Ni: Jonnalyn Cortez
MAS pinalaki na nga ang sariling independent music label ni James Reid na Careless Music Manila matapos ang isinagawang contract signing ng mga bago nitong mang-aawit kamakailan.
Masasabi na ngang bigatin ang record label ng Kapamilya artist sa pagdating ng mga bago nitong talents, kabilang na ang kanyang nobyang si Nadine Lustre.
Aniya, kanyang magiging pangunahing focus ang kanyang music career at bagong negosyo sa darating na taon.
“For 2020, for sure, gusto ko magfocus muna sa music,” sambit ng aktor. “I’ve invested a lot of time and money to Careless. I want to see how far we can push it, how far we can go, and how far I can take my music career.”
Bukod kay Nadine, ilan sa mga bagong artists ng Careless ay sina Astrokidd, Massiah, Curtismith, Bret Jackson o mas kilalang KingwAw.
Sa pagpili ng kanyang mga bagong mang-aawit, inihayag ni James na ang bawat isa sa kanila ay may magandang istorya kung paano sila nagkakilala.
Nakikinita rin niya ang kanyang music label na magiging tulay sa pagitan ng OPM at international music.
“I don’t see it specifically associated with R&B or hip-hop. It’s really whatever is current because music changes, and it changes fast, especially nowadays,” paliwanag pa nito.