Ni: Jonnalyn Cortez
KINALAMPAG ni Carla Abellana ang mga opisyal ng barangay at kapulisan na sangkot umano sa dog meat trade na nangyayari sa NHA Compound sa Paco, Maynila. Ginawa niya ito sa isang post sa social media.
Kilala bilang isang animal welfare advocate, ibinahagi ni Carla, isang Kapuso aktres, ang post ng organisasyong PAWSsion Project na nagsasabing ang mga pulis mismo ay dawit sa pagbili ng karne ng aso.
“How will you report this to the authorities if they, themselves, are behind it?” sambit ni Carla sa kanyang caption.
Ibinahagi rin ng dating host ng Karelasyon ang sentimyento ng PAWSsion Project. “It is exhausting to know that while we use up all our resources just to save dogs in danger, there are individuals out there who do not value other beings’ lives,” hinaing nito.
Ayon sa organisasyon, iligal ang pagbebenta o ang kalakalan ng karne ng aso. Dagdag pa nito, kahit pa malabong makakuha ng virus mula sa aso ang mga mga kumakain ng karne nito, ang pagkatay sa mga aso ay maaring magsimula ng rabies outbreak.
“Then in turn, more dogs are killed (i.e. impounded and euthanized) for the sole purpose of eradicating rabies. If this is not heartbreaking enough for you, we don’t know what else is,” dagdag pa nito.
Tinatawagan naman ni Abellana at ng PAWSsion Project ang atensyon ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso upang tapusin ang ganitong kalakaran sa Maynila.