway PINAS United Kingdom

Anne Curtis sa likod ng pelikulang “Buy Bust”

August 1, 2018 by Pinas News

SI Anne Curtis kasama si Direk Erik Matti mula sa world premier noong July 15 ng pelikulang BUY BUST.

Ni: Crysalie Ann Montalbo

TILA suntok sa buong kalawakan ang sunod–sunod na biyayang natatanggap ng Showtime host at Kapamilya actress na si Anne Curtis-Heusaff matapos nitong ilaban sa New York Asian Film festival ang pelikulang inaabangan ng lahat, ang “Buy Bust” sa direksyon ni Direk Erik Matti na mapapanood sa darating na Agosto.

DREAM ROLE

Hindi nag-alinlangan si Anne na tanggapin ang role noong tinawagan siya ni Direk Matti at sinabi kung saan iikot ang konsepto ng buong pelikula.

“I was so inspired. I am always hungry for a role in a film like this. Naka two years na ata na wala akong ginagawang pelikula sa Viva at wala akong magustuhang manuscript. So finally, this came up and it was a definite yes kaya kailangan ko ‘tong gawin,” sabi ni Anne.

Batid din daw niya na kaya niyang patunayan na ang mga babae ay kaya ring umangat sa isang action film sa Pilipinas.

“Kaya rin naman naming mga babae na gumawa ng aksyon na pelikula. So sana, this open doors for a lot of actresses out there,” sabi niya.

PINAKAMAHIRAP NA KARAKTER

Sa loob ng 21 taon ni Anne sa showbiz ay masasabi niyang pinakamahirap gampanan ang karakter niya sa “Buy Bust” bilang isang pulis na responsableng hulihin ang isang drug lord na nagtatago sa isang slum area sa Maynila. Sa isang press conference, inilarawan niya ang “Buy Bust” bilang isang pangyayari na talagang dumurog sa kanyang pisikal, mental at emosyonal na aspeto na dumating sa puntong sumuka siya dulot ng sobrang kapaguran.

“May isang eksena which took us 57 takes to get right in a span of three days bago naming nakuha yung eksena. You’ll see in the movie at ‘yung first day na shinoot namin ito, nasuka ako sa hirap. Hindi po biro ‘yun, nasuka po talaga ako,” sabi ni Anne.

Hindi niya rin malilimutan ang isang eksena na aksidente siyang nasuntok sa mukha ng isa sa mga actor na gumanap bilang kalaban. Iyon raw ang kanyang unang pagkakataon na naramdaman niya kung paano matanggalan ng ngipin ang isang tao kapag nasusuntok ito.

“And yes, this was the first time I ever got punched in the face by a man. Yes, I was physically injured during the shooting of this film, pero alam mo ‘yun, masaya siya. Ok lang.”

REAKSYON NI ERWANN

Walang double sa pelikula si Anne kaya hindi maikakaila ang mga sugat at pasang tinamo niya habang sila ay nasa kalagitnaan ng shooting.

Pero imbes na pahintuin ng asawang si Erwann Heusaff, sinusuportahan pa nito si Anne at para pa raw itong bine-baby.

“Mas lalo lang ako nabe-baby, kasi parang naawa siya sa akin,” ang sabi ng aktres.

“You know, in fact, I think it’s what made him even more excited to see this film because he saw how much effort was put into shooting this film,” dagdag pa nito.

WORK AND DETERMINATION

Kamakailan ay hindi mapigilan ni Anne na maluha habang nasa kalagitnaan ng New York Q&A matapos ang premier ng kanilang action film na “Buy Bust” na kung saan ay unang beses niya itong napanood sa isang world premier.

Sabi ni Anne, “I guess that’s why I’m so emotional,” she began. “When you finally see all the hard work come to life and pieced together with the music, and everything, it’s just so overwhelming. It’s awesome.”

“It was a struggle, with all the elements — the water, the rain, the roof being slippery, missed punches, squibs not going off. It was tough.”

“But I think what really helped everyone on set, everyone was determined to perfect that one shot. No matter what it took, no matter how long it took, we were all committed.”

Ipinagmamalaki ni Direk Erik Matti ang kakayahan ni Anne na gampanan ang karakter nito sa pelikula at hindi niya lubos maisip na magagawa nito lahat ng kanyang pinagawa. Kaya’t tama at swak ang pagpili sa kanya na maging bida dahil namumukod-tangi ang determinasyon, husay at galing ng batikang aktres.

Bukod sa New York Asian Film Festival, ipinalabas din ito sa Fantasia International Film Festival sa Canada noong July 18at sa Bucheon International Fantastic Film Festival sa South Korea.

Matutunghayan ang kaabang-abang na pelikula sa darating na unang araw ng Agosto sa iba’t ibang sinehan sa Pilipinas. Kasama rin dito ang ilang stars tulad nila Brandon Vera, Nonie Buencamino, Victor Neri, Joross Gamboa at AJ Muhlach.

Showbiz Slider Ticker AJ Muhlach Anne Curtis-Heusaff Bucheon International Fantastic Film Festival Buy Bust Canada Direk Erik Matti Joross Gamboa New York New York Asian Film Festival PINAS Showtime South Korea

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.